Ako'y namulat sa isang mapait na umaga,
Ang ngiti sa aking labi'y tuluyang nawala,
Damdamin ko'y binalot ng masasakit na ala-ala,
Malungkot kong puso'y muling lumuha.
Pilit kong itinago ang labis na pighati,
Sa mga mata'y sumibol ang isang huwad na ngiti,
Paano lilipas ang nadaramang hapdi,
Kung ang pangungulila sa kanya'y hindi mapawi?
Umaasang magbabalik ang aming pagmamahalan,
Ang masasayang umaga, sa piling niya magigisnan;
Mga pangarap ko'y magkakaroon ng katuparan,
Siya at ako'y mapupuno ng kaligayahan.
Subalit kirot ang gumigising sa akin,
Sapagkat ibang dalaga ang pinili niyang ibigin,
Walang nagawa nang ako'y kanyang lisanin,
Lahat ng lumbay ay ipinatangay sa hangin.
Araw-araw siya ang laman ng isip ko,
Bawat oras hinahanap din ng sumisintang puso,
Ngunit sa bawat minuto, pag-asa'y naglalaho;
Dahil ang pintig ng pag-ibig ay napawing singbilis ng segundo.
<>
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoetryMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"