Chapter 16: Jusko po

4.6K 194 63
                                    


Distraction, ang gago.

Ako pa talaga ang sinisi. Ha! Kasalanan ko bang masyado akong attractive sa paningin niya.

Pero ang mas nakakagago pa'y kung paano magreact ang puso ko sa sinabi niya. Maybe I got too worked up with what he said, na distraction ako para sa kaniya.

Nainis lang kung baga. Pati puso ko, naiinis sa kaniya.

"Dong, mag-ingat ka roon ha! H'wag kang magpagutom, babalik ka pang abogado rito," rinig kong habilin ni manang Rita. Nakayakap siya sa gilid ni Tyson habang papunta sila sa sasakyan.

I stood by the doorway at sumandal sa doorframe. Nakakrus ang aking nga braso sa dibdib habang pinagmamasdan silang isa-isang nagpapaalam kay Tyson.

And while the two are having their moment, si manong Israel ay busy sa paglo-load ng mga gamit niya sa sasakyan.

"Dong, may titirhan ka naman siguro sa Manila?" tanong ni manong.

Tyson averted his attention to manong Israel at tumango. Napaismid ako. Maybe alam na nila rito na aalis ang mokong na'to today. To think na gabi pa talaga ang flight niya.

May whole day na nakalaan, pero ni walang may nagsabi sa'kin na aalis pala siya? Ha.

Hindi ko alam kung matutuwa ako or what. Pero I guess it'll be a good thing din para magkaroon ako ng freedom dito. I can now go everywhere I want, without him following me.

Finally.

"Dong, alis na tayo. Baka mahuli kapa sa flight mo," pag-aya ni manong Israel matapos na mailagay lahat ng mga gamit ni Tyson sa sasakyan.

Napataas ang isang kilay ko, as I stood up straight.

Aalis kaagad? Ba't ang bilis? Anong oras ba flight niyan?

Tumango si Tyson at niyakap si manang Rita. Maluha-luhang niyakap siya ni manang pabalik.

My feet started to move on its own. Kahit ayokong lumapit, lumakad ako papunta sa kanila. Nang kumalas siya sa kanilang yakap ni manang, napunta sa'kin ang atensyon niya.

He smiled at me. The kind of smile na parang hindi annoying. Kitang-kita ang isang dimple niya. Kaya siguro maraming umaaligid sa kaniyang mga babae. May kakaiba sa ngiti eh.

And that same kind of smile...makes my heart go uneasy.

Putcha, naman. Kumekerengkeng na ata ang puso ko. Hindi sa babae, kundi sa kapwa ko lalake pa talaga!

Ang mas malala pa roon, mukhang sa kaniya pa?!

"Pa'no ba 'yan friend, alis na ako," sambit niya habang nakangiti.

"K."

Natawa siya sa isinagot ko sa kaniya. Ine-expect ata na may mahaba akong lintaya sa kaniya, kagaya ng ginawa ni manang Rita kanina.

"Sus! Mami-miss mo lang ako, e," aniya at tumaas-baba pa ang kaniyang mga kilay.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Libre lang mangarap," sagot ko sa kaniya na muli niyang ikinatawa.

Mabuti ngang umalis ka, para hindi na ako maguluhan. Para hindi na ako ma confuse. At para tumigil na rin ang kahibangan ng puso kong 'to.

City Lights & Country Hearts (SS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon