It was 7 pm when the captain announced na malapit na maglanding.
Naisip ko, di na yata ako nanaginip ng masama.Tumingin naman ako kay Daniel na bagong gising din. Ang gwapo ng Asawa ko kahit nakasimangot.
"Alam kong gwapo ako, pero wag mo naman akong pagnasaan." Sabi ng naman niya. Kapal.
"Masyado akong maganda para pagnasaan ka." Bawi naman ako.
"See? Naging Mrs. Prinsloo ka lang kumapal na yang mukha mo." Sabi niya, kaya inirapan ko siya.
"Okay lang yan, at least Bagay naman tayo, Makapal ang Mukha." Dagdag pa niya.
Ngumiti nalang ako sa kanya
"Ui, kinikilig." Asar niya sa akin. Di ko na siya sinagot, ngumiti nalang ako.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Pumunta na kami sa isang resort at nakaka-hanga talaga ang view, by the way, pagmamay-ari ito ng Lee Corporation.
"Good Evening, Ms. Adriana." Bati nung babae.
"Uhmm. The Room I reserved 2 days ago?" Tanong ni Alice sa babae.
"Ahh. Yes mam. This way mam."
Dinala niya kami sa L'Escapade Hotel.
"Woah." Hangang-hanga nanaman si Alendrea,.
"Hindi na ako magtataka kung bakit napaka-yaman ng Lee Corporation." Dagdag pa niya.
"Ikaw na mayaman Adriana." Sabi ni Anna.
Nakaka-tawa yung dalawa parang ngayon lang nakakita ng ganito ka ganda na resort.
"Kung nakita niyo lang ang Resort namin sa Los Angeles, mas maganda pa dito." Sabi ko.
"Punta nga ako doon minsan. Tingnan natin kung mas mayaman ba ang Lee Corporation or si Adriana Alessandra Lee. Oh sorry, Prinsloo pala." Sabi naman ni Alendrea at tumawa.
"Syempre yung Company. Wag po tayo tanga." Sabi ko at inirapan siya.
Tumawa lang siya, hyper nanaman to.
"Mam, we have 3 available rooms and--.." Pinutol ko agad ang sasabihin nung babae.
"3 Rooms?!!" Napasigaw ako.
Ba-bakit 3 rooms lang?
"Do we have a problem, Ms. Adriana?" Kalmado niyang tanong.
"Alice?! Apat kami, hindi ka ba marunong magbilang?!" Sinigawan ko siya.
"Mam. Ang sabi niyo po Honeymoon." Mahinang sabi ni Alice at yumuko.
"Oo nga, bakit magiging tatlo ba kami kung sinabi kong Honeymoon?!" Irita kong sigaw sa kanya.
"Bawiin mo ang sinabi mo na tanga ako." Biglang sulpot ni Alendrea.
"We're okay now. You can leave us." Sabi ni Anna sa babae.
Umalis naman agad ang babae. Hindi pa ako tapos mag-sermon, umalis na. Medyo bastos.
Kinaladkad ako nina Anna at Alendrea sa isang room na naka-assign sa akin. Iniwan namin si Alice, Angelica at Daniel sa labas.
"At bakit ko naman babawiin?!" Sigaw ko kay Alendrea.
"Kasi mas tanga ka pa sa akin." Confident niyang sagot."Aba't ang lakas ng loob mo para sabihin yan, ah!" Inis kong sabi.
"Adriana, kasi pagsinabi mong Honeymoon. "Sabi niya.
Umakbay siya sa balikat ko at tumigil siya ng sandali at dinala ako sa Bedroom na may Petals ng Rose na naka form ng heart, sa isang Queen sized bed at candles lang ang naka sindi, na nasa ibabang-side ng higaan.
BINABASA MO ANG
The Perfect Bitch
Подростковая литератураThis story has no connections with the other published story. I only used the same name, and others. This story was just made as a matter of fun, not nearly organized because I was just 14 when I made this story. So, I don't really encourage you guy...