Chapter 22: Why bother?

4.7K 180 18
                                    

Happy 600 reads CLCH huhu! Thank you very much!

--

We haven't talked since then.

Good thing that my friends are here, hindi nila ako aabandunahin, kagaya ng ginagawa niya ngayon. Who is he anyway?

He's just some guy na nakilala ni Mama at ginawang driver ko. Hindi ko naman dapat siya pino-problema. Bakit? Ano siya? Gold?

"Pang-ilang bote mo na 'yan, dude?" My eyes averted to Lionel who's sitting across me.

Kakabalik lang namin from Sipalay at niyaya ko silang uminom. Now, we're here at the garden habang tumatagay kasama si manong Israel.

"I don't know, mayroon pa ro'n," sabi ko at tinuro ang isang box ng alfonso na binili ko kanina sa S&R in Bacolod.

"Parang kang baliw," komento ni Soren at saka uminom. Sabi ng taong hanggang ngayon may chikinini pa rin sa kaniyang leeg.

Baliw, ampota. Ako baliw?! Baka siya 'tong baliw, hinanap ba naman 'yung naka one-night niya at ayaw pang umuwi kanina.

Tsaka, ba't naman ako mababaliw kay Tyson? Ano siya, si Basilyo't Crispin para mabaliw ako na parang si Sisa?

Putcha. Ang corny.

"Mukhang may nangyari, biglaan ba namang naglasing," ani Lionel habang umiiling.

I rolled my eyes at him. "Ang dami niyong dada, samahan niyo akong uminom mga hayop," sabi ko at nagbukas ng isang bote ulit ng alfonso.

Nilingon ko si manong Israel, nakaidlip na siya sa upuan. Niyugyog ko siya kaya naman nagising siya. I handed him a glass of beer immediately.

"S-Sir... tama na... ho," sinisinok-sinok na pag-ayaw ni manong Israel sa inuming iniaabot ko sa kaniya.

Natawa ako. "Ang hina mo naman, nong," panunuya ko sa kaniya at ininom na lang ang beer. Kahit na nanlalabo na ang mga mata ko, nakita ko kung paano muling nakatulog si manong Israel sa kaniyang kinauupuan.

I sighed as my nose scrunched at the heat of the liquor on my throat. Mas lalong namamanhid ang katawan ko as the time passes by. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na akong sumasalo ng inumin ni manong Israel.

Ang alam ko lang, gusto ko pang uminom nang makalimutan ko na 'yong putang inang pagsakit nitong puso ko.

"Hoi! Kayong tatlo, uminom kayo, ulol." Dinuro ko silang tatlo, isa-isa, nang mapansing hindi na sila umiinom.

Soren rolled his eyes and sinalinan ako ng alak sa baso nang utusan ko siya.

"Nabasted ka ba ni Camille, dre?" Tanong ni Lionel na ikinalingon ko sa kaniya.

My forehead creased as I batted my eyelashes. "Camille? Sino 'yun?"

Nagkatinginan silang dalawa ni Soren. "Confirmed," sabay na wika nila kaya napakamot ako ng ulo.

"Anong confirmed? Camille? Ahh... that girl?" wika ko nang maalala na kung sino ang tinutukoy nila.

'Yung pinag-ugatan ng pag-aaway naming dalawa ng gagong Tyson na 'yon. Aba! Malay ko bang may sa pagkademonyo itong cellphone ko at tinawagan siya habang bini-BJ ako ng Camille na 'yun.

Sarap pa naman niya, mag-BJ. Putcha.

"Wala lang 'yun, fling-fling lang," sabi ko sa kanila at sinimot ang beer sa bote. May natira pa kaya tinungga ko nalang.

Sayang eh, allowance ko pa 'to.

"Huy! Tama na 'yan, putcha! Tinungga ang bote," rinig kong sabi ni Soren at inalis naman ni Hugo ang bote muna sa'king kamay.

City Lights & Country Hearts (SS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon