Chapter 43: Passenger

5K 177 43
                                    


After the interview had ended, I was invited to a dinner. However, I refused it because I have other plans for today besides the interview, at iyon ay ang naka-schedule na dinner naming apat.

Nag-aya si Soren na kumain kaming apat sa labas dahil kakabalik niya lang. Halos atakihin nga kaming tatlo sa gulat nang in-accept niya ang rutang alam naming delikado. Pinili ba namang magpa-assign sa red sea, considering that the route is infamous for bombing and threats. Ang lakas din naman ng topak ng kaibigan naming Kapitan.

"Thank you talaga for today," rinig kong pasasalamat ni Pamela while I am packing my things.

Kinuha ko ang hair tie na nakita kong nakatengga lamang sa lamesa at ni-ponytail ang buhok ko. "Walang anuman, sa susunod sabihan mo naman ako kung ano yung mga itatanong sa fast talk, nagulat ako kanina," wika ko at napailing na lamang.

She lifted her hand at kaagad na nag-peace sign, looking apologetic. "Sorry! The questions were prepared by the staff, and it was requested by someone," pag-amin niya na ikinakunot ng noo ko.

I raised an eyebrow at that. Requested by someone, huh?

"Sino?" Tanong ko habang pinangsingkitan siya ng mga mata.

Pamela shifted her gaze elsewhere, "Uh, si Mr. Servantes," she answered hesitantly. Napahugot ako ng malalim na paghinga at napailing na lamang.

King inang, Lionel.

Of course, it had to be him.

Once finished, I grabbed my things and said goodbye to Pamela. Nakuha ko na rin ang TF ko mula sa interview kanina, it was enough for me to hail a cab papuntang BGC kung saan nag-aya ang mokong. Libre naman niya ang pagkain, kaya okay lang kahit mahal ang pamasahe. Sasabay nalang ako mamaya kay Hugo ulit.

The cool breeze outside was a welcome relief from the tense atmosphere kanina sa studio. As I walked towards the gate, my phone buzzed with a message from Lionel.

Lionel Servantes:
Hoi! Pumunta ka mamaya ha!

Hindi ko maiwasang hindi mapairap sa kaniyang mensahe. Parang 'di lang sinabotahe ang interview ko kanina, putek.

Me:
Talagang pupunta ako, king ina mo. May atraso ka pa.

His reply was instant.

Lionel Servantes:
Anong atraso? Wala naman akong ginawa sa'yo.

Kita mo? Yan, diyan siya magaling. Ang makalimot sa sariling kagaguhan.

Muli akong napailing at hindi na lamang sinagot ang kaniyang tanong. Ipapaalala ko talaga sa kaniya mamaya kapag nagkaharap na kami. Hindi ko rin alam kung papaano siya na-contact ng mga staff para tanungin or vice versa.

Nang makakita ako ng taxi, kaagad ko itong pinara. Nag-paalam ako kay manong guard na tinulungan akong maghanap ng taxi. As soon as the car stopped in front of me, binuksan ko ang passenger seat at binati si manong. He looked surprised upon seeing me, I could only smile at him in return.

"Good afternoon, ho! Mr. Lucian," excited niyang bati.

Mahina akong natawa sa reaksyon ni manong habang inaayos ko ang seatbelt. "Magandang hapon, po. Sa BGC po," wika ko. Tumango-tango si manong at kaagad na pinalakad na ang sasakyan.

Medyo malayo ang BGC sa kinaroroonan, kaya mahaba-habang byahe ang aming nagawa. Despite the distance, nagawa pa ring mapawi ang boredom ko sa mga nakakatuwang kwento ni manong Dante—the taxi driver—na tubong La Castellana rin pala.

"Miss ko na nga ring umuwi roon, ser. Kung papahintulutan lang siguro ako ng panahon at makapag-ipon-ipon, uuwi talaga ako." Aniya habang nakatutok ang kaniyang mga mata sa daan. He already told me that he grew up in Manghanoy, isa sa mga barangay o purok roon, and he had to go to Manila para magtrabaho bilang company driver.

City Lights & Country Hearts (SS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon