The Perfect Bitch Chapter 23

65 2 0
                                    

After school, niyaya ko si Alendrea at Anna sa Bar. Magpapalipas lang ako ng Gabi kasi baka masiraan na ako ng ulo sa kaka-problema at tsaka na sa bahay si Grim, ayoko makita ang pagmumukha niya.

"So, anong plano mo?" Tanong ni Anna.

"Wala." Maikli kong sagot, at uminom ng alak.

"You won't set an Annulment?" Tanong din ni Alendrea. Pinatong ko ang aking siko sa Tuhod ko.

"Pagti-tripan ko siya.." Sabi ko. Napa-smirk nalang ako.

Time Check: 1:34 am

"Lasing ka nanaman, at wag ka nga magmaneho kung lasing ka." Bungad sa akin ni Angelica sa pagpasok ko ng bahay.

"Ma-magkano ang bayad sayo ni Grim para magbago ka?" Lasing ang tono ng aking boses ngayon.

"Adriana, wag mong sisihin ang Mama mo, hindi ka naman kasi ganyan dati. Tinuturuan lang kita ng leksyon." Paliwanag niya.

Hindi ko na siya sinagot, naglakad ako pero napaluhod ako dahil umiikot na ang aking paningin.

"Adriana." Narinig kong lumapit si Angelica pero may biglang nagsalita.

"Matulog ka na." Rinig kong utos ni Grim kay Angelica.

Tumayo ako. Tinignan ako ni Grim ng masama. At nag-smirk ako.

"Bakit ngayon ka lang?" Walang emosyon na tanong ni Grim.

"Wala kang paki." Sinabi ko habang naka-smirk.

"Ikaw ba ang basihan ng isang Lee?" Tanong niya.

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

"Wala akong sinabi." Sabi ko ng may mapang-asar na ngiti.

Lumayo siya ng konti dahil sa amoy ng alak sa aking bibig.

"Nakakahiya ka." Inis niyang sinabi pero tinawanan ko lang siya at umakyat papunta sa kwarto ko.

Wala nanaman ako sa sarili, gusto ko magwala, hindi ko alam kung bakit.
Humiga nalang ako at natulog.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Adriana?" Isang boses ng babae ang gumigising sakin. Si Angelica.

"Pabayaan mo na ako." Sabi ko nang hindi dumidilat.

"Oras na ng pasok mo." Mahinhin niyang sabi. Dumilat ako at tinignan siya.

"Ayoko pumasok." Walang gana kong sinabi.

"Kailangan mong pumasok." Inis pa niyang sabi.

Tumayo ako at hinarap siya.

"Kapag sinabi kong ayoko, ayoko." Seryoso kong sabi.

Tinignan ko siya ng nakakamatay. At padabog na pumasok ng CR.

Hindi ako papasok ngayon, tenext ko na rin sina Alendrea at Anna. Pupunta kami sa isang lugar na walang nakaka-alam at walang sino man ang may lakas na loob na pumunta doon.

I'm wearing a Black Beanie, Break the Rules Muscle Tee, Black Skinny Jeans, Dr. Martens 1460 Boots. Which make me look like a Gangster.

Pagbaba ko sinalubong ako ni Angelica.

"Adriana, kailangan mong pumasok." Inis niyang sinabi. Nagbago na siya.

"Subukan mong paki-alaman ang buhay ko, gugulohin ko ang buhay mo." Sinabi ko habang naka-tingin sa ibang Direksyon. Papasok na sana ako ng Dinning room, pero nakita ko nanaman si Grim.

The Perfect BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon