"Anak, thank you for coming."
Sinalubong ako ng mahigpit yakap ni Mama nang makalabas ako ng sasakyan. She really waited outside the main door. Kasama niya rin si Natalia na nagse-cellphone habang hinihintay na huminto ang sasakyan ko kanina.
Halos half-day kong pinag-isipan kung pupunta nga talaga ako rito sa bahay. However, when Natalia asked me to come, herself, nawala ang pag-aalinlangan at kaagad akong nag-drive papunta rito. I wanted to see her again, so might as well na pagbigyan ko diba?
"Kuya, I missed you," sabi ni Natalia when it was her turn to hug me. I smiled at her. Malaki ang pinagbago niya, parang dalaga na talaga siya.
Her long jet-black hair stood out the most. Hanggang beywang ba naman ang haba ng kaniyang buhok. I asked her dati kung may balak ba siyang magpagupit, because I'm sure babagay sa kaniya ang iba pang mga hairstyles. But she refused. Wala na akong magawa, kung saan siya komportable doon na rin ako.
"I missed you too, Natty," sabi ko sa kaniya at hinalikan siya sa kaniyang noo. Ngumuso naman siya at pinahid ang parte kung saan ko siya hinalikan.
Dramatiko akong napasinghap sa kaniyang ginawa. "You just did not..." I exclaimed. She rolled her eyes on me and shrugged her shoulders.
"I'm already a teenager, kuya. Please refrain from baby-ing me," aniya bago ako talikuran at naunang pumasok sa loob ng bahay. Napailing na lamang ako. Dalagita na nga talaga ang isang 'yon. Ayaw nang magpa-kiss sa kaniyang kuya, eh.
"Lucian, anak."
Napalingon ako sa gawi ni Mama, she's looking at me with a motherly smile. Lumapit ako sa kaniya at inakbayan siya. "Kamusta naman ang financer ko?" mapaglarong tanong ko sa kaniya. Siya naman kasi talaga ang nagpapadala sa'kin habang nasa La Castellana ako.
"Gago ka pa rin, anak."
Natawa ako sa pagmumura ni Mama. Alam na alam ko kung kanino ako nagmana, e. Parehos kami nang tabas ng dila. She's a cool mother, palagi niya akong sinusuportahan. Siya rin ang Karamay ko sa tuwing pinapagalitan at pinaparusahan ako ni Dad. She's always there for me. Pero minsan ay sa sobrang busy niya, hindi na niya ako nabibisita ng personal at kamustahin man lang.
But it's fine to me, as long as she's okay.
Pumasok na kami sa loob ng bahay. Bumungad sa'kin ang pamilyar na chandelier sa gitna ng receiving area. Binati ako ng iilan sa mga kasambahay dito, I only greeted them back with nod and smile. Mga bago ata ang mga katulong dito, halos kasing edad ko lang ata sila judging from their facial features.
Nang makarating kami sa dining area, naroon na si Dad at nakaupo sa kaniyang usual na spot habang nagbabasa ng dyaryo. Napaismid ako, gabi na pero nagbabasa pa rin siya ng dyaryo? Si Natalia naman ay nakaupo na rin sa kaniyang puwesto kaya tumungo ako sa upuan across her. I pulled the chair and sat on it. Tahimik lang ang lahat, pero ramdam mong may tension. Hindi ko na inexpect pang batiin niya ako, kaya naman kumuha na lang kaagad ako ng rice at ibinigay muna iyon kay Natalia who's still on her phone.
Huminto naman si Natalia sa pagta-type nang iabot ko sa kaniya ang rice, tsaka ibinaba ang kaniyang cellphone to receive the bowl of rice. Ano kaya ang kinawiwilihan ng isang 'to at hindi mabitiwan ang kaniyang cellphone? Don't tell me may nanliligaw sa kaniya.
Malaman ko lang talaga, yari sa'kin ang gagong 'yon.
"So, how's La Castellana, anak?" Tanong ni mama, dahilan para mabasag ang katahimikan sa lamesa.
"Fine, the people there are fun to be with," sagot ko kay mama habang nagse-serve ng pagkain sa plato ko.
"Really? That's nice at nakapag-adjust ka rin sa kanila, anak," proud na nakangiting sabi ni mama bago siya kumuha ng pagkain niya.
BINABASA MO ANG
City Lights & Country Hearts (SS #1)
Short Story"To him who shines the most, l offer my heart." [COMPLETED]