The Perfect Bitch Chapter 31

52 1 0
                                    

Dumiretso na ako sa Black Mansion after namin magkita ni Matthew. Sabay kami nag-breakfast kanina at 5 p.m. na ako naka-alis. Nagdi-dinner kami nina Alendrea at Anna ngayon kasi mamayang 7 ang alis namin.

"Nagkita nanaman kayo?" Tanong ni Anna.

"Oo, may problema?"

"Bahala ka. Patay ka nanaman jan sa Asawa mo." Sabi niya. Tinarayan ko nalang siya.

"Black!" Sigaw ni Lester pagpasok sa dinning room.

"Sorry to disturb you ladies pero may nahuli kaming tao na sumusunod kay Black kanina." Sabi niya.

Sabay kaming tatlo nagtayuan. Mismong sa harap ng Mansion ay hawak-hawak ni Micko ang kwelyo ng isang lalakeng naka-suot ng itim.

"Care to explain, David?" Seryoso kong sabi.

"He is a spy, Black. Hindi namin alam kung sino ang nag-assign sa kanya pero kanina pa namin siya napapansin na sinusundan ka niya." Explain ni David.

"Bitawan mo siya, Mark." Utos ko.

Binitawan naman ni Micko ang lalake. Tatakbo na sana siya pero nagsalita ako.

"Subukan mong tumakas, pasasabugin ko yang utak mo." Sabi ko.

Tinutukan ko siya ng Dessert Eagle Pistol. He raised his two hands.

"Sino ang nag-utos sayo?" Seryoso kong tanong.

"Hindi ko alam." Sagot niya.

"Tanga ka ba??" Walang gana kong tanong.

"Hindi. Ikaw? Tanga ka?" Aba't sumagot pa. Iniis niya ako.

Lumapit ako sa kanya at dinikit ang baril sa noo niya.

"I'm not gonna waste my time on you." Sabi ko.

Napalunok siya. Alam ko na kasi kung sino ang nag-utos pero naninigurado lang.

"BOOM!" Sigaw ni Alendrea.

Ang kulang nalang siguro mahimatay ang lalake. Napapikit yung lalake at nanginig. Nagtawanan silang lahat sa likod ko.

"I'm not gonna ask you again." Naka-smirkong sabi.

"S-Si S-Sir Andrie Levine." nanginginig niyang sabi.

I knew it.

"Good." Ngumiti ako sa kanya. Kinuha ko yung iPhone ko at tinawagan ang aking sira-ulong Asawa.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Gusto mo patayin ko ang spy mo." Panimula ko.

"Adrie, let him go."

"What if I'll shoot him?" Pinatunog ko ang Baril.

"No. Stop."

"Sa susunod na malaman ko na may binayaran ka, papatayin ko na. May gagawin akong importante mamaya and the day after tomorrow. Kung may magbabantay nanaman sakin, pati ikaw papatayin ko na rin." Inis kong sabi. Pinutol ko na ang conversation.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Pag may maka-alam tungkol sa Gang namin, ipapahanap kita at ako mismo ang papatay sayo. Alis!" Sigaw ko.

Tarantang tumakbo ang lalake palabas ng property namin.

"Gang?" Tanong ni Micko.

"Yeah." Naka-smirk kong sabi.

The Perfect BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon