The Perfect Bitch Chapter 49 (The Final Battle)

73 2 0
                                    

Beep. Beep. Beep.

Nagising si Adriana na masama ang pakiramdam. Di niya malaman kung bakit, dagdag pa yung pagkahilo niya. Pagkatapos niya mag-ayos para pumasok ay bumaba siya dinning room para kumain ng breakfast. Naabutan naman niya ang si Mr. Chang na kasalukuyang kumakain ng breakfast.

"Dad. Good Morning." She greeted her Mr. Chang the best way she can even she's not feeling well.

"Good Morning, Alessandra." Naka-ngiting bati rin ni Mr. Chang sa kanya. Napansin din naman niyang hindi pa bumababa ang kanyang kapatid.

"Angelica, gisingin mo na si Charlie." Bulong ni Adriana kay Angelica.

"Opo." Sagot naman ni Angelica.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating si Charlie.

"Alessandra, you called me?" Naka-ngiting bungad ni Charlie. Si Mr. Chang ay napatingin kay Charlie na may gulat na expression.

"Charlie, say Good Morning to our Daddy." Naka-ngiti na sabi ni Adriana. Tumayo si Mr. Chang at nilapitan si Charlie, si Charlie naman ay may gulat din na expression.

"Charlie, is that you?" Naka-ngiting tanong ni Mr. Chang.

"Yes, Dad." Tuwang-tuwa na sagot ni Charlie. At nagyakapan sila ni Charlie at Mr. Chang.

"Alessandra." Tawag ni Charlie kay Adriana.

"Yeah Bro?"

"Come here." Sabi ni Charlie, kaya lumapit si Adriana at nag-family hug sila. Hindi maipaliwanag ni Adriana ang kanyang nararamdaman. Masaya siya pero mas dumadaig ang bigat ng kanyang loob.

"Now this is a family." Naka-ngiti na sabi ni Adriana. Masaya na siya pero parang may kulang pa rin.

Pagpasok ni Adriana ng school ay may ngiting totoo siyang ipinakita sa mga tao. Half Day lang sila ngayon dahil may meeting sila maya-maya sa Black Mansion.

"Kapag kompleto ka na nga naman." Naka-ngiting sabi ni Anna kay Adriana.

"Sa totoo lang, parang may kulang pa." Sabi ni Adriana.

"Grabe, di ka na nakuntento." Sabi ni Alendrea, natawa naman si Adriana.

Sa kalagitnaan ng klase ay lumapit si Alendrea kay Adriana.

"Patigilin mo muna si Professor, may importante akong sasabihin." Natataranta na sabi ni Alendrea. Mas bumigat naman ang loob ni Adriana kaya pinatigil niya muna ang Professor sa pagdi-discuss.

"Excuse us." Sabi ni Adriana sa Professor. Paglabas ng Professor ay parang nababaliw na si Alendrea.

"Shit, kalma lang Alendrea. Wag natin siya biglain." Sabi ni Alendrea sa sarili. Nagtaka si Adriana, kaya tumingin si Adriana kay Anna.

"Spit it out, Alendrea." Sabi ni Anna. Lumapit si Alendrea kay Adriana. Pero hindi nalang siya pinansin ni Adriana, baka kasi nagbibiro nanaman, kaya nagsulat nalang si Adriana.

"Please wag ka mabigla sa sasabihin ko." Sabi ni Alendrea kay Adriana.

"What is it, Alendrea?" Walang Ganang tanong ni Adriana.

"He's leaving."

Natigilan sa pagsusulat si Adriana at napa-kunot ang kanyang noo. Alam niya kung sino ang tinutukoy ni Alendrea.

"What did you just say?" Walang gana na tanong ni Adriana.

Napa-bugtong hininga si Alendrea, "Their moving to Los Angeles, they are staying there for good." Sa bawat sinasabi ni Alendrea ay ang mas lalong ikinabibigat ng loob ni Adriana.

The Perfect BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon