Chapter 34: Instructor

5.2K 181 42
                                    

"And... cut!"

Lumayo ako kaagad sa ka-eksena ko at umatras para bigyan siya ng space na kumawala sa kaniyang character. It's the day 10 of our shooting para sa isang drama series. Ang role ko ngayon ay isang Engineer na niloko ang kaniyang girlfriend.

Hanep!

Ang green flag ko sa relasyon naming ni Tyson, pero sa role ko sobrang red. I really believe na hindi ito bagay sa'kin, pero ibinigay itong role sa'kin dahil may tiwala raw sila and ako raw ang nakikita nila bilang Zion Perez in real life.

"You did great, Lucian," my co-star, Alana Samaniego, opined. "Nakuha mo ang galit ko." Natatawang saad niya at hinampas ako sa braso. Kaagad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

Alana and I, have co-starred in a film noon. Kagaya ngayon, siya rin 'yong naging girlfriend ko sa mga pelikula. We are being shipped by the fans. Pero we're nothing more than friends or an on-screen ship kahit noon pa man, dahil may boyfriend siyang non-showbiz sa Italy.

Magkaibigan kami ni Alana, kaya alam ko rin ang ibang detalye sa personal niyang buhay. She was also one of the people who supported my comeback six months ago. Kaagad niya akong isinuhestyon sa casting director ng ginagawa naming series ngayon. Kaya nakuha ko ang role.

"You are too." Ani ko.

"Pasapak lang kahit isa oh, makabawi lang man ang si Rory," sabi niya at itinaas ang kaniyang kamao. She wants to punch me para lang makabawi ang karakter niyang si Rory sa pino-portray kong si Zion.

Sinamaan ko siya ng tingin. She rolled her eyes and shooed me away dahil tatawagan pa raw niya ang kaniyang LDR boyfriend. Nang-i-inggit pa siya dahil may karelasyon siya, akala niya wala akong kinakasama ngayon kaya ganoon nalang kung kaniya akong pag-inggitin.

She doesn't know na may non-showbiz boyfriend din ako for six months now.

Ha.

Naglakad ako papuntang dressing room ko na shine-share ko with other casts. Dumeretso ako sa hair and makeup stylists ko para magpa-retouch. They immediately assisted me as I sat on the chair facing the vanity mirror.

Habang inaayusan nila ako, kinuha ko ang cellphone ko at nagcheck ng mga messages. Maraming mula sa GC naming apat, ngunit ang priority ko talaga ay ang mga mensahe mula sa boyfriend ko.

Boyfriend...ko.

Puta! Ang sarap pakinggan, kahit na anim na buwan na kaming dalawa.

Araw-araw akong motivated na magtrabaho dahil may inuuwian akong mahal ko every night. Speaking of uwi, baka nagtext si Tyson kung ano ang uulamin naming mamaya. What if siya nalang ulit ang kainin ko? Pero hindi pa p'wede. Busy pa ang boyfriend ko.

Hinintay ko munang matapos ang stylists sa pag-aayos sa hitsura ko bago ko tinignan ang mga mensahe ni Tyson. As far as I know, mag mock bar exam siya ngayon, kaya hindi ko na rin siya inayang makipag-date this weekend for him to prepare.

Six months have passed since I said yes and became his constant. Kahit na hindi niya ako tanungin noong June 15 at 12:05 midnight, sasagutin ko pa rin naman siya. I was really decided at that night na sagutin na siya. Our setting may not be lavish, but it was the most romantic thing that I have ever experienced.

Anim na buwan man ang lumipas pero tinotoo nga niya ang kaniyang sinabi. Araw-araw nga niya akong nililigawan. Palagi niya akong dinadalhan ng bulaklak o 'di naman kaya'y nagse-send siya ng mga virtual flowers.

Pati ang TikTok filter kung saan may arranged flowers na nage-generate kapag ita-type mo ang pangalan ng isang tao, hindi niya pinatos. Ginawa ko rin naman iyon gamit ang kaniyang pangalan and made it as my lockscreen.

City Lights & Country Hearts (SS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon