The Perfect Bitch Chapter 25

56 1 0
                                    

Maagang gumising si Adriana, hindi pa rin niya matanggap ang nakita niya kagabi. Bumaba siya para mag-breakfast, nagmadali siyang kumain at pumunta sa School. Pagpasok niya ng Room nila, wala pa sina Alendrea at Anna, umupo siya sa upuan niya at napayuko. Biglang bumukas ang pintuan at napa-tingin naman siya. Si Alendrea at Anna.

"Himala, ang aga mo." Di makapaniwalang sabi ni Alendrea.

Pumikit ng mariin si Adriana at huminga ng malalim. 

Bumukas naman ng malakas ulit ang pintuan at napatingin silang tatlo. Si Daniel, galit itsura niya.

"Adrie, let's talk." Seryosong sabi ni Daniel. Tumayo si Adriana at hinarap si Daniel.

"What?" Malamig na tinanong ni Adriana kay Daniel.

"One question. Bakit mo ginawa yun?"

Adriana acted like she has no idea of what Daniel is talking about.

"Ang alin?" Adriana asked him with a bored look.

"Don't act like you don't know what I'm talking about." Tinaasan ni Daniel ang boses niya.

"Let me ask you again, what did I do?" Tinaasan din ni Adriana ang boses niya.

"Adrie, pinasok niyo ang bahay namin kagabi at tinutukan ng baril ang mga tao sa amin." Ramdam ni Adriana ang Inis ni Daniel

"Do I look like a Criminal to you?" Tanong ni Adriana kay Daniel.

"Adrie, I'm not joking here. Ang personal maid ko ay na-trauma sa ginawa niyo, pati ang isang maid, tinutukan mo daw ang maid ng baril sa noo. Halos mabaliw sila sa ginawa niyo." Seryoso si Daniel.

"Niyo?" Litong tanong ni Adriana.

"Hindi ko alam kung sino-sino angmga kasama mo. Pero sabi nila parang Gang ang mga pumasok."

Nagpalitan ng tingin sina Anna at Alendrea.

"May sayad ka na yata. Wala akong Gang, at hindi ako kasali sa isang Gang." Inis na sabi ni Adriana.

"Alam kong ikaw yun." Pinagdidiinan talaga ni Daniel si Adriana.

Adriana P.O.V.

"Paano mo naman nasabi na ako iyon?" Kalmado kong tinanong.

"Dahil ang damit na suot niyo nung mga lalake kahapon sa mall ay suot nung mga tao na pumasok daw sa bahay. Babae daw ang pumasok sa kwarto ko. Ikaw yun, Adrie." Sinisisi talaga niya ako ah.

"Bakit? May katibayan ka? CCTV records, finger prints, foot prints? Meron ka?! At isa pa, nasa bahay lang ako kahapon magdamag, anong nakita sa mall? Nababaliw ka na ba?" Irita kong tanong.

Simpleng Revenge pa lang yun, ha.

"Nakita kita kahapon sa mall, you were in a White Muscle Tee, Black Skinny Jeans, Black Boots and a Black Beanie. And you were even smoking." Irita niyang sabi.

Nakakatawa ang mukha niya.

"I don't smoke. At kung ako man yun, anong gagawin mo?"

"Wala. Walang makaka-alam na ikaw yun. I'll just act like nothing happened. I just need your apology." Sinabi niya.

Bakit ba ako pinapahirapan ng mga tao?

"Fuck that." Bulong ko sa hangin.

"Kailangan ko lang malaman, kung ikaw ba yung kagabi? Ikaw ba ang The Black Princess?" Kumalma na siya. Di ko siya sinagot. Tumalikod ako."Sumagot ka!!" Sinigawan niya ako. Humarap ulit ako sa kanya.

"Ikaw pa talaga ang may ganang magalit, ha?! Punyeta, mahiya ka nga, dapat ako ang nagagalit hindi ikaw!" Sinigawan ko siya pabalik.

"May karapatan akong magalit dahil nagsisinungaling ka sakin."

The Perfect BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon