Nang magising ako kinabukasan, wala na siya sa tabi ko. Nakapikit kong kinapa-kapa ang puwesto niya pero wala siya roon. Tanging unan na lamang ang katabi ko.
Ito ang dahilan para uminit ang ulo ko nang kay aga.
Padabog kong hinawi ang comforter sa aking katawan. Bumangon ako at tinignan ang loob ng kwarto ko, yet there's no sign of Tyson.
"Tyson?" I called out his name pero walang may sumagot o sumulpot man, ni anino niya.
Did he leave? Bakit hindi niya ako ginising man lang. Putcha.
Last night was not good for my heart. Matapos niya akong titigan ng malalim at puno ng admirasyon, he closed his eyes and went to sleep while holding me close to him. Hindi ko na rin alam kung anong sumunod na nangyari, dahil ilang segundo ang lumipas, pati ako'y nakatulog na rin.
His heartbeat was so calming, that it seemed like a lullaby to me, enough to let me sleep peacefully.
Itinapon ko ang aking mga paa sa sahig at tumayo na. Hindi alintana ang magulong hitsura, lumabas ako para tignan kung nasa kusina ba siya o sa living room pero wala talaga.
That fucker just left me... alone.
Ang lakas ng loob na iwanan ako after ko siyang alagaan? Wala man lang akong thank you man lang o 'di naman kaya'y paalam mula sa kaniya. The audacity of that guy!
Magkasalubong ang aking mga kilay habang naglalakad ako papuntang kusina, finding something to eat. Naghilamos muna ako sa lababo at nag-mouthwash to clean my face and soothe my frustration towards Tyson.
Matapos niya akong pakitaan ng motibo kagabi, gaganituhin niya lang pala ako kinabukasan. Pinaglalaruan ata talaga ako ng gago, eh. Halos ayaw niya akong pakawalan sa yakap niya, may pa halik-halik pa siyang nalalaman. Isama mo na rin ang mga hirit niyang laos—mapapamahal—no, mapapamura ka nalang talaga eh. Tapos gigising akong wala na siya sa tabi ko, ha.
"Fuck," I mumbled as the memories of last night clouded my mind.
Ang landi-landi naming dalawa kagabi. Putcha. Malalagkit na mga tinginan ang ibinigay sa isa't isa, and it was enough to make me go crazy.
Parang baliw akong natawa sa aking sarili. Putang ina naman oh, bigay na bigay ako sa kaniya.
Hindi ko aakalain na gano'n nalang kung payagan ko siyang gawin ang kung anumang nais niya sa'kin. The way I let him explore my back and caress it. Also, the kisses he planted on my neck and hand. And those fucking cheesy lines, talagang pinatulan ko pa talaga. I guess I was too drunk with his gazes that I really gave in.
Kaya hindi ko na kinaya pa. Napabuntong hininga ako at mariing nakahawak sa mug na pinagtitimplahan ko ng kape ngayon. A realization hit my head.
Hindi ko na maikakaila pa, gusto ko na siya.
Gustong-gusto ko na si Tyson. I fucking like that guy. I hate to admit it but my heart goes wild whenever he pops into my mind.
Pero hindi gano'n kadali 'yon. I can like him all I want, but I can't make him mine.
Masyadong... risky. And I'm not sure if he's worth the risk. Ayoko pang sumugal sa nararamdaman ko sa kaniya.
In my line of work and the industry that I am in, siguradong malaking iskandalo 'tong nararamdaman ko. I am Lucian Oliver Del Fuego—the Starboy and the son of Walter Del Fuego, after all. Pero wala namang may makakaalam kung hindi ako aamin diba?
I can like him, but I can't let it show.
P'wede naman 'yon diba? Kakayanin ko naman sigurong gustuhin siya nang hindi niya malalaman. But I have to bear the consequences of hinding my feelings, then.
BINABASA MO ANG
City Lights & Country Hearts (SS #1)
Short Story"To him who shines the most, l offer my heart." [COMPLETED]