The Perfect Bitch Chapter 48 (Meeting Charlie)

66 2 0
                                    

Two weeks na kaming patuloy na nagta-training, two weeks na rin akong naghihintay na umalis si Grim at salamat dahil mamaya na ang alis niya at bukas ang move namin.
Nasa kwarto ng bahay ako ngayon. Sarap na nga ibato tong iPhone ko dahil kanina pa ito nagri-ring, tumatawag kasi si Daniel.
Dalawang linggo na rin akong walang tigil na tinatawagan ni Daniel pero wala akong sinsagot ni-isa sa mga tawag niya, di ko alam pero ang moody ko these days. Kaya nang mapikon nako ay kinuha ko ang iPhone ko at sinagot ang tawag niya.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Bakit ba?!" Irita kong bungad sa kanya.

"Masama bang tumawag?" Tinanong pa niya ako.

"Oo, busy akong tao kaya wag mo akong istorbohin." Sabi ko.

"Busy? Kahit busy ako hindi naman kita kinakalimutan, ah!" Sabi niya.

"Ano ba kasing kailangan mo?!" Sigaw ko sa kanya.

"Kailangan mo ba ako?" Bigla tanong niya sakin, natahimik naman ako at napaisip.

Kailangan ko ba siya?

"Sagot!!" Sigaw pa niya.

"Lumayas ka kung gusto mo, wala akong paki sayo. Hindi ikaw ang kaligayahan ko, kaya hindi kita kailangan." Sumbat ko sa kanya. Anong klaseng tanong nga ba naman iyon.

"Adrie, wag ka naman ganyan. We need each other, and you know that." Sabi niya.

"No I don't." Walang pakialam kong sabi at pinatay ng conversation.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pumunta ako ng Black Mansion dahil magti-tipon-tipon na kami.

"2 p.m. ang alis ni Grim, 5 p.m. ang move natin. Got that?" Sabi ko sa lahat.

"Yes, Black." Sagot naman nilang lahat. Inayos na nila lahat ng gagamitin mamaya, at maghihintay nalang kami sa oras.

Ang Jaguar C-X75 gagamitin ko mamaya, mabilis kasi ang sasakyan na iyon, I tried it last week sa Race Track namin.

"Ganda ng sasakyan mo, ah." Puri ni Alendrea.

"Bigay yan ni Grim an exchange sa pagpa-angat ko ng Lee Corporation." Seryoso kong sabi.

Sa ngayon, hindi mawala sa isipan ko si Daniel. Kung alam ko lang na ganito ang mahahantungan namin ay dapat hindi ko nalang siya pinakasalan. Hindi ko siya pinakasalan nang dahil lang sa share na binigay ko, pinakasalan ko siya dahil gusto ko.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Nasa harap na kami nina Anna at Alendrea sa mansion ni Charlie. Lahat ng Grupo ay nasa loob na ng mansion. Grabe, walang ni-isang tao sa lugar na ito.

"Is everything set?" Tanong ko sa leaders over the Bluetooth Headphone.

"Yes, Black." Sagot naman ng lahat.

"Okay then. Enrique, start the mission." Sabi ko.

"Yes, Black."

Bumukas naman ang gates at nagsimula na ang mission. Tumigil ako sa harap ng mansion at naglagay ng mask bago pumasok ng mansion. Pagpasok ko ay nakahilera ang mga nakaluhod na mga maids at guards. Nilabas ko ang pistol ko.

"Where is Charlie?" Tanong ko sa lahat pero walang ni-isang sumagot.

"Ayaw niyo sumagot?" Inis kong tanong.

The Perfect BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon