Isa rin sa dahilan kung bakit hindi ako mapili sa mga tao na tinatanggap ko para magtrabaho sa akin ay dahil alam ko na lahat naman ay matuturuan. Basta nakikita ko naman na matiyaga at willing to learn. For me, it's not just those who have completed their education who should be qualified for jobs. Minsan nga mas masikap pa yung mga tao rin talaga na alam mong galing sa hirap. Iyong uhaw na uhaw na magkaroon ng trabaho para makatulong sa pamilya. Sila rin yung masaya sa pakiramdam na tanggapin sa trabaho.
Haa. Naaalala ko tuloy ang bawat buhay ng mga empleyado na tinanggap ko lalo na sa patahian.
At bago pa ako tuluyan na maiyak sa alaala ng mga talambuhay ng mga tao ko ay kumuha na ako ng isang bananacue at kumagat doon. Kaso unang kagat pa lang ay nailuwa ko na 'yon nang makaramdam ako ng init at mapaso ang mga labi ko.
"A-Ahh! Ouch!" I shouted.
"H-Hala!"
Nabigla naman si Ina at napalapit sa akin habang hindi malaman kung ano ang gagawin. If she's going to touch me or put away the food pero ang ginawa na rin niya ay kinuha ang nabitawan kong bananacue kasama pa ang tinidor na nalaglag sa sahig.
"A-Ang init. Ouch... my lips..."
"Miss Thes, teka po kukuha ako ng malamig na tubig!"
Agad na tumalikod si Ina sa akin at nataranta rin ata siya dahil sa pagkapaso ko. Nang makabalik ay iniabot niya kaagad sa akin ang isang baso ng malamig na tubig. May dala rin siyang mangkok na may laman na ice cube. Iyon ang kinuha ko at itinapat sa labi ko na napaso.
"Dapat po pala pinalamig muna namin bago ko po dinala sa 'yo. Nang maringi ko po kasi kay Ate Gina na pupunta po kayo ulit dito ay nagluto po kami agad ni Ana," may halong kaba nang sabihin 'yon ni Ina sa akin.
Nadala rin naman ako ng pag-alala kung paano ko sila nakita kaya nawala sa isip ko na bagong luto lang 'yong bananaque.
"I am fine, this is malayo sa bituka. Nasaan na si Ana?" tanong ko habang pinalalakad ang yelo sa labi ko na nasaktan. Kumuha rin ako ng tissue at pinunasan ang lamesa dahil sa natutunaw na yelo.
And there before Ina could answer, I saw Ana approaching us, with a worried face. Pagkalapit ay humingi agad siya ng paumanhin.
"Sorry po, Miss Thes! Kahahango lang rin po kasi talaga ng mga bananacue!" sabi niya at yumuko sa harapan ko.
"Girls, I'm okay. It was an accident--well, not really. Katangahan ko na 'yon so don't worry about me. Anyway congratulations sa inyo!"
My lips sting. Kahit na masakit ang mga labi ko ay ngumiti pa rin ako ng malawak sa kanila. Nang ilapat ko ang hintuturong daliri ko sa parte na napaso ay napabuntong hininga ako. Pakiramdam ko tuloy ay namamaga na. The food was really hot.
"Thank you po, Miss Thes," sabay nilang sabi.
"Sigurado ka po na okay ka lang?" sabay ulit sila.
"Yes. Okay na okay lang!"
This is what amuse me when talking to these girls! They speak in unison. Talagang kambal, eh. Pero hindi naman sila magkamukha. Magkaheight yes. At ngayon ko lang rin napansin that they gained weight, sa pitong buwan na nakalipas simula nang tulungan ko rin sila. Nang makita ko sila noon ay talagang mapapayat. Siguro kasi hindi rin sila nakakakain non ng maayos.
"I'm fine. Don't worry about me. And itong bananacue, iuuwi ko ang iba, ha? Pero kakainin ko ang tatlo dito. Pakikuha na rin ako ng softdrinks," I said. Naalala ko si Luther, kumakain kaya siya ng ganito?
"Okay po, Miss Thes!"
Tumalima kaagad silang dalawa at naiwan ako muli na mag-isa. I looked at them, napatingin rin ako sa mga iilan na kumakain sa labas na nakasulyap sa akin. I was only wearing a babypink basic top and a stright cut faded jeans. No accessories. Nakatali rin ang buhok ko ng medyo mataas. I suddenly became concious and touch my face.
"Siguro nagulat sila sa sigaw ko kanina nung napaso ako?"
Naagaw ang atensyon ko at napababa ako ng tingin sa cellphone ko nang tumunog 'yon. A new message came. Nang makita ko na si Luther ang nagmensahe ay napangiti ako at sabik na binuksan 'yon.
"Oh. An image."
Pagbukas ay nakita ko na kuha 'yon ng labas ng opisina niya at base sa larawan ay nasa pinakamataas na parte siya ng isang building. Tumingin ako sa oras sa taas ng phone ko, it's 2:00 pm. Naglunch na kaya siya? Wala siyang nabanggit, eh. Sa mga nakalipas na araw ay nagsasabi siya kung kumain na siya.
I took a picture of the bananacue in front of me. Pagkatapos ay sinend 'yon sa kaniya.
Me: I'm eating right now. Ikaw? Tapos ka na mag-lunch?
Naalala ko ang nangyari kanina. Nung tumawag pala ako ay nasa kalagitnaan siya ng meeting. Kaya pala iba ang kwarto kung nasaan siya dahil conference room pala 'yon.
Nang may pumasok na mensahe ay napangisi ako pagkabasa non. Nagsalumbaba rin ako habang umiiling.
Luther: Let's meet later. I'll pick up my underwear. Mag-dinner na rin tayo.
"Nakahanap pa nga ng dahilan para makita ulit ang kagandahan ko."
Speaking of the underwear. I was damn hell serious while he was laughting at me. Sa totoo lang eh talagang nagparush ako sa mga tauhan ko para lang hindi siya magalit.
"NO ID. NO ENTRY."
Doon siya mas natuwa. Ang loko rin eh, seryoso ako sa ipinagawa kong mga underwears namin tapos tatawanan niya lang ako? He can't even answer me properly earlier because he was laughing so hard. Kahit ang pagsasalita ng diretso ay hindi magawa dahil sa sobrang tuwa.
Nagtype ako ng reply.
Me: Busy ako.
Syempre joke lang na busy ako. I'm always free when it comes to him.
Mabilis naman ako na nakatanggap rin ng sagot sa kaniya.
Luther: I'll return your panty.
I shook my head when I read his message.
Akalain mo rin ba naman kasing huhubarin niya sa akin 'yon at kukunin? Ibang klase rin magselos 'tong si Luther, eh. Tuloy parang gusto ko ulit makita ang reaksyon niya sa susunod na magselos siya. Mukhang hindi naman siya yung tipo ng magagalit, mas nae-excite ako na malaman kung ano pa yung gagawin niya.
Pero ayos na rin 'to kasi akala ko ay maiinis o magagalit siya dahil sa ginawa kong storya sa black panty ko. Tapos nakita ko ulit na tumawa siya, he couldn't get enough of it. Hanggang sa mamatay ang video call kanina ay nakangiti siya habang namumula ang mukha sa pagtawa.
"He's adorable..." bulong ko. "Dapat ganito lang siya palagi, hindi nagagalit."
I don't know why, I'm not afraid of him getting angry, but I just don't want him to be mad at me. When he's having the serious face, o iyong pagalit na, it feels like he's a different person, and it's hard for me to talk to him. Kinabahan ako kagabi nung nakaharap niya si Zack, eh. Nahirapan rin ako non na kausapin siya. I mean, nakuha ko naman nagseselos siya pero ang sama talaga ng tingin niya.
Pero sa kabila nun, alam ko na may kakulitan rin si Luther, he's not like Rozzean, yung si Rozzean kasi ay strikto talaga ang mukha at pag nakasalubong mo iiwasan mo ng tingin kasi parang may laser ang mga mata, pero ang Luther ko, medyo lang siya, mukhang suplado pero pag kasi sa akin siya nakatingin ay ang soft soft looking niya.
Wow, Thes. Talagang 'Luther ko'
I bit my tongue and smiled.
Pero siguro ganon lang talaga ang mga lalake? Baka sa mga bebeloves nila ay soft person talaga sila.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Sweet Psycho
RomanceTherese Catalina doesn't do one-night stands. But everything changed when she met Luther Rico Valleje, her best friend's brother-in-law! Will their relationship really end after just one passionate night, or will they keep wanting more? --- "Hmmm...