The Perfect Bitch Chapter 44

47 2 0
                                    

"So Alice, ano na?" Tanong ni Anna na naka-upo.

"Miss Adriana, may lalakeng naka-pangalan ay Charlie Ethan Lee pero hindi pa po kami sure kung siya ba talaga." Sabi ni Alice.

Napa-kunot ang noo ko, "Bakit hindi sure?" Tanong ko.

"May nagsabi lang po kasi sa amin na isang babae na Maid siya ni Sr. Charlie. Pero hindi na po namin na tanong kung asaan si Sr. Charlie kasi nagmamadali siya noon at wala siyang day off. Nagkataon lang na nag-go-grocery siya noon."

"So, si Charlie ay nandito lang sa Pilipinas." Sabi ko sa hangin.

Natahimik kami ng sandali.

"Pssstt... Hoy, Baliw." Sabi ni Alendrea sakin at nagtawanan sila ni Anna. Pinagti-tripan talaga ako nito.

Inirapan ko lang si Alendrea.

"To naman, masyadong seryoso." Sabi niya.

"Alice, alamin niyo ang lahat. Update mo ako as soon as you find everything." Seryoso kong sabi.

Nagsimula na ang klase namin nung umalis si Alice. Parang isang ordinaryong araw ngayon, magdamag nag-klase, maghapon na discussion.

Sa kalagitnaan naman ng klase ay bigla kong naalala si Daniel, naalala ko yung araw na nagkakilala kami. Naalala ko rin ang kasal namin, ang pinakamasayang araw para sakin. Pero bigla naman pumasok sa isip ko ang araw na nabigo ako ng sobra.

"Miss Adriana, is there a problem?" Tanong ng Professor. Napatigil kasi ako sa pagsusulat kaya napansin niya ako. Tinignan naman ako ng dalawa na napatigil din sa pagsusulat.

"Wala." Maikli kong sagot.

"Okay po." Naka-ngiting sagot ng Professor.

Pagkatapos ng klase ay hindi ko malaman kung saan ako pupunta, ayaw ko pa kasing umuwi.

"Hoy! Kanina ka pa tulala. Ano bang problema mo?" Iritang tanong ni Anna.

"Wala." Irita ko ding sagot pabalik. Natahimik naman kami ng sandali.

"Black Mansion tayo." Aya ni Alendrea.

"Adriana?" Naka-ngising sabi ni Anna.

"Oo na." Walang gana kong sagot.

Paglabas namin ay sakto namang nakita ko si Daniel at si Vanessa naman ay nasa likod niya. Hindi ko siya kinausap, inirapan ko lang siya at naglakad papalayo.

"Adriana." Cold na sabi ni Daniel. Napa-tigil naman ako sa paglalakad.

"What?" Cold kong tanong pabalik without looking at him.

"Saan ka pupunta?" Walang Emosyon niyang tanong.

I chuckled, "Sa lugar na hindi ka pwedeng pumunta pati yang aso mo na sunod ng sunod sayo." Walang Emosyon kong sabi. Umalis na ako pagkatapos sabihin iyon. Pagdating naman namin sa Parking Lot ay nakasalubong namin si Matthew kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Adriana." Nag-aalala niyang sabi. Tinignan ko siya ng walang gana simula ulo hanggang paa.

I gave him a fake smile, "Long time no see." Sabi ko at umalis sa harapan niya. Sumakay ako sa sasakyan ko at umalis na sa School.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Pagdating naman namin sa Black Mansion ay nagce-celebrate sila, may inuman at tugtugan. Nagpatugtog sila ng "Five More Hours" by Deorro& Chris Brown.

"Five More Hours we're just getting stated." Kanta ni Enrique habang papalapit sakin at inabot ang baso na may alak. Natawa naman ako.

"Anong meron?" Tanong ni Anna kay Enrique.

The Perfect BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon