Chapter 05: Tinola

5.4K 204 42
                                    



Namula ako sa inis nang makita ang manok na kanina'y nasa farm sa loob ng kuwarto ko. Narinig ko ang paglagapak ng mga tsinelas ng gagong may-ari nito at mabilis na kinuha ang manok sa kama ko.

"Shet!" Pati siga napamura na rin nang makita ang mga preskang itlog sa kama ko. "Lolo na ako?!"

Unbelievable.

Mukhang proud pa siya sa manok niyang nangitlog sa kama ko. I can't fathom kung ano ang tumatakbo sa utak ng aswang na 'to. He turned towards me with a huge grin on his face. Hindi alintana ang galit kong itsura.

"Nangitlog na si Juniper!" He exclaimed like a proud father. Kamukha niya na yang Juniper- pota.

"Get out!"

Parang natauhan naman siya kaya nawala ang ngisi sa kaniyang mukha. Napahimas siya sa kaniyang batok. "Sensya sir, 'di ko namalayang nakapasok dito si Juniper. Baka nasundan niya kanina si manang Rita," sabi niya.

"Ba't ba nandito 'yan?! Gusto mo talagang isahog ko 'yan sa tinola?"

Mabilis siyang lumabas sa kwarto. I groaned kn frustration at tinawag si manang Rita na nakamasid lang sa'min dalawa kanina. I asked her to change the sheets, I don't want to sleep on a bed na initlogan. Humingi rin siya nang paumanhin dahil nakapasok 'yong manok.

"It's okay manang, hindi mo naman kasalanan kung bakit may manok dito."

Pumasok ako sa CR para maligo to cool myself. Gago talaga. Magdadalawang linggo pa lang ako rito pero andami nang nangyari. From the airport scene to the chicken scene, hindi nawala inis ko sa Ybañez na 'yon.

And what? Mama wants me to be friends with him. What a joke.

Bago na ang sheets sa kama. I did not immediately lay down at pinatuyo ang buhok ko. Napatingin ako sa katawan ko, I need to go back to the gym. Ang tanong, may malapit bang gym dito?

Tumunog ang cellphone ko at isang notification mula sa may-ari ni Juniper ang lumabas.

Unknown: Sorry sa nangyari, pero deserve mo 'yan dahil maldito ka po, sir.

At talaga naman... I saved his number and changed his name.

Me: Tinola 'yan sakin mamaya.

Tinola: Subukan mo lang hanapin sir, safe na ngayon ang anak ko't mga apo.

I scoffed at his reply. Kina-career niya na ang pagiging lolo sa mga itlog. I bet, kasing liit ng mga itlog ni Juniper kanina ang itlog ng gagong 'to.

Me: Fuck you.

Tinola: Oi! Bad word! Sumbong kita kay Mama mo para mabawasan allowance mo, sir. Hindi na ako magpapa-api!

Me: Do you think I'm scared? Try me.

After a few days of the chicken scene, lumuwas kami pa-Bacolod para bumili ng mga iba ko pa na mga gamit. I need to buy PS5 para may mapaglibangan ako. I help and assist sa farm at central tuwing umaga, while I am free buong hapon. I also am not a fan of scrolling sa social media kung ang laman lang naman nito'y fake news tungkol sa akin.

Pinaka recent ay nabuntis ko raw ang isang starlet whose name's I never heard before. Anong akala nila sa'kin papatol kung kanino man?

Almost a month ago na nang mangyari ang kay Ysa. The man was caught at currently nasa trial na sila. I just hope na kaagad makulong ang hayop na 'yon. Ysa will be going home next month for the trial.

"I'll pay through card, Miss." Sabi ko sa cashier at inilahad sa kaniya. I'm wearing a cap and a mask para hindi makilala. She's looking at me suspiciously kaya tinaasan ko siya ng kilay. Mahihirapan na silang makilala ako.

City Lights & Country Hearts (SS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon