"Okay, ka na?"
Napahinga ako ng maluwag nang maramdamang wala na ang bara sa aking lalamunan. Kaagad akong nabigyan ng tubig ni Soren kanina.
Puta. Papatayin ba ako ng gagong 'yon?
"May tatawagan lang ako," paalam ko sa kanila at kaagad na umalis sa hapag bitbit ang cellphone ko.
They were looking at me suspiciously, but I didn't mind them. Tumungo ako sa ikalawang palapag at dumeretso sa balcony at the end of the hallway.
Once I arrived at the balcony, isinara ko ang glass door nito, just in case na maisipan ng mga gagong 'yon na sundan ako. Kilalang-kilala ko sila, lalong-lalo na si Soren- chismoso 'yong gago eh.
I immediately dialed the number of the culprit. Pangalawang beses na akong nabibilaukan dahil sa kaniya.
It took three rings before he accepted the call.
"Yes, Boo?"
Isang malalim na boses ang sumalubong saking tainga. It looks like he just woke up. Narinig ko pa nga ang kaniyang paghikab, mula sa kabilang linya.
"Boo- putang ina mo," malutong pa sa chicharon na bati ko sa kaniya. "Pwede ba? Tigilan mo na'ko. Kung anuman ang trip mo, pwes 'wag ako," pagpapatuloy ko at sumandal sa railings.
Nakaharap ako sa loob ng bahay, para makita ko kung sino man ang magtangkang mang-usyoso.
He chuckled. "Chill, Boo. Na-miss lang kita," aniya at parang bumangon na dahil narinig ko ang paghawi ng kaniyang duvet.
"Miss? Baka pudai ni May ang nami-miss mo?"
Natahimik siya. Akala niya hindi ko kayang maging balahura? Ha! He thought.
Sa lahat ng p'wedeng tawagan, ako pa talaga. Sa dinami-rami ng mga babaeng umaaligid sa kaniya rito, ako pa talaga ang ginagago ng isang 'to.
Hinding-hindi ako magpapadala sa kalandian niya. Never, mark my words.
"Why would I miss her?" Pagbasag niya ng katahimikan. At kahit na wala siya sa harapan ko, alam kong nakakunot ang noo nito.
"Siya 'yung nililigawan mo diba? Edi do'n ka."
Bwisit.
"Boo," he called out. Talagang nasasanay na siya sa putang inang endearment na 'yan. Ang corny, putcha.
"Tyson, ano ba?" Tanong ko na may halong inis at pagtitimpi.
"Ngayon ko lang ata na appreciate ang pangalan ko," sabi niya, "Mas maganda pala ito kapag naggaling mismo sa bibig mo," he continued which left me dumbfounded.
Napapikit ako at humingang malalim. "Then I won't call you that," sabi ko at napakagat sa ibabang labi ko.
"What would you call me instead, then, Boo?"
"Marami, I can call you... gago, puta, piste, o kaya'y—" hindi pa ako tapos sa pagsasalita nang sumingit na naman siya.
"Mine?"
Ha. Ilusyunado.
Pero bakit hindi?
Wait- what the fuck, Cian?
"A-asa ka boy! Maghunus dili ka nga! Parehos tayong lalake, a-ang landi mo!"
Kahit hindi ko man tignan ang sarili ko ngayon, alam ko na unti-unti na naman akong nagiging kamatis. I can't believe it, talagang nadadala na ako sa mga panglalandi niya.
BINABASA MO ANG
City Lights & Country Hearts (SS #1)
Short Story"To him who shines the most, l offer my heart." [COMPLETED]