Lumaki ako na tinatanggap ang bawat panghuhusga ng ibang tao o kahit sa sariling kadugo. From the time I got bashed due to the encounter I had with Ysa's harasser to the moment that I revealed my sexuality to the public. I revealed my relationship with Tyson at the awards night.
Hati ang naging reaction ng publiko. Some criticized me for denying all the allegations back then, but most showed their support.
Damang-dama ko ang suporta nila through the edits they make on TikTok, simpleng pag comments sa socmed accounts ko, at pagpapadala ng mga regalo... The sweet thing is that dalawa ang ibinibigay nila, the other one is intended for Tyson daw.
Lunod na lunod ako sa pagmamahal ng mga supporters. And I couldn't be more grateful for their love and understanding.
Subalit sa kabila ng mga natatanggap kong pagmamahal...
May kaunting puwang pa rin sa'king puso. Alam kong hindi ito mapupunan lamang ng anumang regalo at supporta na natatanggap ko mula sa iba.
Sa dalawang dekada ko sa industriya, I admit that I couldn't have started it without him.
Kahit na labag sa kalooban ko. Kahit na binitawan ang sarili kong pangarap noon... Ipinaubaya ko sa kaniya ang sarili ko't pinagkatiwalaan ang bawat desisyon niya para sa'kin. I was too young and consumed by guilt after Natalia's accident to not understand that he had been exploiting me for his own benefit.
Lucian Del Fuego—isang huwarang anak na kaya niyang ipagmalaki sa iba. He would boast that he built me with connections, money, and power.
Kaya rin siguro lumaki ang ulo ko noon dahil inakala kong matatakasan ko ang lahat. And looking back, ginamit ko rin naman siya. I used his name for special access, sa mga oras na napapatrouble ako, and for emergencies. Kaya't mas lalong umiinit ang dugo niya against me.
But my excuse for using his name wasn't enough to justify the actions he took toward me. Hindi sapat ang mga 'yon para ikulong at iwanan ako sa madilim at masikip na lugar na 'yon. Ang mga masasakit na mga salitang binitawan niya habambuhay na nakatatak sa'king isipan.
He once said that I disgusted him. Iyon ang huling bagay na narinig ko sa huli naming pagkikita sa kaniyang opisina. Sanay man ako sa mga masasakit na salita niya, but that struck me the most. Dahil iba pa rin ang dating kung sa sariling ama galing ang mga salitang 'yon.
I'm a disappointment to him. Hindi na nga maayos na nagagawa ang trabaho, umamin pang bakla. Matigas na nga ang ulo, ipinagpipilitan pa ang pagmamahal na para sa kaniya'y bawal. Para sa kaniya, isa akong pagkakamali sa mundo niya na puno ng mga pamantayan at paniniwalang salungat sa pinaniniwalaan.
For him, I am a trophy son who should always shine, be flawless, and be unbreakable—a reflection of his ambitions.
"Boo?"
Napalingon ako kay Tyson. He's holding my hand firmly as we walk through the white corridor. Kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. I smiled.
"Hmm?"
"You okay? Kanina ka pa tahimik," sabi niya.
Tumango ako at mahinang pinisil ang kamay niya. "I'm okay. Medyo naasiwa lang," I answered him honestly.
Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Hinarap niya ako at hinawakan ang aking pisngi. His expression showed concern over my honest answer.
"Tell me if you're uncomfortable, Boo. P'wede naman natin itong ipagpaliban."
Umiling ako.
"No, Ty. Kaya ko naman," sagot ko sa kaniya.
Mukhang hindi pa siya kumbinsido nung una. But I flashed a confident smile, assuring him that handa ako.
BINABASA MO ANG
City Lights & Country Hearts (SS #1)
Short Story"To him who shines the most, l offer my heart." [COMPLETED]