Hindi pumasok sina Anna at Alendrea ngayon, hindi nga alam ni Adriana ang nangyari sa mga iyon, hindi naman kasi nagtext.
Naglalakad si Adriana sa Parking Lot ngayon, papunta sa sasakyan niya. Maglu-lunch kasi siya sa labas ngayon.
Pero bigla nalang may humila sa kanya, at tinakpan ng panyo ang ilong niya. Hindi kasi siya maka-angal dahil malakas ang pumipigil sa kanya. Nagkunware nalang si Adriana na nawalan na siya ng malay.
"Ang akala mo, ganoon kami kabobo?" Tanong nung lalake.
Kinurot nung lalake ang giliran ng tiyan ni Adriana, kaya napasigaw si Adriana. At tuluyan nang mawalan ng malay si Adriana.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"Well done, Boys." Rinig ni Adriana.
Unti-unti niyang idinilata ang mga mata niya. Si Mrs. Kena ang unang tao ang nakita niya. At kasalukuyang nakatali sa upuan si Adriana.
"Good Afternoon, Darling." Bati ni Mrs. Kena kay Adriana.
"What the heck do you want?!!" Tinaasan ni Adriana ng boses si Mrs. Kena.
"Simple lang, Adriana." Ngumiti si Mrs. Lee kay Adriana. "Binabalaan kita Adriana, wag kang manghimasok sa buhay ko. Or else."
"Or else what? You're going to kill me? Go ahead, I'm not stoping you." Walang takot na sabi ni Adriana. Hindi nakasagot si Mrs. Kena, tiningan niya lang ng malalim si Adriana, "ang Lee Corporation lang naman ang mawawalan ng Heir. Medyo malaking Problema yan. Walang magta-take over sa company after you resign." Naka-smirk na sabi ni Adriana.
"Hindi ikaw ang magdudusa. Your friends and." Tumigil ng sandali si Mrs. Kena "Your Husband." Napalunok si Adriana.
"Bakit ba ang hilig mo mangdamay? Take me, all of me!" Ngumiti si Mrs. Kena at lumingon sa gilid.
Napaligon nalang din si Adriana, nakita niya ay sina Anna at Alendrea kasama ang Parents niya. Tumingin ulit si Mrs. Kena kay Adriana.
Gulong-gulo ang mga buhok at pulang-pula ang mga pisngi sa kaka-sampal yata, at sila ay naka-uniform ng school.
"Anong ginawa mo?!!" Sigaw ni Adriana.
"Kasali sila sa Mission niyo, hindi ba?" Tanong ni Mrs. Kanji.
"O baka gusto mo din ng ganyan?" Tanong ni Mrs. Kena kay Adriana.
"Bullshit." Bulong ni Adriana.
"Susundin mo lahat ng gusto ko kung ayaw mong mangyari to ulit." Seryosong sabi ni Mrs. Kena.
"Bitch." Bulong ulit ni Adriana.
"Go to Hell, Adriana." Sabi ni Mrs. Lee.
"I am in Hell, where the two of us belong." Napaka-seryosong sabi ni Adriana.
"Gusto mo talaga ng sample?" Sinampal ng malakas ni Mrs. Kena si Adriana. Dumugo naman ang labi nito, "or baka mga kaibigan mo ang gusto mong makitang ganito?"
Sasampalin na sana ni Mr. Kim si Alendrea nang magsalita si Adriana.
"Fine! Hindi ko na papakailaman ang mga katangahan mo!" Sigaw ni Adriana.
"Good." Ngumiti si Mrs. Kena ng nakakatakot kay Adriana.
Lumabas nung kwarto sina Adriana, Anna at Alendrea na magulo ang buhok, may dugo ang labi at pulang pula na pisngi.
"Paano tayo uuwi, eh wala tayong sasakyan?" Tanong ni Alendrea.
"Taxi. Ano pa ba?" Sagot naman ni Anna.
"Taxi? Hindi ako sumasakay sa mga cheap na ganyan." Sabi ni Adriana.
Paglabas nila sa building ay hindi nila alam kung saang sulok ng Pilipinas ito.
Sa tuwing pa-para ng taxi si Anna ay pinapaalis ito ni Adriana.
"Problema mo? Hindi na nga natin alam kung asan tayo tapos ganyan ka." Inis na reklamo ni Anna.
"Tatawagan ko nalang si Alice." Sabi pa ni Adriana at inirapan si Anna.
Pero nung kinapa ni Adriana sa bulsa ng Skirt niya ay wala ang cellphone.
"Patay." Bulong ni Adriana.
"Oo patay." Dugtong naman ni Anna.
Pero bigla nalang sila nakarinig ng mabilis na takbo ng isang sports car.
"Maswerte ka." Sabi ni Anna.
"I know." Matagumpay na sinabi ni Adriana.
Adriana's P.O.V.
"Black." Naka-ngting bati ni David.
"Uhhm. Pwede maki-sakay." Sabi ni Alendrea.
"Oo naman po." Sagot ni David.
Sumakay ako sa Passengers Seat, yung dalawa naman ay nasa likod.
"Black, may tanong po ako." Sabi ni David.
"Not one word, David." Sabi ko.
Alam kong magtatanong siya tungkol sa mga nangyari sa amin.
He chuckled, "Yes, Black." Naka-ngiti niyang sabi.
Natahimik naman kami ng sandali.
"Black Palace po tayo?" Tanong ni David.
"Oo, kailangan ko pa gamotin ang sugat ko. Baka kasi makita ni Daddy." Sagot ko.
Pagdating namin sa Black Palace, pinagtitignan ako ng mga members.
Tumigil muna ako sa paglalakad, "Okay lang ako at wala kayong permission na tignan ako." Walang gana kong sabi. Kaya napaiwas sila sa pagtingin.
Pagpasok ko sa Headquarters, biglang nagtayuan ang mga leaders.
"Whoa. Anong nangyari?" Gulat na tanong ni Enrique.
"It's nothing, Enrique." Sabi ni Alendrea at umupo sa sofa.
"Mark, I need an ice pack." Sabi ko.
"Yes, Black."
Sumunod naman si Micko, ako naman ay umupo sa kabilang sofa. Pagdating naman ni Micko ay nilagyan niya ng ice pack ang gilid ng labi ko. Si Anna naman at si Alendrea ay nagpalitan ng tingin at nagtatawanan.
"Paul, kuha mo nga din ako ng ice pack." Utos ni Alendrea.
Natawa naman ako sa sumunod na nangyari. Inabot lang kasi ni Paul kay Alendrea ang ice pack.
"Paul." Inis na sabi ni Alendrea. Natawa din si Anna.
"Bakit?" Tanong naman ni Paul kay Alendrea.
"Hawakan mo to at ilagay mo sa sugat ko." Utos ni Alendrea.
"Ayoko nga." Natatawang sabi ni Paul.
"Dali na, para katulad nila Micko." Sabi ni Alendrea.
Nagtawanan naman kami lahat.
"Ano nga pala nangyari dito?" Pabulong na tanong ni Micko.
"Grim." Munting sagot ko.
Na-gets na rin niya yun. Kaya hindi na siya nagtanong ulit.
BINABASA MO ANG
The Perfect Bitch
Teen FictionThis story has no connections with the other published story. I only used the same name, and others. This story was just made as a matter of fun, not nearly organized because I was just 14 when I made this story. So, I don't really encourage you guy...