Chapter 18: Acceptance

4.5K 183 22
                                    

Happy 300 reads CLCH <3

Warning: This chapter may contain mentions of attempt, self-harm, and foul language.

"I'm gay."

Hugo heaved a huge sigh as if a boulder had been removed from his back. It must've taken him a lot of strength para mag come out.

"You can cut me off if you want. Alam kong nabigla ko kay—"

Napahinto siya sa pagsasalita nang biglang tumayo si Soren at hinagkan si Hugo. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang kaniyang mga mata. He just let Soren hug him for a while.

"Hinding-hindi ka namin ika-cut off dude, need ko pa ng abogado in case na makulong ako," pagbibiro ni Lionel at saka inalis si Soren sa pagkakayakap nito kay Hugo.

Napailing na lamang ako. It was quite a shock for me as well. Hindi ko ni minsan naisip na gay siya. But I am so proud of him for coming out, and for being brave.

Akmang iha-hug ni Lionel si Hugo nang biglang itong tumayo, kaya naman naglanding sa sofa ang katawan ni Lionel. He groaned when his nose bumped on the hand rest ng sofa.

Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan silang tatlo. Hugo remained standing at sina Soren ay nakaupo sa sofa.

"Kailan mo pa narealize, dude... teka ano na ba ang itatawag ko sa'yo?" tanong ni Soren nang may pag-aalangan.

"Call me the usual, Tanchuan. No need to change anything," sagot naman ni Hugo sa kaniya. Tumango si Soren at saka siya nginitian.

"So kailan mo narealize, dude?" Muling tanong nito sa kaibigan namin.

"4th year college," sagot naman ni Hugo. Dramatikong napasinghap si Lionel at umambang tatayo nang binato ko siya ng throw pillow.

Napaka-OA ng gago.

"Ang tagal na pala," sambit ko. Napaisip tuloy ako kung ni minsan ba nagtangka siyang umamin sa'min? Or that sometimes, when we joke around too much, baka nagiging offensive na sa kaniya.

"Yeah, wala eh. Tinamaan ako sa kapwa lalake," he shrugged and chuckled.

Tinignan ko ang reaksyon ng dalawang mokong. Si Soren ay may malalim na iniisip. Habang si Lionel ay tumango-tango lang.

Biglang bumalik ang nga alaala namin noong kolehiyo. Nasa iisang school kaming tatlo, except kay Soren na nag Maritime school. Unlike me and Lionel, masyadong seryoso si Hugo sa kaniyang klase. Bagama't ganoon, sumasama pa rin siya sa mga gala namin.

"Alam ba ito nila Tito?" tanong ko sa kaniya. I thought he'll answer 'no', but it was the opposite.

"They know, and he can't accept it," he replied. "What did I even expect at that time? Kaisa-isang anak na lalake naging bakla pa," he continued.

Napabuntong hininga ako at napatango. Bilang kilala sa oil industry, both of his parents expect much from him. Kaya siya nag abogasya dahil ito rin ang gusto ng Dad niya sa kaniya. Hanga rin ako sa pagka-matiisin ng isang 'to eh, kasi kung ako ang nasa posisyon niya, baka naglayas na ako. I couldn't fathom what he had been through during those times.

Masikreto rin ang isang 'to eh. Kita mo, ginulat kami ngayon.

"Don't tell me 'yong first love mo sa Australia..." biglang salita ni Soren na para bang may na decipher siya.

Oh yes, I remember na 'yong time nagkaroon siya ng first relationship ay college na. Ni hindi nga niya naipakilala sa'min noon, hanggang sa iniwan na siya no'ng first love niya.

"Yes, it's a boyfriend."

Muling suminghap si Lionel. "Pre! Ba't ngayon mo lang talaga sinabi 'to lahat," aniya at tumayo saka inakbayan si Hugo.

City Lights & Country Hearts (SS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon