Chapter 39: Car ride

4.7K 154 31
                                    

After the confrontation, umalis ako ng walang paalam, natakasan ang dalawang bodyguard by excusing myself na pupunta lamang sa bathroom. Sa pagnanais na umalis sa building na 'yon, nagawa kong sirain ang lock sa emergency exit which was locked, for God knows how long.

I'm found myself driving towards Lionel's condo. Hindi muna ako umuwi sa bahay o sa apartment ni Tyson, alam kong may mga naka-antabay na mga reporters doon. I'm worried about Tyson, gusto ko siyang sunduin mamaya sa kaniyang review center pero alam kong ipapahamak ko lang siya.

Fuck the person who leaked those photos. Mabulag sana siya.

I arrived in front of Lionel's unit. I reached for his doorbell at pushed it to notify him inside. Alam kong walang tao sa loob ng unit niya bukod sa kaniya. Makailang ulit kong sinundot ang doorbell niya hanggang sa may narinig akong mga yapak mula sa loob.

Nasa sahig lang ang aking mga mata habang hinihintay na pagbuksan niya ako ng pinto. Ang tagal sumagot ng piste. At nang may tumunog na, hudyat ito ng pag-unlock, inangat ko ang aking nga mata at agarang nagsalita.

"Let me stay here—"

Nahinto ako sa pagsasalita. An unfamiliar person stood in front of me, eyeing me with confusion. Putok na putok ang pink blush sa kaniyang mukha at isama mo pa ang kaniyang mamasa-masang pinkish na lips. Bagsak ang hanggang balikat niyang brown na buhok. Due to the color of her hair, mas lalong na-enhance nito ang kaniyang maputlang skintone.

At sino naman 'tong babaeng 'to?!

"Who are you?" Mataray niyang tanong. My eyebrow immediately arched with her attitude towards me.

"Nasaan ang amo mo?" Seryosong tanong ko sa kaniya. She's wearing uniform na alam kong sinusuot ng nga kasambahay nila Lionel.

"So sino ka nga? Kung hinahap mo ang gago—este si Sir Lion, umalis muna siya at may binili lang," she says, trying to hide the fact that he cursed my friend.

Ba't parang iba 'to sa mga kasambahay niya. Ah... ngayon ko lang din nalaman na may kasambahay na siya rito.

"I'll wait for him." Saad ko sa kaniya with finality in my voice. She was about to argue but I glared at her.

Napakurap siya ng ilang beses bago niya tuluyang binuksan ang pinto. I went in, bumping her shoulder, sinadya ko 'yon dahil parang naghahanap pa siya ng away sa kaniyang attitude.

Naglakad ako diretso sa kusina ni Lionel at agad na tumungo sa kaniyang bar station. Kumuha ako roon ng isang bote ng Cuervo. Alam kong medyo maaga pa para sa pag-inom, ngunit gusto ko lang kalimutan ang mga nangyare kanina.

Sunod nang sunod naman 'yong kasamabahay niya. Parang gusto nga niyang mag-protesta no'ng binuksan ko ang ref ni Lionel para maghanap ng pulutan where I took out a bag of Cheezy chips. Nakita kong bumuka ang bunganga ng kasambahay ni Lionel at gustong magreklamo, ngunit walang mag lumabas sa kaniyang maliit na bibig.

Tahimik niya lang akong sinundan. Bitbit ang alak at chips, kumuha ako ng dalawang baso bago naglakad papunta sa living room. I placed the liqour on the table and opened it.

"Hindi pa malalim ang gabi pa para uminom, Sir." Rinig kong komento ng ma-attitude niyang kasambahay.

Tinignan ko ang kasambahay ni Lionel. Nakatayo lang siya sa harapan ko, a few feet away from me, as she watches me pour my drink into the glass cup. "Samahan mo ako," aya ko sa kaniya at tinuro ang isa pang upuan.

Nagulat naman siya sa pag-aaya ko. Pero ang kaniyang mga mata'y nasa baso ko at wala sa'kin. Kumunot ang aking noo nang makita ang kaniyang paglunok.

"Daming ebas. Samahan mo akong uminom, putcha." Inis akong napamura at kaagad na ininom ang isinalin kong cuervo kanina.

City Lights & Country Hearts (SS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon