Tahimik lang kaming dalawa habang bumabyahe papunta sa condo ko. After niya 'yong sabihin kanina, hindi na ako kumibo pa at tahimik na lang siyang sinundan papunta sa sasakyan.
Nakonsensya siguro kaya sinundo nalang niya ako. Psh.
"Sir, may gusto ka bang kainin?" Pambabasag niya sa katahimikan. Napairap ako.
"Take out nalang sa Jollibee," sabi ko at saka inabot ang touchpad ng sasakyan. I navigated it and turned on the radio.
The instrumentals of NIKI's Backburner filled up the whole car. Nilingon ko siya saglit at diretso lang siyang nakatingin sa daan.
I can't lie, it feels nice that you're calling,
You sound sad and alone, and you're stalling,
And for once, I don't care about what you want,
As long as we keep talking (as long as we're talking).Napaismid ako sa lyrics ng kanta. Nananadya ka ba ngayon, mareng NIKI? Hindi nga ako kinikibo ng drayber ko ngayon.
Tumikhim ako at inayos ang pag-upo ko. I fished out my phone and scrolled through my social media. Napaka-awkward ng song choice ngayon ng radyo.
Maybe I'm just not better than this,
I haven't tried
Maybe life's less romantic when I don't wanna die,
You'd think I'd be a fast learner
But guess I won't ever mind crisping up on your backburnerMuli kong nilingon ang backburner—este ang driver ko. Nakataas ang kilay nito habang nagda-drive.
"Change the song," biglang sabi niya. Napaismid ako.
"I like it, Backburner..." sagot ko kaagad at nilingon siya, "by NIKI," I continued.
Hindi siya sumagot at hinayaan nalang ang kanta. Wala namang ginagawa sa kaniya ang kanta, ba't kailangan palitan? I rolled my eyes and opened my camera application.
Pinicturan ko ang daan, featuring the touchpad. The photo turned out fine, and aesthetically pleasing siya. Satisfied, I then went to my IG and uploaded it as a story. Nilagyan ko pa ito ng text sa mismong photo—Affected, much? I typed and posted the picture with Niki's Backburner audio attached to my story.
Umani naman kaagad ito ng maraming hearts. Nagmessage nga kaagad si Lionel sa'kin.
@Lionel_Serv: Sino ba 'yang backburner na 'yan?
Napaka chismoso talaga ng gago. Hindi ko siya nireplyan at nagpatuloy lamang sa pagi-scroll sa IG Feed. Nagtungo rin ako sa X (formerly Twitter) at nakitang nasa Hot Trends ang #LucianAirport. I clicked the hashtag at nakita roon ang arrival pictures ko kanina.
Lumipas ang halos isang oras na byahe, nakarating kami sa condominium building after naming magtake out sa Jollibee, buti na lang at merong malapit sa kung nasa'n ako nags-stay.
He parked the car in a free space. Napansin ko ring nanginginig ang kaniyang kamay. I narrowed my eyes on his hands, but I quickly averted my gaze when he glanced at me.
Nang huminto na ang sasakyan ag kaagad akong lumabas. Pinuntahan ko si manong guard para magpatawag ng bell boy para magpatulong na iakyat ang mga gamit ko.
When I got back to the car, ina-unload na ni Tyson ang mga gamit ko. Kinuha ko 'yong dalawang duffel bags sa sahig at ipinatong 'yon sa isang maleta.
"Nagpatawag na ako ng bell boy, p'wede ka nang umalis," sabi ko sa kaniya.
He turned to me with his forehead creasing. "I'll help you, sir." Sabi niya at akmang kukuhanin ang isa ko pang maleta pero inilayo ko ito mula sa kaniya.
"Sabing nagpatawag na ako, e."
He sighed.
"You can go home na, baka hinihintay ka na ni Patricia," nakangising sambit ko at tinalikuran na siya.
BINABASA MO ANG
City Lights & Country Hearts (SS #1)
Short Story"To him who shines the most, l offer my heart." [COMPLETED]