Chapter 02: Gago

9.2K 228 51
                                    


Wala akong nagawa at sumunod na lang. Mama promised me na magpapadala siya ng enough na allowance para mabuhay ako. But she warned me na puputulin niya 'yon once na gumawa na naman ako ng kalokohan.

As soon as nakalabas na ako ng Silay International Airport, bumungad sa akin ang isang cartolina na may pangalan ko. May mukha ko pa 'yon.

Buti na lamang at naka-sunglasses ako para at least maisalba ang pagmumukha ko. Ang weirdo ng pinakiusapan ni Mama. Shit.

Nakalagpas na ako sa taong 'yon at balak ko na sanang mag taxi na lamang. Nang biglang...

"LUCIAN OLIVER DEL FUEGO!"

Napako ako sa kinatatayuan ako at galit na nilingon ang taong ipinaglandakan ang buong pagkatao ko. Mula 'yon sa gagong may hawak ng banner!

"Cian? Nandito si Cian?!"

"OMG! Siya na oh?!"

"Hala! Papicture ta!"

May iilan pang mga tao ang nagsimulang magsalita. They were talking in Hiligaynon, I can only understand some kasi Ilonggo si Mama. Kaya hindi ko siya maseryoso minsan, galit siya pero ang tono niya malambing pa rin.

Maya-maya pa'y pinalibutan na ako ng mga tao. Halos maipit ako sa gitna, I tried to push them away but they were too busy na makapag-selfie kasama ako. Narinig ko ang pagpito ng mga guwardya.

"Wait!" Pasigaw na sabi ko, huminto naman sila at binigyan ako ng space. "Hindi ako si Cian. Kamukha niya lang ako, kaya please don't take pictures." I tried to convince them.

Nagkatinginan sila sa isa't-isa at tumili. Shit! Tatakbo na sana ako nang biglang may humila sa kamay ko. Hindi ko na alam ang sumunod na mga nangyari at natagpuan ko na lang ang sarili ko sa kotse papalayo na sa airport.

"Sir, tulog anay da. Layo pa 'ta sa balay."

Napalingon ako sa driver seat at naroon yung lalake. He was grinning hard while driving. He quickly took a glance at me. My eyebrows are furrowing in confusion and irritation.

"Ah sorry, 'di ka ba nakakatintindi? Sabi ko matulog ka muna dahil malayo pa tayo, Sir." Aniya na may accent na kaparehas ng kay Mama.

Napalingon ako sa back seat at nakitang naroon na rin ang mga gamit ko. "Hindi ikaw si Manong Israel ah. Asan siya?" Tanong ko. Mama told me that Manong Israel would be the one to pick me up. Sinendan niya pa ako ng picture niya. Malayo-malayo ang hitsura sa taong nagda-drive ngayon.

"Kidnapper!"

Napamura ako nang bigla niyang ihinto ang sasakyan. He aggressively turned his head towards me. I groaned when my back hit the backrest.

"Sa amo ko ni ka gwapo?!" I glared at him and aambahan sana siya ng suntok, but he caught my fist.

"I mean sa gwapo kong 'to?" He faked a gasp.

Funny 'yon? If he find it amusing, well I'm not amused. Marahas kong binawi ang kamao ko sa kaniya at tinanggal ang seatbelt.

Kanina pa ako nababanas sa lalaking 'to. Kung 'di dahil sa kaniya, edi sana hindi ako pinagkaguluhan kanina. And that cartolina, fucking shit! Yung mukha kong totoy pa talaga ang inilagay na picture ko. Naka-smile pa ako roon at may bungi pa.

Kung hindi ko lang kilala sarili ko, kukutyain ko ang pagmumukha ng batang 'yon.

Magtatakip-silim na at alam kong malayo pa kami sa La Castellana. Nasa diversion road pa ata kami papuntang City. Humarap ako sa katubuhan at kinuha sa bulsa ng jacket ko ang sigarlyo. I took out one stick and placed it in between my lips.

Sisindihan ko sana 'yon nang bigla itong hinablot ng driver at itinapon sa katubuhan. Galit kong kinwelyuhan ang driver. He's taller than me, mga nasa 6'5 sya at ako naman ay hanggang sa mga mata niya lamang.

City Lights & Country Hearts (SS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon