The Perfect Bitch Chapter 13

84 2 0
                                    

As I stepped out of the plane, relaxing yung hangin, napakasarap sa pakiramdaman.

"Enjoy your vacation, Miss." Sabi nung Stewardess. 


"I need to check the venue now." Bored kong sinabi kay Alice.

"Uhmm.. Ms. Lean, Miss Adriana in a hurry so can we proceed to the venue now?"

"Sure, Ms. Alice." Sagot nung babae, parang siya yung tour guide.

We traveled for maybe 20 minutes na, pero malayo pa raw. 

Pero iniisip ko pa rin kung tama ba tong gagawin ko. Kung malalaman to ni Grim magiging terror nanaman yun. Tiningnan ko si Daniel, seryoso yung mukha niya.

"Gwapo ko noh." Puri niya sa sarili.

Naka-tingin na pala siya sa akin. Napahiya nanaman ako. Bakit ba kasi tinitigan ko pa siya?

"Wag mo na sisihin sarili mo. Alam ko naman na Crush mo ako." Natatawa niyang sinabi.

 Ang kapal talaga ng Balat nito.

"Ang kapal talaga ng mukha mo." Sabi ko sa kanya.

"Don't worry, kakapal na rin ang mukha mo kasi magiging Mrs. Prinsloo ka na in 3 days." Tagumpay niyang sinabi ito.Natawa nalang ako sa kanya.

"At magiging akin ka na in 3 days." Sabi niya. 

Bwesit to, kahit anong pinagsasabi.

"And after two weeks, may laman na yang tiyan mo." Bulong niya sa tenga ko. 

Naloloka ako sa sinasabi niya, nakaka-imbyerna, ang Landi niya. Kaka-iba yung level ng kalandian nito, daig pa ang isang Prostitute.

"Ang landi mo." Inis kong bulong ko sa kanya.

Baka kasi marinig kami, nakaupo kasi kami dalawa sa likuran ng sasakyan.

"Mas malandi ako sa kama." Bulong niya ulit sa tenga ko.

Ngayon parang sasabog na talaga ako. Ang Landi niya. Siya tumatawa, ako naloloka na. Hindi ko alam ang gagawin dito sa lalakeng to.

"Aren't you exited?" Bulong niya.

"Exited mo mukha mo. Ang Landi mo." Inis kong bulong sa kanya.

Tumawa lang siya.Naku, ewan ko nalang. Baka after 3 days, hindi nako maka lakad. Mali, mali. Ano ba tong iniisip ko? Nahawaan na rin ako sa kalandian niya.

Ilang minutong lumipas naka-rating na rin kami sa venue.

"We're here!!" Sigaw nung babae, na kanina pa nagpapa-cute kay Daniel. Isang malandi rin.

"Are you referring to all of us? Or to my Fiancé only?" Diniinan ko sa pag sabi nung "Fiancé". 

Tinignan lang ako ni Daniel ng masama. Tinaasan ko naman ng kilay ang babae.Bumaba ako ng sasakyan at na-amaze ako sa ganda ng lugar. Fresh na fresh yung hangin, yung dagat na napaka-blue and yung surroundings na napaka-linis.

"Wow." Sabi ni Daniel."Beautiful, isn't it?" Tanong ko sa kanya.

"I love it, Adrie." Bigla nalang niya akong niyakap at hinalikan sa noo. Magkasing-tangkad na rin kasi kami, 2 inches nalang siguro yung kulang.

Pinuntahan namin yun church agad, at malapit nang matapos ang preparations.

Pumunta ako sa altar, tinanong ko sarili ko. "Tama ba tong ginagawa ko?" Bulong ko sa hangin.

"Itutuloy pa ba natin yung kasal?" Nagtanong ni Daniel kasi ang itsura ko ay parang nagda-dalawang isip.Oo gustong-gusto ko na siyang pakasalan. Hindi na ako makaka-hanap ng katulad ni Daniel.

The Perfect BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon