Chapter 22

448 8 1
                                    


Nagising ako na masakit ang katawan lalong-lalo na ang gitnang parte ko. When I looked at the other side of the bed, Hugh was still sleeping peacefully.

I felt so full and alive waking beside him.

Pero hindi ko alam kung paano ko siya haharapin sa oras na magising siya.

Kaya ang ginawa ko, tahimik akong nag-impake ng damit ko. I filed a leave the other day. Ngayon ko napagpasyahan na umuwi sa El Rancho. Sampung taon na rin ako hindi nakakauwi.

I just missed my home.

Tiningnan ko ang labas, tumila na rin ang ulan at humopa na ang baha.

After I packed my things, I slowly opened the door. For the last time, I took a peek of Hugh who was still sleeping in peace.

Thanks for the fun night, Hugh...

Pumunta na ako sa sakayan ng bus papuntang El Rancho. Apat na oras din ang byahe galing sa Manila hanggang sa bayan ng El Rancho.

Habang nakasakay ako ng bus, hindi maalis ko ang nangyari sa amin ni Hugh kagabi. I couldn't understand myself for being that fragile. Sobrang rupok ko pagdating sa kanya.

We had a bitter yesterday but why do I still yearn for him? Na sa kabila ng lahat ng ginawa niya sa akin, nagawa ko pa rin makigpagtalik sa kanya. And I couldn't deny the fact that I enjoyed it.

I missed him...

Nasasabik pa rin ako sa kanya. Hindi pa rin ako mapalagay kapag nandiyan siya.

Para lang kaming normal na tao kapag magkaharap. 'Yong tipong walang nangyarinsa amin. It seemed like we were never apart— that after everything, we still talk casually.

"Nasa El Rancho na tayo! Bumaba na ang gusto bumaba! Gano'n naman kayo eh, pagkatapos niyo kaming sakyan, iiwan niyo lang din kami," ani ng konduktor.

Kinuha ko na ang bag ko na dala ko, at saka bumaba na. Kinindatan pa ako ng konduktor nang tuluyan na akong makababa.

Tss...

The moment I went out from the bus, the fresh and calming air of El Rancho embraced my skin.

I automatically smiled.

The smell of home... I'm home...

Marami mang nagbago pero gano'n pa rin ang pakiramdam. Its landscape may changed, but the greeny of the place stayed the same. Marami na rin akong nakitang bagong tayo na bahay.

"Sasha!"

"Victor!"

Masaya akong sinalubong ng yakap ni Victor, at ganoon rin ako sa kanya. I also missed him as much as I miss this place.

Kaya rin ako umuwi rito ay para makita rin si Victor. Bago lang din kasi siya nakauwi galing abroad. He worked as a business manager there. Hindi maipagkakaila na mayaman na din siya.

"Sana nagsabi ka bago ka umuwi rito, edi sana sinundo na kita," he said.

Mahina ko siyang nahampas sa braso.

"Hindi na. Makakaabala pa ako sayo,"

He just pouted. Kinuha na niya ang bag na dala ko para tulungan ako.

"Naayos ko na ang tutuluyan mo, Sasha. Nakausap ko na ang kaibigan ko na doon ka muna tutuloy sa apartment niya since nasa Canada pa siya."

"Maraming salamat talaga, Victor..." nahihiya kong sabi.

Hindi naman ako makatuloy sa mansion namin noon dahil mayroon nang nakatirang bago doon. Sinubukan ko naman tubusin pero hindi talaga sapat ang pera ko. Kaya pansamantala, sa apartment muna ng kaibigan ni Victor ako tutuloy. Isang linggo rin naman akong mananatili dito.

El Rancho Series 1: Twist of Temptation Where stories live. Discover now