Chapter 24: Why?

4.8K 172 8
                                    

Happy 700 reads CLCH! Thank you so much po!

———

Maaga akong nagising kinabukasan. Actually, hindi nga ako nakatulog ng maayos... ulit. Every time na pipikit ako, naririnig ko ang boses niya.

Everywhere I go, I always see his face—Spiderman lang?

I decided na mag-jogging papuntang central. It took me 30 minutes para lang makarating doon. Naabutan ko sina manong Ricky na nag-aayos ng nga gamit habang 'yong iba'y kakarating lang din.

"Sir! Maayong aga, ba't ang aga ninyo ngayon?" Tanong ni manong nang makita niya akong papasok sa loob ng central.

"Nong, babalik na ako ngayon sa Manila," anunsyo ko sa kaniya na siyang ikinagulat niya.

"Talaga sir? Ahay," aniya at napakamot sa kaniyang noo. "Pasensya sir, wala kaming pa despedida sa'yo. Sana sinabi mo ng maaga para nakapaghanda kami rito kahit papaano."

Umiling ako. "No need na po manong, ako nga dapat ang magpakain sa inyo," I said and smiled at him.

Bago umalis kanina sa bahay, sinabihan ko si manong Israel na bumili ng mga pagkain sa banwa. He'd be here in an hour dahil marami-rami rin ang pinabili ko for the people here sa central at sa barracks.

"Uuwi ka na sir?" Biglang tanong ng isang trabahante rito. Nilingon ko siya at tinanguan.

"Opo, kailangan ko na rin kasing magtrabaho," sagot ko sa kaniya.

Nakita kong isa-isang lumapit sa'ming pwesto ang iba pang mga tauhan dito. Nagtanong sila kung bakit ako aalis, kung kailan ako aalis, kung babalik pa ba ako rito, at marami pang iba.

I was bombarded with questions, pero nagawa ko naman silang sagutin isa-isa.

"Maraming salamat talaga sir sa dagdag benepisyo, malaki ang naitulong no'n para kay Nanay," ani Joseph, isang mekaniko rito.

Siya ang isa sa mga kinausap ko while I was doing some research here. His backstory moved me a lot. Bata pa lamang ay dinadala na rito sa central si Joseph kasama ang tatay niyang si Tiyoy Saul. Aniya dati, dito na siya lumaki and namulat sa buhay. Kaya naman no'ng nagtapos siya ng Technical Vocational sa senior hayskul, kaagad siyang nagtrabaho rito kasama si Tiyoy. Pero nagkasakit si Tiyoy at hindi nai-survive ang Pneumonia, kaya naman si Joseph na ang tumayong padre de pamilya sa kanila.

"Walang anuman Joseph, sabihin mo lang sa'kin if gusto mong mag-aral ulit. Ilalapit kita sa mga kakilala kong naghahanap ng mga iskolars," sabi ko sa kaniya at tinapik-tapik ang kaniyang balikat.

I saw how his eyes twinkled with joy. People like Joseph should be given a chance na makabalik sa eskwela at makapagtapos. Due to his family circumstances, he had to stop schooling. But when I asked him dati kung gusto niyang magpatuloy, he giddily responded na nais niyang makapagtapos.

I am determined to help others like Joseph. Kaya habang nandito ang mga mokong, niyaya ko silang magtayo ng foundation para sa mga kapus-palad dito sa'min.

Ang gagong Lionel ayaw pang maniwala, pero seryoso ako roon. Good thing pumayag si Hugo and supported my idea. Although kailangan ko pang plantsahin ang plano, but I already have my friends' support.

"Maraming-maraming salamat po talaga, Sir Cian!" Masayang sabi ni Joseph habang napapalakpak at excited.

Ngumiti lang ako sa kaniya. Seeing his hopeful expression makes my heart melt.

Sa iilang buwan na nanatili ako rito, kahit na we started off on a wrong foot, I was able to experience and see the importance of having fair and just benefits for our workers. Kung hindi dahil sa aming mga manggagawa, our azucarera would not survive.

City Lights & Country Hearts (SS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon