I would be lying if I said, I was not affected by his presence. I would be fooling myself if I said that I was doing fine and had moved on, months of our split up.
Hindi pa nga ako tuluyang naghihilom. Ba't mo naman siya kaagad ipinaharap ngayon sa'kin, tadhana?
Para akong nakakita ng multo kanina sa kaniyang biglaang pag-upo sa passenger seat. Nabato ako sa aking upuan at wala sa sarili kong nabanggit ang kaniyang pangalan. Walong buwan... hindi ito magiging sapat para tuluyan ko siyang makalimutan.
How can I? When everything reminds me of him.
Kahit na wala siyang gamit ngayon sa bahay, I could feel his ghost, haunting my heart every moment I'd try to forget his existence. Siguro nga nilagyan niya ng sumpa yung pagguhit niya ng kaniyang pangalan sa aking palad noon. Because it definitely worked.
Ang tanga-tanga ko na siguro para hindi ko siya makalimutan. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, mukha niya ang lagi kong nakikita. Kapag kinakalma ko ang sarili ko, bigla-bigla nalang pumapasok sa isipan ko ang mga alaala naming binuo.
He made a huge impact on my life, leaving a hole in my heart and mind dependent on our memories.
Ako ang nakipaghiwalay, pero ako ang hindi nakausad. Ako ang nagpasyang bumitaw, ngunit ako itong hindi nakabitaw ng tuluyan. Akala ko okay na. Akala ko kaya ko na. Pero parang umurong ang katapangan ko sa kaniyang biglang pagsulpot.
I quietly maneuvered the car and drove away from the review center. Mahigpit akong nakahawak sa manibela, pinipilit ang sarili na h'wag magpapadala sa kaniyang presensya.
Naghanap ako ng parking lot kung saan wala masyadong mga tao. I quickly found one space, in front of a children's park. Ipi-nark ko ang sasakyan at pinatay ang makina.
"Lucian." His deep voice echoed through the car.
Tang ina.
Pangalan ko pa lang ang binabanggit niya pero halos bumigay na ang tuhod ko kahit na nakaupo pa ako.
I would be lying to myself if I said that I did not miss his voice. Parang puta itong puso ko, bigla-bigla nalang kumakabog sa taong bumasag nito.
Humugot ako ng hangin bago nagsalita. Halos hindi ko pa mabigkas ng matiwasay ang sasabihin ko. Parang umuurong ang dila ko kasabay ng malalakas na tibok ng puso ko.
"L-Let's talk outside," nauutal na saad ko sa kaniya.
Hindi ko siya hinarap at binuksan ang pinto sa driver's seat. "So that I can properly breathe, your presence suffocates me, Ybañez," I frankly muttered before going out.
So damn suffocating that I would faint if tumagal pa kami sa loob ng sasakyan. Tiniis ko ang ilang minutong mental breathing exercises, hoping that my heightened emotions would subside.
Narinig ko ang pagbukas at sara ng pintuan sa sasakyan ni Soren. Hindi ko siya hinintay at kaagad akong tumungo sa swing. And as I sat down, I felt a coat cover my back and shoulders.
Napatingin naman ako sa coat na nakapatong sa likuran ko. It smelled definitely like him. It smells like the guy who tore my heart into fibers. I removed it and threw it back to him. I don't need it... I don't want to deal with anything that reminds me of him.
"Thank you sa pagpayag," aniya at umupo sa swing, katabi ng sa'kin. He turned to me and gave me a tight-lipped smile. Kahit gano'n lumitaw ng kunti ang kaniyang dimple.
Hindi ko siya sinagot. Through my peripheral vision, I saw him uncomfortably shifting on his swing. Nilingon ko siya at pinagmasdan.
Kahit na hindi nagbago ang kaniyang hitsura, yet he looks so drained. Para siyang isang musmos na bata na pinagsakluban ng langit at lupa. Maybe because of the upcoming Bar exam?
BINABASA MO ANG
City Lights & Country Hearts (SS #1)
Short Story"To him who shines the most, l offer my heart." [COMPLETED]