Therese Catalina
I was sitting in the corner of my 'kainan sa kanto' an eatery I opened near a university. Dito ako tumuloy pagkatapos ko na gumayak kanina. Hindi rin kasi ako nagtagal sa bahay dahil naisipan ko na bumisita dito para tingnan at tanungin ang mga tauhan ko kung maayos naman ba ang lagay nila at para bisitahin ang mga bata.
Hindi naman daw nalulugi dahil maraming kumakain kasi budget friendly nga ang lahat sa menu, nakakabayad naman rin daw ng bills, napapasahod ko rin ang apat na nakatao. Si Gina pala ang pinagkatiwalaan ko na mamahala dito, actually siya na ang nakatao sa salon ko na malapit lang rin dito and because she's near, and she's working for me for almost three years, sinabi ko na siya na ang bahala na magpasahod at magcheck-check ng kainan.
Hindi lang naman kainan ang pwesto dito, sa taas ay may dalawang bedroom space. Mag-se-seven months pa lang rin itong bukas at ang dahilan naman kung bakit ko rin naisipan na magtayo ng eatery sa kabila ng marami na rin akong mga mga business ay dahil nagustuhan ko dati yung naexperience ko sa isang karinderya nang ayain ako na kumain doon ni Tangi. The food was great, it's all delicious. I also like how you will choose your ulam from the lines of filipino dishes. Yung bubuksan mo ang takip isa-isa tapos malilito ka kung nasaan yung pwesto ng adobo. Mahihirapan ka rin pumili kasi lahat itsura pa langn ay masarap na. I like also the noise from the people habang nagkukwentuhan sila tungkol sa trabaho, sa school, sa pagod. Sa bigat na dinadala nila sa buhay.
I felt like I was seeing the reality—feeling it. Iyon talaga ang naramdaman ko. And that I was becoming aware that life is really hard for some people. I don't usually see this kind of life every day. I grew up in a different environment, in a rich family so I rarely experience things like this. I was surrounded by comfort and privilege, with everything I needed at my fingertips.
Tangi was the one who introduced me to many new things outside our luxurious life and that's when I realized that simple is more beautiful. More peaceful. Pero hindi ko naman nineneglect ang hirap ng ibang tao, na masaya pala ang klase ng pamumuhay nila because they're living a simple life. I felt and recognized their problems, too. The struggles of working hard everday to earn money for their families, I felt that they all wanted to stop, take a rest and choose themselves even just for a day. Kasi nagtatrabaho na lang daw sila para makabayad sa mga utang at sa mga bills. Nakakapagod at draining. I suddenly compared my life to theirs, realizing that I have the things they might want—a good life na hindi problema ang pera—while they have the things I long for—a simple life and a happy family.
Pero, hindi lang naman itong kasimplehan ng buhay at pagkakaroon ng kainan ang dahilan kung bakit rin ako nagdesisyon na kuhanin itong pwesto kung hindi dahil na rin talaga sa dalawang batang babae na nakikita ko palagi na nagtitinda ng kamotecue at bananacue tuwing hapon na uuwi ako sa bahay ko.
Delikado na naglalakad sila sa gilid ng kalsada lalo at highway pa. May hapon rin na nakita ko silang basang-basa sa ulan habang nakataas ang bilao na laman ang marami pang paninda. Nakasuot ang mga ito ng uniform kaya nalaman ko na nag-aaral pa sila at base sa unifrom ay nalaman ko rin agad na diyan sila sa may Atlas University nag-aaral. Siguro ay may isang buwan ko na silang nakikita, hindi araw-araw pero madalas.
They're the main reason why I decided to open an eatery.
And it happens that Gina knew the girls, nang bisitahin ko kasi ang salon ay tinanong ko kung saan nila binili yung turon na kinakain ko kasi masarap, there's langka inside at ayun dun na niya naikwento na sa naglalakong magkapatid nga daw. Naalala ko non ang mga bata na nakikita ko and I asked Gina if that's the girls wearing the Atlas' uniform at oo daw. Palagi naman rin silang bumibili daw sa dalawang batang babae. And I thank them for that.
Ikinwento rin sa akin ni Gina ang buhay ng mga bata. And I was horrified that the girls are only living in the street. Sinabi rin niya kung saan natutulog. Nasunugan pala ng bahay at namatay ang mga magulang na parehong PWD habang nasusunog ang bahay ng mga ito. It was heart breaking that I cried. The day after that, I went to the place where the girls are living at doon ko na nga sila nakita. Mas nakaramdam ako ng awa. Napakadelikado na natutulog lang sila sa labas, pareho silang babae paano kung may magtangka sa kanila ng hindi maganda?
I didn't waste time. I didn't think twice to help them. Nagpakilala ako sa kanila at tinanong ko rin ang mga pangalan nila. Ina at Ana, simple names but they are both beautiful! Nalaman ko rin na kambal pala sila at parehong first year college. I offered them a scholarship first. Hindi pa nga sila makapaniwala noong una pero nang pinasunod ko si Gina at ipakilala ako nito na boss niya ako ay doon na rin umiyak ang dalawang bata at nagpasalamat. I also cried, mababaw ang luha ko sa mga bata na nagsisikap tulad nila tapos nawalan pa ng mga magulang sa isang trahedya.
The girls told me that I was on time, that I am a blessing from God kasi nun pala ay may balak na silang huwag mag-aral at magtinda na lang, mag-iipon muna saka ulit babalik sa pag-aaral. Life is really hard for some people... but yes, God is good. Hindi ako religious na tao pero alam ko na may Diyos at nagbibigay man siya ng problema, hindi para pahirapan ang lahat kung hindi para mas maging matatag sa buhay.
That same day, I said that they're going to live in a comfortable place, sa lugar na hindi mapanganib para sa kanila. They didn't stop crying and thanking me when we arrived at the place and the landlord talked to them. The girls told me that they didn't know how they will thank me. Sinabi ko na mag-aral silang mabuti, iyon ang gawin nila para sa akin. Kinausap ko rin si Gina sa pagbubukas ng kainan sa baba nung time na 'yon at nagprisinta agad ang dalawang bata na tutulong sila. I refused, because I wanted them to focus on their studies pero sinabi rin ng mga ito na hindi naman daw maghapon na nasa university sila. I let them be, basta huwag lang kako nilang mapapabayaan ang pag-aaral.
"Miss Thes! Ito po bagong luto ni Ana na bananacue."
I smiled when Ina went to me. Nakangiti ng malawak habang dala-dala ang umuusok pa na bananaque. Naglaway naman akong bigla! This is one of the reason why I like to visit them.
"Thanks, Ina girl. How's studies?"
At mukhang alam na niya agad ang itatanong ko dahil may kinuha siya sa likod ng bulsa niya. Papel at ipinakita sa akin.
Dean's list.
Nabasa ko kaagad ang pangalan nila ni Ana. Nasa number 3 siya at si Ana naman ay 4. Wow! I felt like a proud mom when I raised my head and tapped her shoulder. Naiiyak pa ata ako.
"Congratulations to the both of you! Ginalingan ninyo naman masyado. Basta pasado okay na!"
I don't want to put pressure on them just because I gave them a comfortable place to stay. Gusto ko rin na ma-enjoy nila ang buhay nila sa kolehiyo. Lumabas-labas sila at mag-mall. They have their own money now. I am not letting them pay anything in school. Si Gina ang nag-iimporma sa akin kung may kailangan bayaran ang kambal. Pero dahil nga matatalino talaga ang mga ito, ay halos lahat libre at may allowance pa silang nakukuha every semester.
"Maraming salamat po sa inyo, Miss Thes. Kayo rin po talaga ang dahilan kung bakit mas ginagalingan po namin ni Ana. Hindi lang po ninyo kami binigyan mautuluyan, kung hindi binigyan ninyo pa po kami ng pag-asa na magiging maayos ang buhay naming dalawa ng magkasama."
Aahhh... I felt my eyes heated up after I heard what Ina said.
This is the reward for what I did that is more valuable than money or any expensive things. This that I will forever treasure in my heart. That, once in my life, I helped people hope for a better future.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Sweet Psycho
RomanceTherese Catalina doesn't do one-night stands. But everything changed when she met Luther Rico Valleje, her best friend's brother-in-law! Will their relationship really end after just one passionate night, or will they keep wanting more? --- "Hmmm...