"Mark!" Sigaw ni Alendrea.
"Bakit??" Gulat na sinabi ni Micko.
"May ipis! Patayin mo!!" Utos ni Alendrea.
Nasa Hotel na kami, hindi ko alam kung saan galing ang ipis na yan, sa eroplano ba? Sa bahay niya? Ewan. Wala namang ipis sa Hotel ah. Lumabas kasi bigla sa ilalim ng maleta ni Alendrea. Nagstay kasi ng sandali si Micko sa room namin.
"Suus. Ipis lang pala." Matapang pa na sabi ni Micko.
At biglang lumipad ang Ipis! Bwesit! Feeling Butterfly! Tumakbo si Micko na naka-upo sa sofa kanina. Nagtakbuhan kaming apat sa buong kwarto, takot kaming lahat sa ipis eh, pag-mayaman nga naman daw takot sa ipis. Ang madapuan, PATAY!
"Anna, patayin mo." Utos ni Micko na sumisilip sa likod ng kurtina.
"Ayoko nga, baka mamatay pa ako niyan." Sabi ni Anna na sumisilip sa likod ng sofa, nasa harap kasi ang ipis gumagapang.
"Alendrea, ikaw na." Utos naman ni Anna.
"Ayoko, may mga pangarap pa ako!!" Sigaw ni Alendrea na nakatago sa pintuan ng CR.
"Mark, ikaw na pumatay. Lalake ka naman eh." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Alendrea.
"Pag lalake, siya papatay agad? Ayoko nga." Sabi ni Micko.
"Adriana, ikaw nalang!!" Sabay nilang tatlo sinigaw sakin. Habang ako ay nakatago sa loob ng Cabinet.
"Mauna na kayo mamatay. Mag-aasawa pa ako!" Sigaw ko sa kanila.
"May asawa ka na! Tanga!" Sigaw ni Anna.
Oo nga pala. Natanga pa tuloy ako. Binuksan ko ang pintuan, sinilip ko sila, bigla naman lumipad ang ipis, kaya change places naman sila. Nakakatawa ang mga itsura nila. Si Micko tumakbo papunta sakin at pumasok sa cabinet at sinara.
"Muntikan na ako mamatay." Nanggigil siya. Tinawagan ko si Alice.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Aliceee. May ipis!"
"I'll be right there, Miss."
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Narinig ko nalang bumukas ang pintuan nung room at maya-maya ay may narinig akong kabog.
"At last." Sabi ni Alendrea. Lumabas na kami ni Micko sa Cabinet.
"Ms. Adriana, we have a update of Mrs. Kena Lee." Sabi ni Alice. Binigay niya ang folder.
Naka-alis na si Grim, papuntang Japan. So, bukas ng hapon ang move namin.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Nasa harap ng building naka-parada ang sasakyan namin. Kinakabahan ako, hindi dahil sa mission, pero dahil makikita ko na ulit si Daddy.
"Adriana, you ready?" Tanong ni Alendrea na nasa Passenger's Seat.
"Mag-goodbye ka na kay Daniel, incase na mamatay ka." Biro ni Anna.
"Pwede ba? Focus on the mission." Inis kong sinabi.
"Black, everything is set. We're good to move." Sabi ni Micko over the Bluetooth headset na nasa tenga ko. Napa-bugtong hininga ako.
White Muscle Tee, Black Skinny Jeans, Black Combat Boots and naka-ponytail ang buhok ko.
"Mark, paglabas ko." Sabi ko kay Micko. Tumingin ako sa dalawa kong kasama.
BINABASA MO ANG
The Perfect Bitch
Teen FictionThis story has no connections with the other published story. I only used the same name, and others. This story was just made as a matter of fun, not nearly organized because I was just 14 when I made this story. So, I don't really encourage you guy...