Chapter 46

221 7 1
                                    

Hindi na kami inabot ng dilim sa bahay ko, nakakaramdam na rin ako ng gutom kaya naman hinayaan ko na si Luther sa gusto niya. Ramdam ko rin naman na hindi siya basta papayag na manatili ako dito at kung ipagpilitan ko pa ay siguradong magdedesisyon siya na manatili at samahan ako.

Ngayon nga ay kapapasok lang namin sa village nila. He was silent the whole ride at ako ay patingin-tingin lang sa kaniya. Kapag mapapansin ko na babalingan na niya ako ay saka ako iiwas. Ano kaya ang iniisip niya? Sa itsura niya kasi parang ang layo na ng narating niya, eh. Is it about me and Caitlin? Alam ko na iniisip naman niya ako at ang mararamdaman ko pero kapag nagtanong naman siya ay walang pagdadalawang isip na sasagot ko.

Sa totoo lang nang bumaba kami galing sa silid ko habang dala niya ang maleta ko--na may laman na pa lang mga damit ko nung oras na 'yon, he was the one who arrange everything at hinihintay na lang pala niya talaga ako non na magising para makaalis kami.

So, going back, pagkababa namin ay mas nakita ko na hindi pala basta-basta lang ang nangyaring pinsala sa bahay ko. Para 'yong pinagwalaan ng ilang tao. I think I should call mom, kanina rin ay napansin ko na hindi normal ang mga kilos ni Caitlin. Unang sumagi sa akin ay kung umiinom ba siya ng gamot niya--because she's not really okay mentally. Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit hindi ako madalas pumatol at kanina lang talaga nasagad ang pasensiya ko dahil sa mga salitang narinig ko sa kaniya.

Caitlin's not acting right... parang mas dumoble--no, triple pa ang naging aggression niya.

"We're here."

Napatingin ako kay Luther nang marinig siya na magsalita. Non lang ako tumalima at inalis ang seatbelt ko at bumaba na. I lookekd at him when he went to the back of the car. Kinuha niya ang maleta ko at ako ay nasa gilid lamang at naghihintay.

Ni hindi ko namalayan na nakapasok na pala kami sa loob ng bahay niya. At napakataas ng gate.

"Ako na..." nang kukunin ko ang gamit ko, iyong bag lang na isa ay iniiwas niya 'yon.

"I can handle this. Just get the key inside my pocket. Ikaw na lang ang magbukas ng bahay," sagot naman niya sa akin.

Tumango naman ako at sinunod agad ang gusto niya. Hindi ako sanay na hindi makulit kapag kasama siya pero alam ko na kailangan ko na mag-behave ngayon, lalo pa at... nandito ako sa bahay niya.

Kahit naman ilang beses nang may nangyari sa amin at sobrang wild non ay syempre may times na dapat very demure pa rin ako. Ayoko naman isipin ni Luther na puro sx lang ang nasa isip ko. Baka mamaya ay bigla siyang matauhan na ang gusto niya pa lang babae ay yung inosente, yung tipong behave lang. Malayong-malayo sa tulad ko.

Minsan hindi ko maiwasan hindi mag-overthink. Ewan ko kung normal pa ba 'to. Or maybe because I am slowly liking him and I don't want these thoughts that he might like other women, at baka nachallenge lang siya sa akin.

Pero parang iba naman ang nangyayari kasi... 'di ba usually kapag sa mga lust or sex lang ang habol kapag nakuha na ang gusto ay tumitigil na? Si Luther ay hindi--Catalina, in love nga sa 'yo! In love hindi lust lang!

I press my lips together and looked at him. Nakatingin rin pala sa akin si Luther at hinihintay ako na kuninang susi.

"Ah, sorry..." pagkasabi ko non ay saka ko agad na isinuksok ang kamay ko sa bulsa niya at kinapa ang susi kaso ganoon na lang ang paghugot ko ulit ng kamay ko nang may masagi 'yon.

"S-Sorrry!" namimilog ang mga mata na tingin ko kay Luther pero ang loko ay nakangisi lang. Nang akala ko ay sasagot siya at aasarin ako ay dumukwang naman siya at mabilisan na hinalikan ang mga labi ko.

"Why are you so surprised, Catalina? Nasagi lang, it's not like this is the first time that your hand touched it, mas sobra pa nga sa sanggi ang ginawa mo."

The Billionaire's Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon