Therese Catalina
It feels like a dejavu. Nang buksan ko ang mga mata ko ay nasa silid na ako ulit. Ramdam ko ang pamimigat at hapdi ng mga mata ko dahil sa pag-iyak ng sobra. I remembered what happened earlier. Pumunta si Caitlin dito sa bahay ko at nagwala, inawat siya ni Beauty at nagkasakitan silang dalawa.
Then when I arrived, she told me the reason why she was so mad. At maliban sa dahilan na pinipigilan ko na makilala siya bilang isang modelo, ang isa naman ay tungkol kay Zack.
"Things will not be better between us..." bulong ko habang dahan-dahan na bumabangon. Napatingin ako sa loob ng silid ko dahil patay ang ilaw. Then, I looked outside, sa may gawi ng bintana ko at may liwanag pa, ibig sabihin lang na hindi pa gabi.
Napahimas ako sa noo ko at napapikit ng mariin. Luther... he was here also. Umalis na ba siya? But no, I know he's still here. Hindi niya ako basta iniiwan, hindi siya basta aalis lalo na kung nakita niya ako sa ganoong sitwasyon.
I was confident not because I know he's in love with me and that is a normal response to not leave the woman you love alone after a bad thing happened. Pero alam ko na kahit sino siguro, sa kabutihan ng puso niya ay hindi niya basta na lang rin iiwan.
That's how I see him... and that made me think before na hindi ko deserve ang isang katulad niya.
"How are you?"
Hindi pa ako bumabaling sa pinto ay napangiti na ako nang marinig ang boses ni Luther. And when I turned my head to face him, iniangat ko ang mga kamay ko, na parang sinasalubong ko siya ng yakap.
"Okay naman na ako."
At hindi niya ako binigo dahil pagkalapit niya ay ipinaloob niya ako sa mga braso niya. I was a little bit embarassed that he saw me in that state. Malabo sa isipan ko ang mga nangyari, pero naririnig ko kung paano ako umiyak at kung paano ko tawagin ang pangalan niya.
And honestly, I don't want Luther to see me in such a weak state, but I also know that he's the person I want by my side. Kahit sino talaga ay ayoko na makita ako sa ganoong kalagayan, lalong-lalo na siya. But since I met him and felt his care, kung paano niya ako aluin ay napanatag ang loob ko sa kaniya.
I like his calmness, the softness of his voice, and his warm embrace. And this is the second time he's appeared just when I needed him the most.
"Where's beauty?" I asked after I let go. Tumingin pa ako sa likod niya pero bumalik rin ang atensyon sa kaninya.
"Pinauwi ko na siya. She wants to clean your house but I refused. Tumawag na ako kanina ng housekeepers."
Tumango ako. I lost my energy.
"Aren't you... going to ask me what really happened?" tanong ko sa kaniya. He caressed my face, hinihintay ko na sumagot siya pero ngumiti lang siya ng tipid sa akin.
"Ako ba hindi mo tatanungin kung bakit bigla akong dumating sa bahay mo?"
I smiled at what he said.
"Because you like surprising me kahit sinabi ko na kapag pupuntahan mo ako ay magsabi ka?"
Luther bit his lower lip and I gasped when he suddenly carried me and put me on his lap. Ikinabigla ko 'yon kaya namilog ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Napahawak rin ang mga kamay ko sa mga balikat niya.
"L-Luther... I was fine in my bed..." pero hindi niya ako ibinalik sa pwesto ko kahit sinabi ko 'yon, maas humigpit lang ang isang kamay niya na nakakawit sa baywang ko.
"I want to ask more about your current situation with your sister, but this isn't the right time."
Medyo nabigla ako na alam niyang kapatid ko ang dahilan ng kaguluhan kanina. Pero sumagi rin sa isipan ko na maaaring sinabi ni Beauty sa kaniya.
"I know you're still not okay, even if you say otherwise, sa paraan ng pagngiti mo ay hindi ko nakikita na handa kang ikwento ang mga 'yon sa akin. I can still see a glimpse of sadness. I also understand that recalling the past and how everything started with your sister is painful. I don't want to cause you more pain by asking about what happened between you two."
"Ikwento mo sa akin ang lahat kapag okay ka na. Hindi naman ako aalis. Hindi kita iiwan," he said.
Pagkatapos ko na marinig ang mga sinabi niya ay naramdaman ko ang bara sa lalamunan ko. I tried to swallow it, my lips trembled, and tears began to fall. Nakaramdam rin ako ng paninikip ng dibdib. Nakatingin lang ako sa kaniya, ang isang kamay ko ay ngayon nakalapat na sa tapat ng dibdib niya.
Noon ay kay Tangi lang ako nagsasabi ng totoong bigat na dinadala ko. Sa kaniya ko lang pinapakita ang ganitong kahina na pagkatao ko.
She's the only one who's there for me every time I feel alone, at sa tuwing mangyayari na magkakaaway kami ni mom and ni Caitlin.
And it feels so good to have another person by my side who understands me more than I understand myself. Hindi ko inaasahan na may tao pa pa lang darating sa buhay ko na magpapakalma sa akin, na magpaparamdam na hindi ako mag-iisa.
B-Because Luther is right. Sigurado na kapag sinimulan ko na magkwento tungkol sa pinagmulan ng lahat ay baka hindi ko 'yon maituloy dahil masasaktan ako ng sobra at iiyak ang sa harapan niya.
"Catalina..." he called me and wiped my tears. Hindi na ako nagsalita pa at niyakap ko na lang rin siya.
"You s--said that..." I whispered. Naramdaman ko ang paglapat ng kamay niya sa likod ko. Ang dahan-dahan na paghimas niya na muling pinapakalma ako.
But I'm calm, I just couldn't take this feeling that he's here, making me feel okay again, and reassuring me that he will never leave me.
"Sabi mo 'yan na h-hindi mo ako iiwan... k-kapag iniwan mo ako ipo-post ko sa lahat ng social media ang panty ko na may pangalan mo..."
I heard his laugh. Mas humigpit rin ang yakap niya sa akin.
"Whatever will make you happy, I'm willing to do it, Catalina."
"Hmm. So, iiwan mo nga ako?!" hinarap ko siya agad pero hindi naman siya sumagot dahil mabilis niyang pinatakan ng halik ang mga labi ko.
"Never," malawak ang ngiti na sagot niya at pagkatapos non ay iniupo na niya ako sa kama. Tumayo siya saka nilapitan ang isang maleta na nasa gilid.
Teka... bakit may maleta don?
Pero bago ko pa siya tanungin ay inilahad na ni Luther ang kamay niya sa akin.
"Let's go."
"Ha? Saan?" nagtataka na tanong ko.
"Sa bahay ko. Doon ka muna titira habang hindi pa nalilinis at naaayos ang mga nasira dito," kalmado na sagot niya pero nang marinig ko 'yon ay nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ako ng kaba.
"S-Seryoso ka ba diyan? Sa bahay mo?" hindi makapaniwalang tanong ko pa.
"Hmm. Why?"
Eh... pag ano... p-pag sa bahay niya ay baka mag unli kemberluhan kami doon!
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Sweet Psycho
RomanceTherese Catalina doesn't do one-night stands. But everything changed when she met Luther Rico Valleje, her best friend's brother-in-law! Will their relationship really end after just one passionate night, or will they keep wanting more? --- "Hmmm...