"See you sa Manila, dre!"
I raised my hand as I watch them get inside the car. Hindi na ako sumama sa paghatid sa kanila, dahil kailangan ko na rin mag-empake ng nga gamit ko.
Lionel waved a hand at me at tinanguan ko lang siya pabalik. Hugo gave me a look kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na niya ako tinantanan sa mga tingin niyang nakakabagabag.
Napakamulsa lang ako habang pinapanood ang sasakyan na lumabas sa property namin.
Muling tumahimik ang buong bahay nang umalis ang mga gago. Naiwan na naman akong mag-isa dahil kinailangan ni manang na pumunta sa central nang may ipinaasikaso sa kaniya si Mama.
I'll be flying back to Manila tomorrow. Nareceive ko na rin ang plane ticket ko. Gabi pa naman ang flight ko kaya I still have a lot of time to bid my goodbyes here.
Sighing, I went inside the house and directly proceeded to my room. Naligo muna ako bago ko sinimulang mag-empake.
I took all of my clothes na naka hanger at pinagtutupi ito para magkasya sa maleta. Iiwan ko na rin pala ang iba kong gamit here, because for sure, magiging busy na ulit ako kapag nakarating ng Manila.
Hinugot ko mula sa itaas ng closet ang isa kong maleta at isa-isa nang inilagay doon ang mga nakatuping damit ko. I continued preparing my things until I heard my phone chime.
*Ting!*
Napahinto ako sa pagtutupi at inabot sng cellphone ko. It was a message from our GC.
Lionel: Natae si Soren, HAHAHAHA!
Me: Gago! 'Di pa nga kayo nakakarating ng airport. So dugyot mo naman @Soren
Napatawa ako sa aking nabasa. Kanina pa kasi nagrereklamong natatae raw siya. Nag-CR nga siya pero wala namang may lumabas. Talagang nilabasan siya habang nasa byahe sila.
Hugo: We made a stopover here sa Valladolid, @Soren had to take a deep shit. RIP to your Van @Lucian.
Nag-'haha' react ako sa pagre-report ni Hugo. Kahit kailan, hindi na tinantanan ng kamalasan sa kaniyang tiyan 'tong si Soren. I can't imagine what he went through during his trainings.
I turned off my phone and continued to pack my things. It took me good 3 hours just to load my clothes sa maleta. Kahit na nag-iwan na ako ng iba ko pang mga damit, parang hindi pa rin kasya na dalawang maleta lang ang dadalhin ko.
"Toto?"
Napahinto ako at tumayo para pagbuksan si manang Rita ng pinto.
When I opened the door, I saw her standing outside with a tray of food in her hand—KBL with lots of rice—habang nakatingin sa'kin and was on the verge of crying.
"Manang," pagtawag ko sa kaniya.
She smiled pero malungkot ang kaniyang mga mata. She must've heard it from Mama na aalis na ako.
Iginayak ko siya papasok ng kwarto ko at kinuha ang tray sa kaniyang kamay. "Kakain naman po ako sa baba, manang, eh," sabi ko at inilagay ang tray sa center table ng room.
Naririnig ko ang munting pagsinghap-singhap ni manang. When I turned to her, nagpapahid na siya ng kaniyang mga luha.
I smiled and chuckled. Lumapit ako sa kaniya at tinabihan siya sa sofa.
"Manang, uuwi lang naman ho ako. Babalik din ako ito kasama si Mama," pang-aalo ko't pinahid ang mga luha sa kaniyang mga mata.
She clung to my arm. "Toto, alam kong babalik kayo. Pero 'di ko mapunggan na masubuan,"(Pero hindi ko maiwasang malungkot)
BINABASA MO ANG
City Lights & Country Hearts (SS #1)
Short Story"To him who shines the most, l offer my heart." [COMPLETED]