The Perfect Bitch Chapter 21 (Secret Revealed)

57 2 0
                                    

"Ms. Adriana. Mr. Daniel's background. " Malungkot na binigay ni Alice ang isang folder.

Kaka-iba ang kaba na nararamdaman ko.

"So, anong nahanap mo tungkol sa Asawa ko?" Tanong ko pa kay Alice.

"Asawa mo?" Boses ng isang babae ang narinig ko sa likuran ko.

Yumuko si Alice. Nawala ang ngiti ko at napalingon dahil sa boses na narinig ko.

Si Grim and sina Mr.&Mrs. Levine nakatingin sa akin. Hindi ako makagalaw kasi nagulat ako sa mga taong nakikita ko. Wrong timing. Patay na tayo.

"Adrie." Tumakbo si Daniel papunta sa tabi ko."Bakit?" Naka-ngiti niyang tanong, ako ay may gulat na expression na naka-tingin sa tatlong tao na nasa harap ko.

"Andrie?" Sabi ni Mrs. Levine.

Lumaki ang mata ni Daniel nang marinig niya ang boses ni Mrs. Levine. Lumingon siya nang may gulat din na expression.

"M-Mama?" Tanong ni Daniel.

Tumingin ako sa kanya. Anong sinabi niya?

Naglakad siya papunta kay Mrs. Levine pero bago pa man siya makalapit, sinampal siya nito ng malakas. Hinawakan ni Mr. Levine yung braso ni Mrs. Levine.

"Dane!" Napa-sigaw ako. Gusto ko siyang ilayo sa kanila pero naka-pako ang mga paa ko. Hindi ko siya ma-protektahan.

"How dare you?! Pinag-alala mo kami ng Daddy mo. Umalis ka ng walang paalam at halos dalawang buwan kang hindi nagpakita sa bahay. Hindi na namin alam kung saan ka hahanapin!" Sigaw ni Mrs. Levine kay Daniel.

"Mom, please wag dito." Pabulong pa niyang sinabi pero rinig ko.

"A-anong nangyayari?" Nanginginig kong sinabi, lumapit si Daniel sa akin.

Lumapit si Daniel sakin,"Adrie, please let me explain everything." Sabi niya sakin.

Natulala lang ako, habang iniisip kung anong nangyayari. Nilagpasan ko si Daniel at hinarap si Mrs. Levine.

"Ka-ano-ano m-mo siya?" Tanong ko kay Mrs. Levine.

"He is my Son. Daniel Andrie Prinsloo Levine. He's the heir of Levine Company. And your Fiancé." Sagot naman niya.

Unti-unti akong nababalik sa realidad. Siya yung ka-engage ko. Nahihirapan akong huminga.

Tumalikod ako at tinignan si Daniel.

"Adrie, let me explain." Sabi niya.

Tinignan ko siya ng salubong ang kilay.

"Pinagkatiwalaan kita." Mahina kong sabi pero alam kong rinig nila.

Binigo nanaman ako ng isang tao na pinagkatiwalaan ko ng sobrang-sobra.

Tumakbo ako palabas ng bahay, narinig akong tinawag ni Daniel pero hindi na ako lumingon. Sumakay ako sa sasakyan ko, at umalis.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Anong bang problema ko? Nasasaktan ba ang tawag nito? Ang alam ko kasi, hindi ako nasasaktan kasi hindi ako marunong magmahal. Punyeta tong buhay na to.

Tinawagan ko si Alendrea at Anna para magkita sa Bar ni Alendrea.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Anong ginawa niya?" Pikon na tinanong ni Anna.

Inikuyom ko ang aking kamao. Ang tanga ko para maniwala sa isang Gago.

"Nagsinungaling sa akin." Seryoso kong sinabi.

"Anong bang nalaman mo?" Tanong ni Alendrea habang umiinom ng alak.

"Alam niyo ba na siya ang tagapag-mana ng Levine Company?" Napa-smirk nalang ako sa Pikon.

"Ang akala ko ba, he doesn't own anything?" Nalilitong tanong ni Alendrea.

"That's why he Lied." Malamig kong sinabi sa kanila.

Kinuha ko yung baso ko na may alak, at ininom. Sinandal ko ang likod ko sa Sofa at pumikit.


Time Check: 12:42 am.


"Uwi na ako." Cold kong paalam kay Anna.

Si Alendrea kasi ay may inasikasong client. Tumayo ako pero parang antok na antok na ako. Parang anytime, mawawalan ako ng malay.

"Hatid na kita." Alalang sabi ni Anna.

"Wag na, kaya kong mag-drive." Sabi ko sa kanya.

"Hindi. I'll drive you home." She insisted.

"Kaya kong mag-drive. Pabayaan mo na ako, maki-lamay ka nalang pagnamatay ako sa aksidente." Cold kong sinabi sa kanya.

Hinatid niya ako sa labas at hanggang sa naka-alis ako hindi pa rin siya pumasok.

First time kong umuwi ng lasing at umaga na. Dahan-dahan akong naglakad papasok ng bahay, parang umiikot na kasi ang paningin ko. Muntik na akong bumagsak, pero sinalo ako ni Angelica.

"Adriana, bakit ngayon ka lang? At bakit mag-isa ka lang umuwing lasing."

"Wala kayong paki-alam." Cold kong sinabi. Tinabig ko ang mga kamay niya.

Naglakad ako paakyat ng kwarto, tumigil ako sa pintuan. Iniisip ko kung nandito ba siya para humingi ng tawad, tatanggapin ko naman, nagpalipas lang naman ako ng galit. Pero pagpasok ko, walang ni isang ilaw ang naka-sindi at walang akong nakita na Daniel. Humiga ako ng kama.

Pinakasalan niya lang ako para lang sa Pera. Galing eh, noh? Napa-ikot niya ang mundo ko.

The Perfect BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon