"Sir, nandito na po tayo."
Napamulat ako at napalingon sa aking kaliwa. Naroon ang mga reporters sa labas ng sasakyan. Their camera lenses are pointing towards my car. Alam kong hinihintay ang pagdating ng taong laman ng mga balita.
"Salamat ho, kuya," wika ko at kinuha ang itim na sunbrerong nakalagay sa tabi ko.
Isinuot ko ito at kumuha na rin ng itim na face mask. I heaved a sigh before wearing it. Muli akong sumulyap sa labas at nakita kong nagkakagulo na ang mga tao. Some people are wearing a shirt with my face on it. May iba rin na nagtataas ng mga banners. Samu't saring reaksyon ang aking nakikita sa mga tao sa labas. May mga nakikipag-away na rin.
I could also hear some fans cheering my name, while others are criticizing me. Kahit na nandito ako sa loob ng sasakyan, nangingibabaw pa rin ang mga boses mula sa labas.
Napapikit ako. I swallowed and prepared myself. Yumuko ako at muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. I stared at the brown envelope on my lap.
The decision that I am about to make isn't easy. Halos ilang araw akong hindi makatulog habang pinag-iisipan kung tama nga ba itong gagawin ko. Pero ngayong dumating na ang araw na 'to, desidido at handa na ako.
Hindi ako natatakot at hinding-hindi ako matatakot.
Simula no'ng sinagot ko si Tyson, alam kong dapat maging handa ako sa kung anuman ang mangyare. I already anticipated this day. I always know that this day would come, but isn't it too soon?
Putang ina.
Pinanood kong hawiin ng mga g'wardya ang mga reporter na gustong makalapit sa sasakyan ko. Hawak-hawak ko ang envelope, hinintay kong pagbuksan ako ng mga security mula sa labas. And then they opened the door, kaagad na sumalubong sa aking mga mata ang mga nakakasilaw na flash mula sa camera ng mga photographers.
Binalot din ang aking tainga ng mga sigawan mula sa mga taong sumusuporta at mga taong kinamumuhian ako. Magulo—sobrang nagkakagulo. Nagtutulakan ang iba, habang ang iba'y pilit na kini-kontrol ng mga nakarayang security guard upang magsilbing human barricade.
Yumuko ako at nagsimulang maglakad palagpas sa sandamakmak na mga tao. Mabilis na tumitubok ang aking puso. My eyes are fixated on the ground as I continue to walk. Napamura nalang ako sa aking isipan nang mapatid pa ako ng isa sa kanila, dahilan para mawalan ako ng balanse. Buti na lamang ay mabilis akong nahawakan ng isa sa mga security.
Fuck.
Gusto ko silang sigawan na layuan ako. Gusto kong magwala sa harapan nila at sabihing tigilan na nila ako. Bakit ganitong buhay pa ang pinili ko?
Napapikit ako't huminga ng malalim. I composed myself, trying not to lash out on the person who tripped me. Alam kong sadya niya ito. Mga taktika ng iilan sa mga reporters na pahiyain pa lalo ang mga artistang may issue para lamang makakuha ng magandang artikulo. Ang dudumi maglaro.
"Lucian! Totoo bang lalake ang kinakasama mo ngayon?!"
"Anong masasabi mo sa mga issue-ng bakla ka raw?!"
"Totoo o Edited ba 'yong mga pictures, Sir?!"
Hindi ko sila pinansin at mas binilisan ko pa ang aking paglakad patungo sa loob ng entertainment building. My heart's pounding, tinatagan ko na lamang ang sarili ko habang tuloy-tuloy ako sa paglalakad. Malapit na ako sa building, subalit parang ang layo-layo pa nito dahil sa mga taong nasa paligid ko.
Their screams and wails are hurting both my ears and mind. I'm getting nauseous with the flashes from the cameras, isabay mo pa na ang sikip-sikip ng dinaanan ko dahil dinagsa nila ako. Nati-trigger din ng kasikipan ang claustrophobia ko.
BINABASA MO ANG
City Lights & Country Hearts (SS #1)
Short Story"To him who shines the most, l offer my heart." [COMPLETED]