Chapter 11

240 5 0
                                    

Gaya ng sabi ni Papá, hindi kami nagkikita ni Hugh sa loob ng isang linggo. A one whole week felt like year without Hugh's presence. Pero kaya kong magsakripisyo ng isang linggo dahil kapalit nito ay habang buhay at malayang pag-iibigan namin ni Hugh.

Sa loob ng isang linggo ay deritso ang uwi ko, at pinapabantayan din ako ng Papá.

Matatanggap na rin kami sa wakas ni Papá. He was not that bad after all. I thought his atrocious perspectives and insights  about the people who are below our level stayed within his soul. Pero dahil kay Hugh, nag-iba ang pananaw niya.

Habang papalapit ang aking kaarawan, ganoon na rin ang pananabik ko.

Alam na rin ni Cindy ang tungkol sa amin ng kuya niya. Noong una, gulat na gulat siya pero masaya rin siya sa amin.

Papá will throw a big party for me. Tuwing kaarawan ko, palaging engrande dahil mga mayayamang tao rin ang dumadalo. Kahit ang gobernador ng El Rancho ay dumadalo rin. My father's connections covered a wide scope.

Hanggang sa dumating na rin ang araw ng kaarawan ko. I wasn't enjoying because this night will be about business and all. I am waiting and aching to see you.

This night, we will be officially legal with my parent's our approval and blessing.

"Happy Birthday, Sasha!" Victor greeted.

I gave him a smile. Salamat, Victor."

Balisa ako dahil malapit nang mag-alas nuebe ngunit wala pa rin si Hugh. Victor then handed his gift.

"Here's my gift. Buksan mo," nakangiting wika niya.

"Mamaya na."

I excused myself to look and to meet Hugh at the entrance. Baka natagalan lang siya o baka may ginagawang importante.

Lahat ng aking mga bisita ay kapwa abala sa kanilang ginagawa. Halos lahat sila ay may kausap. With those glamorous set ups, design, chandeliers, I couldn't make myself happy. Kapag nandito na si Hugh, doon lang ako sasaya. Sa oras na makita ko si Hugh, kompleto na ang birthday ko.

I looked at the wall clock, lampas alas nuebe na. Malapit nang mag-alas dyes ngunit wala pa rin si Hugh. However, I was still holding to the hope that Hugh will come. Napaupo nalang ako sa upuan at nanghihina.

Nagkatinginan kami ni Papá. There was something in his eyes.

Maya-maya, lumapit siya sa akin.

"Nasaan na ang lalaking pinagmamalaki mo, Sasha?" Papá approached.

My eyes started to water. But I still gave him a small smile.

"B-baka may ginagawa pa, Papá." sagot ko.

Ngumisi siya. "Ginagawa? Alas dyes na, Sasha, ngunit wala pa rin siya."

"Baka may emergency lang sa kanila.." pagpapalusot ko ulit. But the truth is, I was just convincing myself.

"Kung mahal ka niya talaga, Sasha, dadating siya sa oras na napagkasunduan. Kapag hindi siya dumating, ibig sabihin no'n, niloloko ka lang niya."

Pagkatapos sabihin iyon ni Papa, umalis na siya at bumalik sa kanyang mga amego.

Isang butil ng luha ko ang nalaglag. Hugh was never late. Kapag magkikita kami, hindi siya pumapalya sa oras. Kapag minsan nga ay mas maaga pa siya sa akin dumadating.

As the clock continues ticking, and the night went deeper, my heart gets heavier and heavier.

Unti-unti nang nagsisiuwian ang mga bisita ngunit walang Hugh na dumating. Maghahating-gabi na ngunit kahit anino niya ay wala.

He didn't show up.

My heart was breaking and falling into pieces.

Papá went near me when the last visitor was gone.

I was completely crying. My chest was so heavy that I could hardly breathe.

I saw amusement on my father's face.

"Nasaan na ang hampas-lupa na 'yon, Sasha?" nakangisi niyang sabi

Lumapit sa akin si Mamá at hinawakan ang balikat ko.

"Hindi siya para sayo, anak..." malumanay na saad ni Mama. She was trying to comfort me.

"Hindi, Mamá... Mahal ako ni Hugh. Baka may nangyari lang sa kanila," I hopefully said while tears were continuously falling.

My father tsked. "Kung mahal ka niya, dadating siya. Ang sabihin mo, naduwag siya. Pinagsamantalahan niya ang kabobohan at kainosentehan mo. Ikaw naman, uto-uto ka."

Tiningala ko si Papa at nanlilisik ang matang tiningnan siya.

"Hindi duwag si Hugh, Papá! Sabihin mo man na bobo ako at uto-uto, ngunit hindi duwag si Hugh! Mahal niya ako! Mahal na mahal ako ni Hugh higit pa sa pagmamahal ninyo sa akin -"

Hindi pa man natatapos ang sasabihin ko ngunit malakas na sampal ang iginawad sa akin ni papá.

Matapang akong tumayo at hinarap silang dalawa ni Mamá.

"Bakit, Papá? Nagagalit kayo kasi totoo?" I bravely confronted.

Ito na ang oras para sabihin ko sa kanila ang mga hinanakit ko.

"Istupida ka! Wala kang utang na loob! Pinalaki ka namin, binihisan, pinakain at binigyan ng magandang buhay!" Para na siyang sasabog sa galit.

Mapait akong ngumiti.

"Kasi responsibilidad niyo 'yon! Hindi ko ginusto na mabuhay sa mundo! Kayo ang nagdala sa akin sa malupit na mundong 'to!"

Kung magsusumbatan lang din kami, mas mabuting lubos-lubosin ko na.

I was just telling the truth. I didn't wish to be born. They brought me into this world.

Responsibilidad nila na buhayin ako. Kahit papaano, nagpapasalamat naman ako sa kanila. Ito ang buhay na gusto ng marami pero hindi ito ang gusto ko.

All I want is just to be loved. At ngayong may nagmamahal naman sa akin, ayaw naman nila.

Gusto ko lang na magpakamagulang din naman sila sa akin. Gusto ko lang maging masaya.

Why were they so hard on me?

"Mula pagkabata ko, kontrolado niyo na ang buhay ko! Ni minsan hindi ko naramdaman na nagpakamagulang kayo sa akin! Lagi na lang kayo negosyo, pera, yaman! Paano naman ako?"

I couldn't hold back my tears.

My eyes softened. "Nasa atin nga lahat pero kulang na kulang ako..."

Binalingan ko si Mamá. "Ikaw, Mamá? Kailan mo ba ako maipagtatanggol? Ipagtanggol mo naman ako... Kailangan na kailangan kita. Kahit 'yon lang, Mamá... Kahit 'yon lang..." parang nangungusap ang tinig ko.

I saw how the guilt and pain flashed on her face. Her eyes watered but she stayed her face firm.

"Kailan ka magtatago sa likod ni papá? Speak for yourself... Kung hindi mo man ako maipagtanggol, kahit sarili mo nalang ang ipagtanggol mo..."

After I said those words, I left our fucking mansion. Kahit papaano, nakuhanan ng bigat sa dibdib ko. Sobrang tagal ko iyong dala-dala.

I laughed humourlessly. It was so ridiculous.

What a way to celebrate birthday...

This was the same day I was brought into the world of misery.

El Rancho Series 1: Twist of Temptation Where stories live. Discover now