Chapter 12: Family Day

5.2K 238 61
                                    

Happy 100 reads, lovies!

---

"Kuya, when are you coming home?"

I stared at my sister's face flashing on the screen of my phone. She's wearing her thick eyeglasses at ang natatanging ilaw sa kaniyang room ay nanggagaling sa naka open niyang desktop.

"Maybe next month, Nat," sagot ko sa kaniya kahit walang kasiguraduhan. Considering na uuwi si Ysa sa susunod na buwan for the trial, tama lang para sa akin na mag assume na makakauwi na rin akonsa Manila next month. I have to stand in court with my cousin, dahil magiging witness ako. Ysa's lawyers—yes, with an 's'—called me last night to inform me about the upcoming trial.

"Okay, please buy me food from there," sabi niya. Nag-usap pa kami ng saglit bago ko ibinaba ang tawag dahil matutulog na may pasok pa raw siya.

I finished my coffee and was about to go back inside the house, dahil nasa balcony ako. But I paused when I saw him coming out of his room, stretching his limbs. Mukhang kakagising lang niya. He still has his bed hair at yukot pa ang kaniyang damit, he's only wearing his boxer's kaya napakunot ang noo ko. Lakas naman ng loob nitong magboxers sa labas.

His eyes met mine as his lips curved into a smile. "Good morning, friend," bati niya at nagtaas-baba ang kaniyang mga kilay.

"Mukhang maganda gising mo ah, masira sana araw mo."

"Luh! 'Wag ngayon, friend, dahil family day ng kapatid ko. Kailangan kong pumunta sa school nila para samahan siya," sabi niya at naglakad patungo sa'kin.

When he stopped in front of me, he ruffled my hair, kaya tinampal ko papalayo ang kamay niya. "Feeling close," puna ko as I walked past him. He let out an airy laugh.

"Sus! Nahihiya ka lang sabihin na friends na tayo," sabi niya pa confidently, which made me look at him again.

"Tumahimik ka na diyan!" Mas lalo siyang natawa, may saltik sa utak.

Bumaba na kaming pareho at binati ko si manang Rita na nagliligpit sa kusina. Umusbong ang amoy ng tocino sa buong dining area, kaya imbes na mabusog sa kape, nagutom ulit ako. I sat down at my usual spot at kumuha ng utensils.

Kukuhanin ko na sana ang kanin, pero he served me the rice before I could take some for myself

"Ako na," sabi niya at saka nilagyan ng tocino ang plato ko. What's with him today? May kamay naman ako, tss.

"Geez, thanks," sabi ko sa kaniya at sinimulan ang pagkain. While eating, he spoke to manang Rita to inform her of his absence, mamaya.

"Nang, wala ako mamaya kailangan kong puntahan si Denise sa school, family day nila ngayon," sabi niya. Manang Rita reacted delightfully at may papalakpak pa. Mukhang kilala niya ata ang kapatid ng isang 'to.

"Bakit 'di mo isama si Toto Cian, Dong?" suhestyon ni manang na kaagad kong inilingan.

"No need manang, I have some-"

"Eeeey! What if nga manang," pagsampaw niya sa sasabihin ko sana.

"No," may diin na pagkakasagot ko sa kaniya.

"Ha? Ano, sir? Yes?"

Ibinaba ko ang mga kubyertos ko at pinanliitan siya ng mga mata. He laughed at my expression. At talagang tinutukso niya pa ako.

"Cian, sumama kana. Hindi mo pa name-meet si Denise," sabi ni manang Rita, kaya hindi na ako nakapag-rebat pa. In the end, I could only let out a sigh.

"Sasama ka, utos ko, sir. HAHAHAHAHA!" Ibang klase, siya pa talaga ang mag-uutos.

Nang dahil kay manang, napapayag akong pumunta sa family day ng mokong. I even have to wear color yellow dahil 'yon ang assigned na kulay sa kanilang grade. Kinuha ko nalang ang Ralph Laurent polo ko and paired it with white pants dahil 'yon nalang ang available pants na mayroon ako sa cabinet. I have to tell manang mamaya na magpapa-laundry ako.

City Lights & Country Hearts (SS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon