The Perfect Bitch Chapter 20

60 2 0
                                    

Tatlong linggo nang nakalipas, nung kinasal sina Daniel at Adriana. Naging masaya naman ang samahan nila pero hindi talaga nila maiwasang magkaroon ng maliit na away tungkol sa kwarto. Ayaw kasi humiwalay ni Daniel kay Adirana.

"Aalis lang ako ng sandali." Nagpaalam si Daniel kay Adriana na kumakain ng lunch.

"Saan ka naman pupunta?" Nagtatakang tanong ni Adriana.

Wala naman kasing ibang pupuntahan si Daniel kundi School or bahay ni Adriana.

"Wag kang mag-isip jan na may gagawin akong mali." Sinabi ni Daniel.

"Wala akong sinabi. Guilty ka masyado, ah." Natatawang sabi ni Adriana.

"You trust me, right?" Tanong ni Daniel kay Adriana.

Ngumiti si Adriana, "Yeah." Maikling sagot ni Adriana.

"Wag mo kong masyadong ma-miss, ha?" Mapang-asar na sabi ni Daniel.

"Kapal ng mukha. Umalis ka na nga!" Sigaw ni Adriana.

Tuluyan nang umalis si Daniel. Iniisip ni Adriana kong anong gagawin ng lalakeng yun. Pero hindi naman nababahala si Adriana kasi may tiwala naman ito kay Daniel. Ramdam kasi ni Adriana na Mahal na Mahal siya ni Daniel.

"Alice?" Tinawag niya si Alice na naka-tayo sa gilid kasama si Angelica.

"Yes mam?"

"Asaan na yung pinapagawa ko sa'yo?" Seryosong tanong ni Adriana.

Yung tungkol sa background ni Daniel.

"Ah, Miss, patuloy pa po sa paghahanap ng Information." Sagot naman ni Alice.

"Bakit natagalan?" Nagtataka niyang tanong niya kay Alice.

"Wa-wala po kasing lumalabas na Daniel Prinsloo pag hinanap po. It may sound pathetic pero totoo po mam."

"Weird. Every person has a background." Naguguluhan si Adriana.

"I'll give it to you as soon as possible mam, pag may mahanap kaming Detalye tungkol sa kanya." Sabi ni Alice at nag-bow.

Babalik na sana si Alice nang magsalita ulit si Adriana.

"And also Alice."

Lumingon si Alice.

"Miss?"

"It's time." Napaka-seryosong sabi ni Adriana.

"For what, Miss?"

"It's time to look for him." Walang emosyong sinabi ni Adriana.

She was referring to her Daddy.

"Yes mam." Sagot ni Alice at nag-bow.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

4 pm na nung makabalik si Daniel sa bahay, may dala itong Bulaklak, Chocolates and a ice cream in a small Cup, for Adriana. Naabutan naman niya si Adriana sa kwarto, nanonood ng TV.

"Bakit ngayon ka lang?" Walang gana na tinanong ni Adriana si Daniel.

"I told you, I have a surprise for you." He said with a smile.

Napa-ngiti naman si Adriana, naisip niya na wag nalang ito tanongin. Umupo si Daniel sa tabi ni Adriana.

"For you." Tagumpay na binigay ni Daniel kay Adriana ang mga dala niya.

"Thank you." Sabi ni Adriana. Natahimik naman sila ng sandali. "What?" Tanong ni Adriana kay Daniel dahil tinitignan kasi siya nito.

"Nothing, ang ganda mo talaga." Sabi ni Daniel.

Napa-ngiti naman si Adriana. "I hear that almost every minute, Dane." Sabi ni Adriana.

"Anong tinawag mo sakin?" Ngiting tanong ni Daniel.

"Dane." Naka-ngting sagot ni Adriana. Ngumiti naman si Daniel.

Adriana's P.O.V.

Ang napansin ko ay, suot-suot niya ang Wedding Ring niya. Ako kasi ayoko suotin kasi baka ma-issue pa ako.

"Adrie, I want you to wear your wedding ring." Seryosong sabi ni Daniel.

"Why?" Tanong ko.

"Because I don't want guys flirting you. Your my wife, now. You are mine, and only mine." Napaka-seryoso niya.

Tinignan ko nakang siya ng nawe-weirdohan look.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Mrs. Lee's P.O.V.

"Mam, there is an update of Ms. Adriana." Sabi ng secretary ko.

"What is it?" Tanong ko.

Inabot niya sa akin ay isang folder at binasa ko ang laman nito.

Inis kong binato ang folder sa sahig,"Bakit ngayon mo lang to na update sa akin?!"

"Mam I'm sorry."

"Dapat bago pa ang Wedding, sinabi mo na ito sa akin!" Inis kong sigaw sa kanya.

"I'm so sorry, mam."

"Nasaan na ang Background nung lalake?" Kalmado kong tanong sa aking Secretary.

"Patuloy po ang paghahanap ng Details, mam. Pero we've found something different."

"Sige. Pagpatuloy niyo lang ang paghahanap. And also." Tiningnan niya ako. "Babalik tayo sa Pilipinas."

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Adriana's P.O.V.

Pumasok ako ng naka White Muscle Tee, Black Skinny-Jeans and Black Vans Shoes. Intramurals lang kasi ngayon. Games, Dance Competitions at iba pa. Ayoko nga pumasok eh, itong si Daniel kasi namimilit.

"Dane, wala ka nang nakalimutan?" Tanong ko kay Daniel.

"Wala na." Sagot niya.

Ginamit ko ang aking Lexus LFA Black Rims ko na binili ko last year.

"I like your car." Comment ni Daniel sa pagpasok niya sa sasakyan.

Ngumiti nalang ako sa kanya.

Pagdating namin sa School at 9:20 am, kaka-park lang nina Alendrea and Anna.

"I like your style." Comment ni Anna.

Nag-smirk nalang ako.

"Good Morning." Sabay nilang dalawa sinabi sakin.

Kumaway naman yung dalawa kay Daniel. Bumalik na yung pakikitungo ni Anna kay Daniel. Buti naman.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Medyo nabobored nako sa pinapanood namin na dance. It's 3 pm na rin kasi kaya niyaya ko na si Daniel umuwi.

"Dane, uwi na tayo."

"Sige, medyo pagod na rin ako. Pero mas mapapagod yata ako mamayang gabi." Tinaas-baba niya kilay naya, which made me laugh.

Nasanay na ako sa kalandian ng Asawa ko.

Naka-uwi na kami ng bahay, pero parang kinakabahan ako. Bakit?

"Wait lang may naiwan ako sa kotse." Sabi ni Daniel.

"Mauna na ako sa loob." Sabi ko.

Pagpasok ko sa loob, sinalubong ako ng Personal Maid ko at si Alice.

"Ms. Adriana. Mr. Daniel's background. " Malungkot na binigay ni Alice ang isang Folder.

The Perfect BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon