The Perfect Bitch Chapter 34

63 1 0
                                    

Medyo late ako pumasok ng school ngayon, hinintay ko kasi si Daddy magising, sabay kasi kaming nag-breakfast.

"Adriana." Napatingin ako sa pintuan ng Private Classroom.

"What do you want?" Walang Emosyon kong bungad sa pumasok.

"You'll never learn how to say Hello, don't you?" Inis na tanong ni Matthew.

"Matthew, may class pa ako. Is it urgent?" Stress mode.

"Hindi na ba kita pwedeng bisitahin?" Inis niyang tanong.

"Wala akong sinabi, Matthew." Walang Gana kong sinabi.

Lumapit si Matthew sakin. Bigla naman bumukas ang pintuan ulit kaya napalingon kami.

"Ano nanaman ginagawa mo dito?" Inis na tanong nung pumasok.

"Hindi mo naman to property, bakit ganyan ka maka-asta?" Tanong pabalik ni Matthew kay Daniel.

"Kailan pa naging sagot ang tanong sa isa pang tanong?" Pamimilisopo ni Daniel.

"Ngayon lang. At wala kang paki-alam." Seryosong sabi ni Matthew.

Great. Nag-aaway nanaman sila.

"Ganoon ka ba kabobo para maintindihan na Asawa ko siya?" Tanong ni Daniel.

"Sige sabihin nating kasal kayo. Napilitan ka lang kasi lumayas ka noon at wala kang pera dahil naka-freeze lahat ng accounts mo." Pang-inis ni Matthew kay Daniel.

Kwenelyohan ni Daniel si Matthew. Nang biglang bumukas ulit ang pintuan.

"Adrienne, yung report sa--..." Naputol ang sinabi ni Micko.

Napa-tigil sila ng sandali. Napa-bugtong hininga nalang ako sa inis.

"Adrienne, huh." Binitiwan ni Daniel si Matthew. Nagulat si Micko, "Isa ka pang loko ka. Asawa ko siya, kaya tigilan mo na siya." Seryosong sabi ni Daniel. Napakamot ako sa ulo ko.

"Paano pag-ayaw ko?" Matapang na tanong ni Micko kay Daniel.

"Matapang ka. Pero mas matapang ako sayo" Sabi ni Daniel.

"Ano bang problema mo, Daniel?" Iritang tanong ni Matthew.

Great! Nag-meet and greet na sila! Punyeta.

"Kayo! Kayong dalawa problema ko!" Sigaw ni Daniel.

"Eh, kasalanan ba namin kung maganda ang Asawa mo?" Naka-smirk na sabi ni Micko.

"Makakatikim ka talaga ng sapak sakin. Kung sino ka man."

"The name's Micko. Or you can call me Mark."

"Well, hindi kayo bagay." Bwesit na bwesit si Daniel sa existence nung dalawa.

"Tama na nga yan. Walang kwenta yang talastasan niyo, wala namang nararating." Inis kong sabi.

"Adrienne, sila ba ang tinutukoy mo na Dalawang Back Up?" Pang-asar ni Micko sa dalawa.

"Pwede ba?! Nakaka-irita ang pangalan na Adrienne. At hindi ako ang Back Up, kayo yun!" Sigaw ni Daniel. Medyo affected si Matthew.

"Hoy! Parehas lang tayong tatlo may gusto sa babaeng yan." Inis na sabi ni Matthew.

Bigla naman bumukas ulit ang pintuan at napalingon naman kaming lahat.

"Oooohhh." Sabi ni Anna, natatawa siya dahil siguro nagmeet na ang tatlo.

"Ano to? Reunion ng mga natuhog?" Tuwang-tuwa na tanong ni Alendrea.

"Shut Up." Seryosong sabay na sabi ng tatlo.

"Hoy, bruha. Let me clear things out. Hindi ko sila tinuhog, hindi ko sila pinagsabay. Isa lang naman ang ka-relasyon ko sa kanila." Napa-ngiti naman si Daniel sa sinabi ko. Yung dalawa tinignan ng masama si Daniel.

The Perfect BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon