Epilogue: Country Hearts

8.1K 257 121
                                    

"Dong, ikaw na magsundo sa kaniya, ha. Pasensya na talaga kailangan kong umuwi," ani manong Israel habang nag-aayos ng kaniyang mga gamit na dadalhin.

Balisa siya sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit. Dama ko kung anuman ang kaniyang dinaramdam. Sinong hindi magugulat kung ang taong kausap mo lang kahapon ay wala na ngayon.

"Manong, ako na bahala," paninigurado ko sa kaniya at tinulungan siya sa pag-aayos ng kaniyang mga damit.

Saglit na napunta ang mga mata ko sa kaniyang mukha. Tila pinagsakluban siya ng mundo, the news of his loved one's passing, affected him a lot.

"Sige, Dong. Tinext ko na si Ma'am Ana tungkol sa sitwasyon ko't pagpaalam na ila nalang ang magsususndo," ani tiyo Israel at tinapik ako sa'king balikat.

Dapat susunduin niya ngayon ang anak ni Ma'am Ana na uuwi mula Manila. Biglaan lang ang pag-inform sa'min ni Madam kaya buong araw kong nilinisan kahapon ang k'wartong tutulugan niya.

Effort na kung effort, I had to skip a study session yesterday para lang maging maayos ang silid niya... gusto ko komportable ang taong matagal ko nang hinihintay na bumalik.

Kamusta na kaya siya?

I've seen him on television a few times, mukhang hindi nga few dahil palagi kong sinusubaybayan ang kaniyang mga drama at pelikula. He grew up really well. Ang batang tabachoy noon, tinitilian na ng karamihan ngayon.

Well, pasensyahan na mga eabab at ekalal ako ang nauna, hehe!

Ako man ang nauna, ngunit makikilala pa ba niya ako? Paano kung hindi na? Paano kung nakalimutan niya na kung sino ako? Paano kung hindi niya ako maalala at nilimot niya na ang aming kahapon?

Paano kung hindi niya ako mahal—Tol, gising na muna, hindi ka naman niya talaga mahal una pa lamang. At kung nakalimutan man niya, p'wes ipapaalala ko sa kaniya.

"Nang, alis na'ko. Text lang po ako 'pag pauwi na kami rito," paalam ko kay manang Rita na naghahanda ng panghapunan namin mamaya.

"Sige, Dong! Halong sa dalan," sagot niya at saglit akong nilingon. (Mag-ingat sa daan)

Bago ako tumungo sa airport, sumaglit muna ako sa central para mag-print sa opisina. Bumili rin ako ng cartolinang puti at isinulat doon ang kaniyang mahabang pangalan.

"Lucian Oliver Del Fuego-Ybañez," pagbasa ko sa sinulat ko. Parang may mali? I mean tama naman ang sinulat ko, pero baka ako ang magdala ng apelyido niya sa susunod.

Baka ma-creep out ko siya. Just in case na hindi niya ako maalala. Sa gwapo kong 'to? Imposibleng hindi niya ako matatandaan.

"'Wag na lang muna, baka ma-jinx," bulong ko at tinupi ang cartolina. Tinago ko ito sa isang kahon, naroon ang iba ko pang gamit.

Kumuha pa ako ng isa pang cartolina, buti na lang at dalawa ang binili ko, at isinulat muli ang kaniyang pangalan. Pagkatapos noon ay idinikit ko sa papel ang mukha niya noong bata pa siya, ang cute nga niya, hehe. Kinulang ng ngipin pero baby ko pa rin—luh.

Bitbit ang mga cartolina, I went back to the van and drove towards the airport. Malayo ang Silay kaya bumili na ako ng tingi-tinging pagkain along the way. Baka magutom ang childhood friend ko, baka ako pa ang kainin niya.

Nang makarating ako sa arrival area, saktong may lumalabas na mga pasahero. Kaagad kong ibinuklat ang cartolina at itinaas ang aking mga kamay na nakahawak sa papel.

Shit!

Hindi ko mapigilan ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Bukod sa involuntary movement naman talaga ang pagkabog nito, I couldn't help but to get excited to see him. Ilang taon na nga 'ba ang lumipas? 10 years? 2024 ngayon, eh. Huli ko siyang nakita, umiyak siya dahil 'di naimbitahan sa birthday party ng isa sa mga anak ng trabahador. Kinabukasan ay tumungo na siyang Maynila, 'di man lang nagpaalam.

City Lights & Country Hearts (SS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon