Chapter 06: Photobomber

5.6K 197 37
                                    



Kinabukasan nagising ako sa tawag ng manager ko. Groaning, I accepted his call. Wala pa ako sa h'wisyo nang tumawag siya.

"I talked to your father, matigas pa rin. You're missing a lot of opportunities, Cian."

Ang aga pa para makipagtalo ako sa kaniya. I know that I'm missing a lot of projects. Wala akong magawa, utos 'yon ng Presidente.

"For the mean time, you can update your social media. Para mapanatag na loob ng mga fans mo. They are still worrying about you. He allowed me to at least let you do this," sabi niya sa kabilang linya.

"Kay."

Ibinaba ko na ang tawag at bumangon na. I didn't get out of the bed yet at nanatulala muna sa isang corner.

"Sir, gising na po kayo?" Rinig kong tanong ni manang Rita sa labas habang kumakatok.

Tumayo ako para pagbuksan siya ng pinto. I'm only wearing my boxers, sanay naman na si manang Rita na makita akong ganito.

"Good morning, Toto, dumating na po ang mga gym equipment ninyo," aniya at ibinigay sa'kin ang isang clipboard for me to sign the receipt.

Inask ko si Mama kagabi na padalhan ako ng equipments here since wala akong may makitang gym. She agreed and immediately bought the equipments and tools I listed.

"Thanks, manang." I said at isinara muli ang pinto.

Naghilamos na ako at isinuot ang white tank top ko. Magji-gym muna ako bago ako maligo. I went downstairs at pupunta na sa isang bakanteng room kung saan ko pinalagay ang mga equipment nang makasalubong ko siya.

Bagong gupit ah. Medyo mahaba ang kulot na buhok niya kahapon, ngayon naka low taper fade na. Damn it, ba't bagay sa kaniya ang ganiyang cut pero pag si Lionel nagmu-mukhang zebra ang gago.

Parehas silang kulot ng isang 'to, but his is not that much. Yung kay Lionel, kulot na parang pancit canton talaga, since may lahi ang gago. Etong isa, lahing manok ata tutal anak niya si Juniper.

Napansin niya sigurong nakatingin ako sa buhok niya kaya napahaplos siya roon. Iniwas ko sng tingin ko at binangga siya.

'Di maganda gising ko ngayon, ta's siya pa makakasalubong ko.

"Aga pa mainit ulo natin, sir."

"Whatever," I retorted habang pababa ng hagdanan. I went to the room-turned-into-gym at nagsimula nang mag stretching before I begin using the equipments. Light muna today para hindi kaagad mabigla ang katawan ko. No'ng first time ko tinodo ko kaagad, ayon- halos 'di na makalakad at nilagnat pa.

Tumagal ako ng apat na oras doon. Pawis na pawis akong lumabas dahil mahina rin ang aircon. I should tell Mama na papalitan ang aircon dito.

Hinubad ko ang top ko para gawing pamunas, I forgot to bring a towel. Tubig lang na nasa tumbler ang nadala ko kanina. Hindi ko na tinawag pa si manang dahil busy na siguro 'yon sa paghahanda ng tanghalian.

I checked the time at its 11:05 am. Lumabas ako habang nagpupunas ng katawan nang makasalubong ko si Juniper.

Putcha! 'Andito pa rin pala ang manok?!

I was about to catch her at gagawin sanang tinola nang maunahan ako ng tatay nito. I glared at him at dinuro si Juniper.

"Ba't pagala-gala 'yan dito?!"

He didn't answer me at tinignan ang alaga niya. "Sabi na 'wag paggala-gala at baka makasalubong mo ang dragon eh!" Saway niya sa manok.

May sayad na ata ulo nito. I can't believe Mama, saan niya ba napulot ang animal na 'to!

City Lights & Country Hearts (SS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon