The Perfect Bitch Chapter 39

45 1 0
                                    

Limang araw na ang nakalipas simula nang pumapasok si Mark sa Lee International School, at halos araw-araw sila nagtatagumpay sa trip nila ni Adriana.

"Adrienne, ano ba kasing nasa kokote mo at ayaw mong hiwalayan ang Asawa mo." Inis na tanong ni Mark.

Naglalakad-lakad sina Mark at Adriana sa rooftop, naka-holding hands baka kasi may makahalata na naga-acting lang sila.

"Di ko alam." Walang paki-alam na sagot ni Adriana.

"Ako nalang kasi piliin mo."

"Micko."

Bigla nalang hinila si Adriana ni Mark at hinalikan, naka-hawak si Mark sa beywang ni Adriana at ang mga braso naman ni Adriana ay naka-palibot sa leeg ni Micko.

"Baka naman ginayuma ka niya?" Mahinahon na tanong ni Mark.

"Ewan." Natawa silang dalawa.

Nagulat nalang silang dalawa nang may nagsalitang may malalim na boses.

"Baka ginayuma ko?!" Inis na sabi nung nagsalita. Napalingon silang dalawa.

"Ang feeler mo naman, wala naman kasi akong binanggit na pangalan ng asawa niya." Pang-inis ni Mark kay Daniel.

"Ganito na ba ka liit ang mundo para hindi ka maka-hanap ng babaeng walang ka-relasyon?" Inis na tanong ni Daniel. Medyo namumula na ang mukha nito sa galit.

"Hindi ka na kasi makakahanap ng babaeng Maganda, Mabait, at totong magmamahal sayo." Nag-smirk si Mark. Mas lalong nainis si Daniel.

"Hindi ka niya mahal. Nakakalimutan mo na ba na ako ang mahal niya? Hindi ko siya ginayuma, kaya hindi niya ako maiwan-iwan kasi sadyang Mahal niya ako." Now it's Daniel's turn to smirk.

Napa-isip si Adriana, Mahal?

"Si Adriana Alessandra Levine ay nagmamahal, siya yata nagturo sakin na magmahal." Sabi ni Daniel habang tingin kay Adriana.

Kunot-noong tumingin si Adriana kay Daniel.

Napa-bitaw si Adriana kamay ni Mark, napa-tingin naman si Mark kay Adriana.

Bigla nalang umalis si Adriana at iniwan ang dalawa sa rooftop.

"Alam kong scripted lang to lahat. Hindi kayang gawin ni Adriana ang magtaksil sa akin. Kasi ako lang naman ang minamahal niya." Naka-smirk na sabi ni Daniel.

"Alam mo, ang swerte mong gago ka. Ilang beses na ako nagmakaawa sa kanya na ako nalang pero ikaw at ikaw pa rin ang pinipili niya. Kung Mahal mo talaga siya, ipakita mo, iparamdam mo. Hindi yung kahit nakikita ka pa lang, nasasaktan na siya. Minsan ka nalang makakahanap ng tulad ni Adriana." Inis na sabi ni Mark bago umalis.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Papunta si Adriana sa Office ni Adam.

"Adam." Inis na sabi ni Adriana pagpasok sa office.

Nagulat si Adriana kasi si Mrs. Kena ay nasa Office ni Adam.

"Yes, Ms. Adriana?" Professional na tanong ni Adam.

"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ni Adriana kay Mrs. Kena.

"I just visited your school." Ngiting sagot ni Mrs. Kena.

Ibinaling naman agad ni Adriana ang attention niya kay Adam.

"Adam, babawiin ko na ang share ni Daniel." Sabi ni Adriana.

"Why so serious, Adriana?" Pang-iinis ni Mrs. Kena kay Adriana.

"Grim, wala ako sa mood para makipag-biroan." Seryoso na sabi ni Adriana. Ngumiti lang si Mrs. Kena.

"Aasikasuhin ko yan, Ms. Adriana." Seryosong sabi ni Adam.

Lalabas na sana si Mrs. Kena sa Office nang magsalita si Adriana.

"Grim."

"What?" Ngiting tanong ni Mrs. Kena.

"Alam kong may kailangan ka sakin." Seryoso na sabi ni Adriana.

"Uhhmm. Wala." Ngiting sabi ni Mrs. Lee.

Natahimik sila ng sandali.

"Anong problema sa Lee Corporation?" Tanong ni Adriana kay Mrs. Lee.

Ngumiti si Mrs. Lee, "Levine Company is almost taking over Lee Corporation's place as The Largest Company."

"At may gana ka pang ngumiti?!" Inis na tanong ni Adriana. Hindi na sumagot si Mrs. Kena sa tanong ni Adriana.

"Mr. Hernandez, any problem with Adriana's grades?" Tanong ni Mrs. Kena kay Adam.

Natahimik si Adriana, may iniisip kasi siya.

"There's no problem with Ms. Adriana's grades, Mrs. Lee. Her lowest grade is 91." Naka-ngiting sabi ni Adam.

"How about her special subject?" Tanong ni Mrs. Kena.

"Her grade in Business Administration is 95, Mrs. Lee."

Kaya may Private Classroom ang tatlo dahil may special subject sila na Business Administration. Parang collage na rin sila, business management ang course na kinuha. Wala kasi silang magagawa dahil sila ang mga tagapag-mana ng companya ng kanilang mga magulang.

"Good. Mabuti't natuto na si Adriana. At sana hindi na matulad nung last year na 48 ang grade niya sa Business Administration. At sana hindi na rin niya gawin ulit ang kanyang mga kalokohan, muntikan ng masira ang pangalan ng Lee Corporation, noon."

Napa-tingin si Adriana kay Mrs. Kena.

"I'll be leaving now." Paalam ni Mrs. Kena.

"Grim, wait." Sabi ni Adriana.

"Yes?"

"Maybe it's time." Sabi ni Adriana.

"Time for what?" Tanong ni Mrs. Kena.

"Time to become your partner." Sabi ni Adriana. Napa-ngiti naman si Mrs. Kena sa sinabi ni Adriana.

The Perfect BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon