"Sabi ko bawal dahil kay kuya Dong ka lang," she said confidently with an innocent face.My mouth gaped. "Anong kay kuya Dong? Ha-Hahaha!" Mga bata nga naman ngayon, masyadong maraming ina-assume. Awkward akong natawa sa kaniyang sinabi.
Kumunot ang noo ni Denise at nagkibit-balikat ito. "Hindi ko gusto inaagaw ka nila, kuya Cian," aniya at inilingkis ang kaniyang maliit na kamay sa aking braso.
I chuckled. Hinawakan ko ang kaniyang mga beywang at inangat siya tsaka ikinalong ko. "Naah, sabihin mo 'di sila gusto ni kuya Cian," wika ko sa bata at inabot ang pulbo na nakapatong sa lamesa.
Sinigurado kong tuyo ang kaniyang likuran bago konito pinulbusan. She nodded at humagikhik pa.
"Okay po, sabihin ko na si kuya Dong lang ang gusto mo," sagot ng bata which made me choke on my own spit.
Inalis ko ang sunglasses ko at ginulo ang aking buhok. I think I need to set the record straight for this kid. Kailanman, hinding-hindi ko magugustuhan ang kuya niya. He's too pesky, too loud, and too nosy! Total opposite of what I am.
I am very classy, very demure, and very behave.
"Denise, pet peeve ko kuya mo," I told her. I don't know if naintindihan niya ba ang meaning ng pet peeve.
"Pet? Parang aso po?" Inosenteng tanong nito kaya natawa na lang ako. She looked back at me curiously.
Sa lapit niya sa'kin, ngayon ko lang napagtantong halos pareho rin sila ng kulay ng mata ng kuya niya. She has light brown eyes, habang sa kuya niya'y hazel. Don't ask me kung papaano ko alam ang kulay ng mga mata ng kuya nito. Araw-arawin ka ba namang ginagalit.
"Oo, aso ang kuya mo," sagot ko sa kaniya as I laughed at the picture of him on my mind na may dog ears.
Parang aso naman talaga, laging nakasunod at buntot sa'kin. Maybe I should buy him a leash or a collar then?
"Close na kayo ah."
Napawi ang ngiti ko nang marinig ko ang boses niya. He was looking at us habang naglalakad papalapit sa pwesto namin. Nagtama ang mga mata namin kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Okay ka lang diyan, friend?" tanong niya.
I scoffed. "Inuna mo pa asikasuhin nga babae mo kaysa sa kapatid mo," I murmured but it was loud enough for him to hear since nasa tabi ko na siya't nakatayo lang.
Muli ko siyang sinamaan ng tingin, magsasalita pa nga sana siya kung hindi lang naunang umimik si Denise.
"Kuya! Sa'n ka nanggaling?" tanong ng bata sa kaniya. 'Yan, sagutin mo.
"Sa tabi-tabi lang, Denden," sagot niya kaya napaismid ako. Tabi-tabi my ass.
Wait- ba't ba sobrang worked up ko sa kaniya. As if I should care about his whereabouts? Pero since pumunta kami rito para sa kapatid niya, then he should take care of his sister instead.
Napansin niya siguro ang reaksyon ko kaya kumunot ang kaniyang noo at tinitigan ako ng ilang segundo. He pulled a vacant chair at inilagay ito sa tabi ko. Nasa kandungan ko pa rin si Denise habang sinusuklayan ang kaniyang buhok dahil nagkabuhol-buhol ito.
Tahimik niya lang kaming tinitignan hanggang sa nakarinig ako ng click mula sa direksyon niya. I shifted my eyes at him, nakita kong nakatutok sa amin ang isang digital camera na hawak-hawak niya.
Where'd he get that?
"Hiniram ko 'to kay manang Rita," sabi niya as if he read what's on my mind.
"And? Sinong nagsabi sa'yong pwede mo akong picturan? Mahal ang TF ko," sagot ko sa kaniya at ambang hahablutin ang digi cam pero nailayo niya ito kaagad.
BINABASA MO ANG
City Lights & Country Hearts (SS #1)
Short Story"To him who shines the most, l offer my heart." [COMPLETED]