True to his words, in-accept niya ako on Facebook. No, 'yong sarili niya kasi siya ang nag add gamit ang account ko.Don Tyson Ybañez: Hi, sir! Thank you for adding me.
Biglang pop up ng kaniyang message. Kaya pala hindi ko mahanap, iniba 'yong unang pangalan niya. Kaagad ako nagtipa ng sagot.
Lucian Del Fuego: You added yourself, gago.
Ni-react-an niya ng 'Haha' ang sagot ko at nakita kong nagta-type siya. I don't like to converse more kaya nisend ko na sa kaniya ang link na pinaglagyan ko ng kaniyang pictures.
Masisira if through messenger ko sinend. Talagang nag-effort pa akong gumawa ng folder sa gdrive para doon iupload mga pictures niya ha. Pota.
Don Tyson Ybañez: Salamat, sir! May poging pictures na ulit ako.
Hindi ko na siya nireplyan pa at itinuloy na ang paglalaro. Genshin itong nilalaro ko, malapit na akong mag Adventure Rank (AR) 60, ilang exp nalang ang kulang.
I quitted for a year, pina-pilot ko lang itong account ko. My fans knew that I play, kaya pati sila napa download na rin. Dahil doon, nakatanggap ako ng isang collaboration offer with Hoyoverse. I did accept it at nagpunta ako sa isang convention nila. I had fun.
Habang nags-spiral abyss, biglang tumunog ang telepono ko. Fuck it! Buti 'di ko pa nasisimulan ang level.
Padabog kong binitawan ang controller at sinagot ang tawag. It was from him. I rejected his call at muling dinampot ang controller. I want to concentrate pero patuloy pa rin ang pagtunog ng cellphone ko, kahit i-silent mode ko parang naririnig ko pa rin ang ringtone. Naba-bother akong hindi siya sagutin!
"Finally, you picked up."
He said, hindi ko na halos ma recognize na boses niya 'yon.
"What?"
"Hmm... so friends na ta'yo?" Tanong niya.
Asan na ang 'sir'? Kung makapagsalita 'to akala mo close kami. Isang buwan na akong nandito sa La Castellana, at isang buwan na rin akong pine-peste ng isang 'to. Ngayon he's asking if we're friends?
"No, quit it already. Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? Para kang kulang sa pan—"
"I meant on Facebook, sir." Natigilan naman ako sa sinabi ko. Narinig ko ang nakakainis niyang mga tawa kaya ibinaba ko na ang tawag.
I logged out my account para hindi na niya ako ma-reach pa. No, may number niya ako. Pinatay ko na lang ang cellphone ko at itinapon sa kama para hindi na ma-peste pa. Need kong mag-focus sa spiral abyss, dito nakasalalay ang pam-pull ko ng mga hangad kong characters.
Ayaw kong gumastos sa game na pagsasawaan ko rin sa huli. Alas dose na ako nakatulog sa kakalaro.
I decided to skip gym the next day, luluwas ulit kami ng Bacolod para pumunta ng The Ruins sa Talisay City. Mama suggested na ipasyal daw ako roon, sabi niya pa raw na kung ikakasal ako—the venue will be that place.
As if.
Kasama ko ang assumero na nakaupo sa shotgun seat. Busy siya kakadal-dal kay manong Israel na ipinagdrive kami nina manang Rita. Paminsan-minsa'y sumasali rin si manang sa usapan, habang ako'y nakikinig lang ng musika. Wala naman ang maintindihan.
Napamulat ako nang naramdaman ko ang kalabit ni manang sa tabi ko. She gestured me to take off my headphones, which I did.
"Friends na ba kayo ni Dong?" Halos pabulong na tanong ni manang.
"Bakit manang?"
"Nasabi niya kasi kanina, halos ipagsigawan nga niyan na friends na kayo." Natatawan niyang sagot.
BINABASA MO ANG
City Lights & Country Hearts (SS #1)
Short Story"To him who shines the most, l offer my heart." [COMPLETED]