Chapter 17: Surprise

4.8K 183 17
                                    




I couldn't sleep a wink.

Again.

Parang zombie akong nakatayo sa harap ng salamin. Ha. Two days... two days akong hindi nakatulog ng maayos, nang dahil lang sa binabagabag ako ng putang inang puso na 'yan.

Feel ko ang OA ko na. I mean, artista naman talaga ako. Pero ibang level na OA na ito, self. Ang unhealthy na ng pagka OA mo, isang hindi maayos na tulog na lang talaga—magiging kwento ka nalang.

I groggily brushed my teeth and washed my face. Bakas sa mukha ko ang kakulangan sa tulog. May dark circles na sa ilalim ng aking mata. Bagama't ganoon, masasabi kong guwapo pa rin ako.

Putcha. Simula kasi no'ng gabing 'yon, hindi na ako tinigilan ng gago. Akala ko ba busy siya sa pagre-review? Ako raw ang distraction, pero siya itong gabi-gabi na kung mag-chat!

Lumabas ako sa room at naabutan ko si manang na nililinisan ang naiwang kwarto ni Tyson. Sumaglit ako roon para bation si manang. She told me na may nakahanda nang pagkain sa lamesa kaya nagpasalamat ako sa kaniya bago pumanhik pababa.

I dropped by the fridge first to get a glass of juice before sitting on my spot.

Dalawang araw palang ang lumilipas pero ramdam mo talaga ang katahimikan ng buong bahay. If he was here, siguradong ang mga tawa niya ang sasakop sa buong bahay.

His laugh might be annoying, but sometimes it's enough for me to feel at home.

Tangina, ang corny.

Kumain na ako, mag-isa. Niyaya konsi manang pero sabi niya'y mamamalengke pa raw siya. Si manong Israel naman ay pumuntang central para tumulong sa pagdeliver ng mga asukal.

Now, I'm left alone... again.

Sa katahimikang bumabalot sa'kin ngayon, imbes na maging komportable— mas nagiging uneasy ako. After coming here, ayokong ng maingay. Pero ngayon, mas gugustuhin ko pang marinig ang nakakabwisit niyang mga tawa.

Mas okay pa sakin na araw-araw niya akong bwisitin, kaysa maiwang mag-isa rito.

I heaved out a heavy sigh. Konti lang ang kinain ko, parang nakakawalang gana. Baka dahil hindi ako nakakatulog ng maayos for two days.

That fucker. After he dropped the cheesiest line that I read, inaraw-araw na eh. Hindi ko alam kung kanino ba nanggagaling ang mga corny jokes niya.

Habang naghuhugas ng pinggan, my phone in my pocket vibrated. Hinugasan ko muna ang sabon sa'king kamay at nagpunas sa hand towel na nakasabit sa handle ng ref. At binunot ko ang cellphone ko sa bulsa at sumandalsa kitchen island.

Napapikit ako ng mariin sabay pakawala ng buntong-hininga matapos na makita na naman ulit ang pangalan niya.

Don Tyson Ybañez: Nahanap mo na ba?

Me: Lubayan mo na ako.

Don Tyson Ybañez: Tinatanong ko kung nahanap mo na ba, friend? :(

Isa na lang talaga iba-block ko na'to.

Me: Wala, bye.

Don Tyson Ybañez: Boo, naman eh.

Kumunot ang noo ko sa kaniyang reply. Anong Boo? Boo-tasan ko tagiliran mo, e.

Hindi ko siya sinagot at nagreact na lamang ng 'angry' sa kaniyang reply. Wala ba siyang magawa? Ano bang trip niya?

Kung anuman 'yon, I need him to stop it before things get complicated. Hindi ko na nagugustuhan ang mga pinag-gagawa niya.

Ayokong makipaglaro ng landi-landian sa kapwa ko lalake. Putcha. Kaya na ni Hugo 'yon, makailang ulit nang napaglaruan ng mga bakla.

Isa pa, ba't ko pa siya ine-entertain? May kasalanan din naman ako, eh. Kaya ko namang umiwas, pero parang may sariling utak ang mga actions ko't salungat ang ginagawa ko sa iniisip ko.

City Lights & Country Hearts (SS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon