Warning: Mature scenes ahead. Reader's discretion is advised.
———
"I'm jealous."
Hindi ko mapigilan ang pagguhit ng isang ngiti sa'king mukha. He looked so damn cute right now. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa'king katawan na para bang isang batang ayaw maiwan ng kaniyang ina, o di naman kaya'y parang isang pusa na naghahanap ng atensyon at pagmamahal ko.
Natawa ako ng mahina. Nakabaon sa'king leeg ang kaniyang ulo kaya nararamdaman ko malalalim na paghingos niya.
I gently pushed him away, which made him frown even more. Napailing ako at hinawakan mukha niya. His hazel eyes were staring at me intently na para bang may gusto siyang sabihin.
"Why would my Tyson be jealous?" Tanong ko sa kaniya na parang isang nanay na tinatanong ang kaniyang anak na nagtatampo. Kasabay nun, hinimas-himas ko ang kaniyang pisngi gamit ang aking mga hinlalaki. Hmm... it's soft.
Lumobo ang kaniyang pisngi saglit at bumuntong hininga siya. "He's too friendly for my liking, Boo," sagot niya at hinawakan ang isang kamay ko.
Kawawang Julian, pinagseselosan.
I narrowed my eyes. "Of course, he's Percy's uncle Tyson, kahit sino ay magiging masaya kapag nakita nila ang nawawalang kapamilya 'di ba?" sagot ko sa kaniya pertaining to Julian. He only stared at me while I'm talking.
"Plus, alam mong may boyfriend na nga yung tao." Dugtong ko pa sa kaniya habang sinusuklay ang ngayo'y medyo mahaba niyang huhok.
He sighed and hugged my body once more. Mabilis lang ang ginawa niyang pagyakap. Nang kumalas siya'y hinawakan niya ang aking mukha at pinatakan nang halik ang aking noo.
I sighed in contentment.
Ganito pala ang feeling na pinapahalagahan ka talaga. We may have started on the wrong foot, but hindi ko aakalaing siya rin pala ang taong kababaliwan ko.
Matapos ang aming munting kadramahan sa parking lot, tumungo na kami sa kaniyang tinutuluyan. We arrived at his apartment after a 20-minute drive. Medyo malayo nga talaga ito sa kinaroroonan condo ko. Sa tantsa ko'y nasa isang oras ang byahe kapag nagcommute siya.
"Oh, Dong!"
Napahinto kaming dalawa at nilingon ang isang matandang babae na may hawak na broomstick. She's wearing a duster dress na kulay itim at puno ito ng sunflower prints. Ngayon ko lang din napansin ang ibang mga kaedaran ng babae na nakatingin sa gawi namin ni Tyson.
Siguro pinag-uusapan kami.
Lalo na ako, based on where their eyes are. Kaya, I pulled down my cap and raised my mask. Baka may makakakilala sa'kin, malintikan pa.
Tumikhim ako at pumunta sa gilid ni Tyson. Hinawakan ko ang dulo ng kaniyang damit. Napansin ni Tyson ang presensya ko sa kaniyang tabi, kaya nilingon niya ako saglit.
"Kakabalik mo lang?" Tanong ng babaeng lumapit sa'min. Mukhang siya ang caretaker sa tinutuluyang building ni Tyson.
"Yes po. Also, okay lang po ba na umakyat ang bisita ko?"
Napunta sa'kin ang mga mata ng babae na para bang sinusuri ang pagkatao ko. "Hindi naman siya siguro masamang tao, Dong, no?"
Na-judge pa nga.
Porket may tabon ang hitsura ko ngayon, napagkamalan nang masama. Grabe rin 'yong prejudice sa mga taong balot-balot ang kanilang ulo, eh.
"Pfft."
Kinurot ko ang tagiliran ng mokong. Natawa pa, e.
"Hindi po, tita. Tsaka mag-a-abogado ho ako, bakit naman ako magdadala ng masamang tao rito, 'di ba?" Sagot ni Tyson sa matandang judgemental.
BINABASA MO ANG
City Lights & Country Hearts (SS #1)
Short Story"To him who shines the most, l offer my heart." [COMPLETED]