One thing that came to mind after I saw Luther's cold stare at Zack was what he said to me—that he will never do anything to make me angry. Pinanghahawakan ko 'yon, at dahil kahit na bago pa lang kami na lumalabas ay alam ko na may isang salita siya.Hindi naman sa iniisip ko na gagawa agad siya ng eksena dito, he's not also that kind of man. Pero ang kaba ko talaga habang nakatingin siya sa amin. Pakiramdam ko ba ay nahuli rin niya ako na may iba! Ganoon kasi yung klase ng aura na ibinibigay niya.
I licked my lips and gulp when Luther shifted his gaze at me it was fast, when it went back to Zack's hand that was still holding me. At doon ko lang napagtanto ang ibig sabihin ng tingin niya kaya naman agad-agad ko na hinila ang kamay ko at lumayo rito. Pumagitna sa kanila at nakatalikod sa kaniya.
"Uhm, Zack. Okay na ako, hindi mo na talaga ako kayang ihatid."
He's a smart man, though I didn't actually call Luther to pick me up. But I knew that's what Zack was thinking, especially when he stepped back and nodded at me.
Wala naman na rin akong takas kung iiwasan ko pa siya at magsisinungaling tungkol sa amin ni Luther. Lalo pa sa tanong sa akin niya kanina, sa mga akto sa restaurant pa lang ay alam na nga niyang lumalabas kami.
And before leaving him, might as well introduce them with each other--kahit mukhang magkakilala naman na rin sila.
"By the way, uhm. Si Luther pala, alam ko na kilala mo rin siya, Zack."
Tumango naman siya sa akin habang nakangiti kahit naroon pa rin ang sakit sa mga mata niya. Hindi ako ganoon ka-insensitive para hindi malaman kung bakit. Pero nang bumaling siya kay Luther at ilahad niya ang kamay ay nawala naman ang ngiti sa mga labi niya.
"Zack Velmonte," pakilala niya.
"Ito ang unang beses na nagkita tayo, Mr. Valleje," he added formally.
Ang una siguro ay iyong celebration sa Cebu na magaganap sa isang araw. Kung pupunta doon si Luther at naroon rin si Zack ay kailangan ko na rin pala na maghanda ng sarili ko. Pero tiwala naman rin ako kay Zack, he's not talkative at alam ko na ramdam niya na hindi ko pa nais ipaalam sa pamilya ko ang tungkol sa amin ni Luther.
"Luther Rico Valleje," he said in a menacingly deep baritone voice.
I bit my lower lip as soon as I heard it. I felt a pinch in my heart, and my stomach twisted.
How can someone be this attractive just by saying his full name?!
After they shook hands, Luther looked at me, at napatanga naman ako nang sa akin siya ngayon naglahad ng kamay. Medyo nilakihan ko siya ng mga mata pagkagilid ko ng ulo ko. Pailalim ko siyang tiningnan. I know I looked like a fool by doing this but what does he mean by that! Makikipagkamay rin siya sa akin?
But when he smirked and walked towards me, inabot niya ang kamay ko at pinagsalikop niya 'yon sa kaniya na mas lalong ikinatigil ko.
S-So, that's what he wants! Ang slow mo naman, Thes!
"If Catalina has no more business with you, we're going to leave now," kaswal na sabi niya nang humarap siya kay Zack, ako naman ay sinusubukan na alisin ang hawak niya sa kamay ko kahit alam ko na imposible dahil sa sobrang higpit non.
"Wala... na," sagot naman nito at napatingin sa mga kamay ko na hawak ni Luther.
Why did he have to take my hand in front of Zack?! I mean, pwede naman mamaya sa kotse kung gusto niya na magholding hands kami!
Doon pa tuloy nakatuon ang pansin ni Zack ngayon! He's watching us and I really can see the pain in his eyes. Ito ang ayoko, eh, na masaktan ko siya. Kaya nga agad-agad ko na sinabi noon na imposible talaga na magkaroon kami ng relasyon o magustuhan ko siya ng higit pa sa isang kaibigan. Lalo na at kaibigan ko rin siya. I don't want to hurt him more because I know how kind he is.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Sweet Psycho
RomanceTherese Catalina doesn't do one-night stands. But everything changed when she met Luther Rico Valleje, her best friend's brother-in-law! Will their relationship really end after just one passionate night, or will they keep wanting more? --- "Hmmm...