"Truth or dare.""Truth," I said.
Naburyo ako kaninang hapon, wala akong maayos na magawa. Na-bored naman ako kakalaro ng Genshin, although marami pa akong mga story quests na hindi pa nagawa. Ipapa-pilot ko na lang ulit ang account ko.
I ended up in the field, playing truth or dare with some random kid. Anak siya ni manong Protacio na isa sa mga trabahador namin. She's 6 years old, dinala siya rito dahil walang may magbabantay sa kaniya. Nasa San Enrique raw ang kaniyang asawa, kaya walang may maiiwan sa kanilang anak. That's why he ended up bringing her to work.
Pero hindi pwedeng dalhin sa tubuhan ang bata, baka hindi makapagtrabaho ng maayos sina manong. In the end, I offered my time to babysit her. Which I regretted later on.
Paulina, iyan ang pangalan ng bubwit na 'to. Ma-attitude din eh.
"Sino crush mo?" Tumaas ang kilay ko sa tanong niya.
"Wala."
"Meron 'yan, sino?"
"Wala nga," sagot ko sa kaniya. At the age of 6, nakakapagsalita siya ng tagalog dahil ang mama niya ay from Malabon daw. She pouted at my response at muling pinaikot ang bote ng juice nanininuman niya kanina.
Muli itong natuon sa 'kin. I thought she'll finally ask me other question.
"Sino ang crush mo?" Here we go again. Hindi ko na mabilang kung makailang beses na ba niyang naitanong 'yong sa 'kin.
"Alam mong bubwit ka, kanina pa tayo naglalaro. Gano'n pa rin ang tanong mo." Sambit ko at siya nama'y napairap. Napaka-attitude!
"Sinungaling ka." She said that I scoffed. Ba't parang kasalanan ko pa 'to?
She stood up ang walked away, I immediately followed her dahil ako nga ang nakatokang mag babysit sa kaniya. Tae naman oh!
Nakarating kami sa puno ng manga kung saan may duyan. The usual duyan na makikita mo— gulong ang ginawang upuan.
Pumwesto siya roon at naupo. Tinawag niya naman ako. "Pakitulak," aniya na parang mas matanda pa sa 'kin.
"Ayoko. You better fix that attitude of yours." Pagtanggi ko at hinayaan lang siya roon. Kukuha sana ako ng sigarilyo ngunit naalala kong bawal pala kasi may bata. Tss.
Maya-maya'y nakarinig ako ng hikbi. Napalingon ako sa direksyon niya. Aba! ang gag- relax, bata iyan Cian.
She's cupping her face kaya hindi ko makita kung lumuluha nga siya. Damn this kid. Anak ba talaga ito ni manong Protacio? He's kind and respectful, pero itong anak niya napaka demanding!
"Sige na!" Inis kong sabi at pumwesto si likuran niya.
She removed her hand at nakita ko ang malaking ngisi nito sa kaniyang mukha, clapping her hands in celebration.
Ako, si Lucian Del Fuego, isang A+ list na actor, ginawang pantulak sa swing ng isang bubwit!
"Humawak kang maigi," sabi ko as I pulled the rope. Umatras ako nang umatras bago bitawan ang lubid. She's swinging happily, kada hinto'y tatawagin na naman niya ako para itulak siya.
We remained in the same scene, tinutulak ko lang siya; she also demanded me na mag-swing. I ended up doing what she told me dahil binantaan niyang ipapakalat niya na nandito ako.
I also forgot that this kid is a tech-savvy kid. Hiniran niya kanina ang cellphone ko, akala ko maglalaro lang ng temple run but she ended up opening her Facebook. Doon niya rin nalaman na artista ako since malakinyung followings ko.
At the age of 6, damn. I tried to make up some excuses but she did not take it. Ang sabi pa niya crush daw ako ng pinsan nito.
Some of our workers aren't aware of my job, unless they have TV o kaya'y nakakita na ng billboards ko. Pero bawal nilang ipagkalat kung nasaan ako. Duda nga ako sa batang 'to.
BINABASA MO ANG
City Lights & Country Hearts (SS #1)
Short Story"To him who shines the most, l offer my heart." [COMPLETED]