Warning 🔞⚠️:
The scenes below contains sexual and physical violence. Please be guided. Read at your own risk.
-----------------------
It took two years before I finally got a job. Nakuha ako sa isa sa pinakamalaking broadcasting company sa Pilipinas. Mahirap sa simula pero nakakaraos din ako. Apat na taon na rin ako dito sa kompanyang ito. But it seemed like I was still sophomore.
"Sasha, ipagtimpla mo nga ako ng kape," utos ni Marisa, ang news producer.
"Ako rin, Sasha. No sugar please," ani rin ng aming Sales Manager na si Gretchen.
Itinigil ko ang paggawa ng web designs at tumayo mula sa aking cubicle.
"Opo," I obeyed.
Lumakad na ako para pumunta sa canteen. Napangisi nalang ako ng hilaw sa loob ko. Everyday is a the same cycle. Most of the people here treats me like I am their servant.
Tingin nila sa akin ay utusan lang, at mas mataas sila sa akin.
I am member of the news production team but I feel like I am nothing but a slave to them. Imbes na news ang isusulat ko, kape ang tinitimpla ko.
Apat na taon na ako rito pero wala pa ring nagbabago. Mas nauna pang ma-promote ang bagong pasok kaysa sa akin.
I always did my best but for them, it was not enough.
Habang dala-dala ko ang kape, nakasalubong ko si Sheena. She is our editor.
"Sasha, pakidala nga itong reviews kay Ma'am Ophelia," maarte niyang saad sa akin.
"P-pero..."
Hindi pa man ako nakakasagot ay ipinatong niya na ang puting folder sa ibabaw ng dalawang braso ko at umalis na siya. Wala akong nagawa kundi pagbalansehin ang folder habang dala ko ang dalawang kape nina Gretchen at Marisa.
Gusto ko sana tumutol dahil may dala akong kape pero umalis kaagad siya.
Sa loob ng apat na taon, ganito nila ako tratuhin.
Ibinigay ko na sa kanila ang dalawang kape sa dalawang babae. Pinagtatawanan pa nila ako dahil sa itsura ko na may hawak na dalawang kape at may folder pa na nakapatong sa ibabaw ng braso ko.
"Look at you, para kang basahan," natatawang komento ni Gretchen sa akin.
Ipinasawalang bahala ko nalang iyon, at hinatid na ang reviews sa office ng aming head director na si Ma'am Ophelia.
After that, bumalik na naman ako sa aking cubicle para ipagpatuloy ang ginagawa ko. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakaupo ay tinawag na naman ako ng aming sound engineer na si Sir Kyle.
"Sasha, halika nga. May ipapatingin ako sayo," he demanded.
I sighed heavily before going to his cubicle.
"Ano po 'yon, Sir Kyle?" tanong ko.
"Tingnan mo nga kung anong kulang. I need your opinion about this. What do you think about the synchronization of the audio to the video?" he said.
Si Sir Kyle ang isa rin sa apo ng may-ari ng kompanya. Hindi ko alam kung bakit ako ang tinatanong niya. Sa lahat ng mga empleyado dito, sa akin siya lagi nagtatanong. At isa pa, magaling siya sa field na ito dahil isa siyang sound engineer.
"Uhm... Ayos naman po, Sir Kyle, siguro medyo delayed lang ng kaunti ang audio," I commented.
"Talaga? Point it out for me please,"
YOU ARE READING
El Rancho Series 1: Twist of Temptation
RomanceSi Sasha Isabel Sanches ay isang haciendera. Sila ang nagmamay-ari ng pinakamalaking pinyahan sa bayan ng El Rancho. Sa kabilang banda, si Hugh El Salvador naman ay isang hamak lamang na trabahador ng pinyahan ng pamilya Sanchez. Sa hindi inaasaha...