Cute... Cute? Sinong cute? Putang ina!
Parang sirang plaka, paulit-ulit na naririnig ko ang sinabi niyang cute habang nakatingin sa litrato naming tatlo kanina. I tried to divert my attention to Denise by the rest of the afternoon, pero kada mapapatingin ako sa kaniya, I would immediately remember it.
Napaungol ako sa frustration at ginulo ang buhok ko. Piste! Mawala ka na sa utak ko please!
"Kuya Cian?"
Nahinto ako at mapatingin sa kanan ko. Naroon si Denise at takang nakatingin sa'kin. She looked to weirded out pero naroon din ang concern sa kaniyang mga mata.
Tumikhim ako before magsalita. Tangina, na minus aura points ako sa bata.
"Y-yes?" Nautal pa nga.
"Okay ka lang? Kanina mo pa sinasabunutan sarili mo, po." Ani Denise nang may concern sa kaniyang boses.
I smiled at her. Oo, kung pwede lang mawala na sana ang kuya mo sa utak ko. I reached out to her hair and rubbed it. "Okay lang ako, Denise," sagot ko sa kaniya at umayos ng upo.
Napukol ang tingin ko sa rearview mirror at nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. Kunot-noong tinititigan niya ako. I shifted my gaze sa mga tubong nadadaanan namin.
"Kuya, hindi ba tayo kakain sa Jollibee?" rinig kong tanong ni Denise.
"Mag drive thru na lang tayo, Denden. Gabi na rin kasi, kailangan pa kitang iuwi," sagot naman ng kuya nito.
Nilingon ko ang bata at nakita kong nakabusangot ito. Her lips are pouting, lumobo din ang ang mga pisngi nito. Cute- ahhhhh!
Baka ito 'yong cute na tinutukoy niya. Ginagawa konlang big deal ang word na cute. Puta.
"Kuya Cian?"
Natauhan ako nang tawagin ako ni Denise, I hummed in response. "May games ka po ba sa phone?" tanong niya.
"Mayroon, do you want to play?"
She beamed. Inilahad niya ang kaniyang mga palad. I chuckled and opened the piano tiles 3 app on my phone. Ibinigay ko ito sa kaniya. Umusog si Denise papunta sa tabi ko.
Pinapanood ko lang siya habang naglalaro. Paminsan-minsa'y napapasulyap ako sa harapan para malaman kung nasaan na kami. Medyo malayo ang school ni Denise sa bayan, pero may madadaanan kaming Jollibee mamaya sa La Carlota. Gutom na rin kasi ako.
"Denden, 'wag kang maglaro, baka masira ang mga mata mo," saway naman ng kaniyang kuya na nasa shotgun seat.
"Ehhh..." angal naman ni Denise. She looked at me na para bang naghahanap ng kakampi.
I shrugged and smiled at her. "Sabi 'yan ng kuya mo," ani ko kay Denise at kinuha ang cellphone ko mula sa kaniya.
She sighed.
"Oh," nagitla ako nang inihiga ni Denise ang kaniyang ulo sa kandungan ko. Napalakas at ang pagkakasabi ko no'n kaya napalingon sa amin ang kuya niya.
"Den-"
"Shh!" I hushed him dahil nakapikit ang mga mata ng bata. Sa sobrang active ba naman niya kanina sa family day, sinong hindi mapapagod?
Tinangunan niya ako, his gaze was soft. Para bang humihingi ng dispensa. "Eyes on the road," utos ko sa kaniya kaya tumango siya at ibinaling na ang kaniyang mga mata sa daan.
I sighed. Pati ba naman pakikipag-usap sa kaniya nigla akong nahirapan.
Anong nangyayari sa'yo, Cian? Napaka OA ng reaksyon mo ngayon.
Mahimbing na natutulog si Denise sa kandungan ko. Watching her sleep, makes me sleepy also. Kaya naman unti-unting bumibigat ang mga mata ko. I suppressed a yawn and cleared my throat.
BINABASA MO ANG
City Lights & Country Hearts (SS #1)
Short Story"To him who shines the most, l offer my heart." [COMPLETED]