The Perfect Bitch Chapter 27

68 1 0
                                    

Napahawak ako sa ulo ko, patong-patong na ang problema ko. Sa lahat ng gagawin ko ito ang pinaka-mahirap, si Grim ang makakalaban ko dito at first time ko siyang kakalabanin. Alam kong si Grim ang responsable sa pagka-wala ni Daddy. Hindi ako sigurado kung makaka-uwi ba ako dito na buhay. Si Grim pa, ang kulang nalang patayin ako. Ayaw niya lang kasi ma-issue na sarili niyang anak ay pinatay, for the sake of the Company's good name din.

"Good Morning, Adriana." Napatingin ako sa pintuan kung saan ay pumasok si Alendrea at Anna.

At syempre si Alendrea ang bumati. Hindi pa rin kasi kami bati ni Anna.

Tumayo ako at lumapit sa kanila, tinitigan ko si Anna na nakayuko naman. At medyo sumisilip ng konte kung tinanggal ko na ba ang titig ko. Napa-smirk nalang ako.

"Adriana, magbati na kasi kayo. Her explanations are reasonable." Explain naman ni Alendrea.

"Did I asked for your opinion?" Sinabi ko habang naka-tingin pa rin kay Anna.

"Ang sungit mo naman. At tsaka ilang araw ka na hindi pumapasok ah!" Nag-kunware siyang nagtatampo.

Hindi ko na siya sinagot. Hinihintay ko nalang ay mag-salita si Anna.

"A-Ad-Adriana, I-I'm S-Sorry." Natatakot niyang sabi.

Isang Kanji natatakot? That's new. Natawa ako sa itsura niya, para siyang aso na nagmamakaawa sa may-ari.

"Kilala mo ako, Anna. I don't accept apologies." Tinaasan ko siyang ng isang kilay habang naka-ngiti ng nakaka-asar.

Tumingin muna siya kay Alendrea at sakin. At lumawag ang pakiramdam ko sa sumunod niyang ginawa. Lumuhod siya sa harapan ko.

"I'm sorry, Adriana." Umiiyak siya habang sinabi yun.

Natawa ako, akalain mo pati silang dalawa takot sakin. Si Grim nalang ang kulang, ang tapang kasi nung asong yun.

"Akalain mo, isang matapang na Kanji, takot sa nag-iisang Lee?" Mas lalo siyang umiyak sa sinabi ko. "Tumayo ka na nga jan. Nakakababa ng Pride yan." Dagdag ko pa. Okay na ako sa luhod effect niya.

"Anong gusto mong gawin ko.?" Natatawa niyang sinabi habang umiiyak, baliw. Inabot ko ang kamay ko para tulungan siya tumayo.

Ang kaibigan ko nga namang loka-loka. Tumatawa habang umiiyak, yung totoo? Baliw lang?

"That's why I don't challenge the Adriana Alessandra Lee." Tumawa siya at niyakap ako. Namiss ko tong lokang to.

"And never forget that." Niyakap ko rin siya.

"Awww.. Group Hug." Nakiyakap din si Bruhang Alendrea.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

After ng class, nag-iinuman kami sa bar. Habang umiinom ako ng alak, nagtatawanan sila ni Anna at Alendrea. Bigla nalang ako nakarinig ng tilian ng mga babae.

"Ano yun?" Malanding tono na tinanong ni Alendrea.

"Looks like a Hot Babe is in the house." Malading sagot naman ni Anna.

"Baka gusto niyo nalang tignan, diba?" Irita kong sinabi sa kanila.

Tumayo ako at naglakad, nakasunod naman silang dalawa, pumunta kami sa kabilang room. At ang nakita ko ay kumpulan ng babae.

"Ikaw ang may-ari, ikaw magpa-alis." Suggest ko lang naman kay Alendrea.

"GET OUT OF OUR WAY!!" Sumigaw si Alendrea pero wa epek.

"Let me take care of this." I tapped Alendrea's shoulder. Naghintay ako ng chempo na humina ang tilian.

"Get out of my site, I hate seeing sluts." Walang emosyon kong sinabi.

The Perfect BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon